Chapter 13

166 5 0
                                    

Aezi Salvador POV***

“Masakit!”

“Paanong di sasakit yan eh ayaw mo sabihin sakin na wag masyadong idikit! Tsk!”

“Pwede ba ilayo mo sakin yan!”

“Ilalayo? Tanga ka ba?”

“Damn! Isa pang di ka lumayo sakin at di umalis sa kwarto ko masasaktan ka talaga sa gagawin ko sayo!” sigaw niya

“Mas masasaktan ka kung ayaw mong ipagamot sakin yang natamo mong sugat! Bakit kasi kung saan saan nagsususuot!” inis na sabi ko

Bago ko puntahan si Juliam sa condo niya ay pumunta muna ako sa WOLF place para sabihin kung anong naganap kanina. Nagpalit narin ako ng suot ko roon at saka sinunog ang sinuot kong damit kanina sa laban upang walang ebidensya.

“Gagamutin ko na yan kasi!”

Saka ko dahan dahang inilapit sa balat niya ang bulak na naglalaman ng kemikal na makakatulong sa kanya para humilom na agad ang sugat niya

“Paano mo nalaman na ganito ang sitwasyon ko?”. Tanong niya na nakatigtig sa aking mata upang malaman kung magsasabi ba ko ng katotohanan o hindi

“May kumatok sa pintuan ko at akala ko ikaw yun kaya pumunta ako dito at nakita kitang umiinda dyan sa sugat mong natamo! Saan ka ba galing huh?” mataray kong sabi at tumaas pa ang kilay ko na ikinangiwi niya.

“Di porket may kumatok sa pintuan mo ay ako na yun? Kung ako sa taong yun di na ko kumatok katok pa sa pintuan mo dahil diretsyo na ko sa iyo at kababayuhin kita”

Dahil sa sinabi niya ay napalunok ako sa sarili kong laway. Putang ina!

“Tsk! Bahala ka na nga dyan sa buhay mo! Nandyan na yung mga gamot mo para umayos na yang pakiramdam mo! Bye! ”

Lumabas na ako sa condo niya na pabagsak na sinarado ang pintuan. Kairita!

Gago pala sya!

                     🌌***⚡

Kinabukasan...

Nagising ako sa tunog ng aking phone na umingay sa apat na sulok ng kwarto ko. Tsk! Istorbo!
Sabado ngayon dapat ay mahaba ang tulog ko tsk!

Madiin kong pindot ang screen ng phone ko dahil nabubwisit ako sa tumawag. Sinagot ko ang tawag at tinapat sa aking tenga habang nakapikit pa ako

“Ano!” sagot ko

Wala ng hello hello pa tsk! Mga istrobo mga punyetas!

“A-Aezi...” nauutal na tawag sa pangalan ko

“Sino to!? Ayusin mo nga pagbanggit sa pangalan ko Miss! Wrong number ka ba? Kung Oo putang ina mo! Ginising mo ko sa pagkakahimbing ng tulog ko! Tang ina! Sa lahat pa ng numero na pwede mong tawagan ako pa ang napili mo! Kung hihingi ka ng ransom money sakin dahil nasa peligro ang buhay ng pamilya ko pwes! Mas nasa peligro ang buhay mo! Wag ka ng ulit tatawag sakin! Istorbo kang putang inang hayop ka! Gago!”

Ibaba ko na sana ang tawag ng may ibang boses naman ang nagsalita

“Aezi! Yung Lola Elsa mo nasa Hospital! Inatake sa puso! Kung gusto mo pa syang makitang buhay pwes pumunta ka na dito sa probinsya at baliin ang pangako mo kay Aezi Lyn na di ka babalik hangga't di mo napaghihiganti ang anak niya! Pumunta ka dito ngayon din!”

Saka nawala ang tawag. Seryoso?
Nasa hospital si Lola Elsa? Bakit ngayon pa!

Dali dali akong nagbihis at di na nakapag ayos ng sarili dahil patakbo na kong lumabas sa condo ko dala ang susi ng kotse ko. Ng nakapasok na ko sa sasakyan ko ay Pinaandar ko ito ng matuling. Shit!

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon