Chapter 28

155 5 0
                                    

Gio Suin POV***

Sinugod ko sa hospital si Aezi na nag-aagaw buhay na. Sinalubong ko ng mga doctor at mga nurse at sila na ang nagdala kay Aezi pahiga sa kamang nakahanda.

“Sir. Paki fill up-an po muna ito” sabi sakin ng isang doctor at abot sa akin ng papel

“Gago ka ba doc?! Huh? Naghihingalo na yung babaeng mahal ko tapos ito muna uunahin ko! Putang ina mo pala eh!? Ikaw kaya ang saksakin ko at ikaw ang nandun sa sitwasyon na yun! Pafifill-up-an pa tong papel na to!? King ina mo!” saka siya kinuwelyuhan at inawat ako ng mga nurse na nandun.

“Sir huminahon kayo ”, sabi nila

“Ako!? Hihinahon? Tanga ka din pala eh! Nasa peligro na ang buhay ni Aezi tapos huminahon ako!? Dalhin nyo na sya sa emergency room! Bilisan nyo! ” saka ko patapong binitawan ang doctor na Gago.

Dahil sa galit ko at makapatay ako ay dali dali nilang inasikaso si Aezi upang makaligtas sa ginawa kong pagkakasaksak sa tagiliran niya.

Pinasok siya sa Er at di na ko pinaanyayahan na pumasok roon dahil magiging sagabal lang ako sa loob.

                         ***

Nakahiga ngayon si Aezi sa kamang kulay puti. Mahimbing syang natutulog roon na tila walang problemang kinahaharap. Dumating rin ang kanyang mga kamag-anak dahil nabalitaan nila ang nangyari kay Aezi.

Tunog ng makina ang aking naririnig sa kwarto ni Aezi'ng pinagdalhan sa kanya. May mga tubo na nakakabit sa kanyang katawan at meron ring nakahandang materyal upang kapag nag iba ang kondisyun niya ay nakahanda na ang mga gagamitin.

Ligtas nga si Aezi pero habang buhay naman siyang makakatulog. Tulog lang raw si Aezi sabi ng mga doctor. Di katulad ng iba na may naririnig kahit na unconscious pero si Aezi ay hindi ganun. Kahit anong salita mo riyan ay wala syang maririnig at wala kang makikitang pagbabago sa kanya. Nakangiti lang si Aezi habang natutulog sa kama niya.

“Gumising ka na Aezi...” sambit ko at hinawakan ang kanyang kamay

“Ano bang lason Ang ginamit mo Gio?” tanong ni Daile na katabi ko

Tumingin ako sa kanya at inayos ang kamay ni Aezi nainilahay sa kama

“Hindi ko rin Alam.... Sabi ni Aezi gamitin ko daw iyon sa nagagalit ako.. D-di ko naman Alam na si Aezi at si Scarlet ay iisa....”

“Nagawa niya ang formula...” yun lang ang nasabi ni Daile habang nakatitig sa maamong mukha ni Aezi.

                          ***

“Buntis ang pasyente ijo kaya mas lalong nasa panganib ang dalagang iyon. Maaari siyang mamatay kapag nailabas na natin ang sanggol sa sinapupunan niya sa takdang araw. Kailangang maging handa ka na ijo sa mangyayari sa Dalagang iyon. Pero wag kang mawalan ng pag-asa dahil baka may milagrong maganap at magising siya mula sa pagkakahimbing niya”

Kausap ko ang doctor na tumitingin kay Aezi. Ilang months na syang tulog dyan sa kama. Di ba sya nagsasawang matulog? Ilang panaginip na ba ang napanaginipan niya? Kasama kaya ako sa panaginip niya? Gumising ka na kasi Aezi, Mas maganda Ang mundo sa labas kaya gumising ka dyan sa pagkakatulog mo...

“Sige po doc... Maraming salamat po” sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto ni Aezi.

“Aezi... Gumising ka na kasi! Ano putang ina mo naman eh! Tang ina mo Aezi! Gising na kasi! Hayss! Di mo tuloy makikita yung anak mo! Ano Aezi patigasan ng ulo!? Aba gising na! Gago hayop tsk!” malulutong kong mura sa kanya baka kasi murahin niya ko pabalik pero walang nangyari.

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon