Aezi Salvador POV***
Nang malaman ko ang plano nila James ay nag ingat ako sa mga galaw ko at kumilos ng normal upang di sila maghinala pa sa akin.
Nandito ako sa condo ko at nag hahalo ng mga kemikal na maaaring gamitin pang protekta sa akin. Gumawa rin ako ng tableta na makakapigil sa ginagawa kong lason para kung ako man ang madali ng sarili kong armas ay di ako mamamatay.
Dumating si Gio sa condo ko ng walang pasabi kaya di ko naitago ang mga ginagawa kong kemikal.
Kumunot ang noo ni Gio sa nakita niya kaya lumapit sya roon para makita ng harapan ang mga kemikal roon."Anong ginagawa mo Aezi!?" tanong niya sa akin
"L-Lason Gio" nauutal kong sagot
"Lason para saan?" tanong niya
"Gumagawa ako nito dahil sabi ni Daile na kailangan mo raw ng proteksyon dahil nanganganib ang buhay mo..." depensa ko para di siya maghinala
Napangiti sya sa akin at saka ako pinisil sa aking pisngi. Di pa sya nakuntento kaya pinatakan niya ako ng isang halik sa aking labi at pinitik ang Ilong ko na kinatuwa Niya.
"Kahit pala Red Volt na ko ay may pag aalala ka pa rin. Akala ko ay ayaw mo sa Red Volt? " tanong niya
"Oo ayaw ko sa Red Volt noong hindi pa ikaw ang Hari nila pero ngayon iba na! Ikaw na ang hari kaya di ako nagagalit sayo... Nagagalit ako sa ibang gang!" inis kong sabi at saka ko pinagpatuloy ang aking ginagawang paghahalo sa mga iba't ibang kemikal.
Nakabuo ako ng lason na di siya nakakamatay pero habang buhay ka na nitong di gigisingin. Ibig sabihin mabubuhay ka pa pero matutulog ka lang ng mahimbing ang kapalit.
"Gio... Ito sayo na itong nagawa kong lason. Ipahid mo yan sa patalim mo at gamitin mo lang sa tingin mong taong nagagalit ka" sambit ko at inabot sa kanya ang lason na nasa lalagyan.
"Sigurado ka? Akin na lang ito? Eh paano ka? Deba may ugnayan ka sa akin... Baka pagnalaman nila... Patayin ka nila?" natatakot niyang sambit sa akin kaya niyakap niya ako.
"Wag kang mag aalala sa akin Gio.. Ayos lang ako, ikaw dapat ang mag ingat okay?" sabi ko sa kanya
***
Dumating sa condo ko si Daile kasama ang kapatid kong si Aezi Lyn na lumuwas galing probinsya. Nakaalis na si Gio bago sila dumating.
"Bakit nandito ka Lyn?" nag-aalala kong tanong dahil baka siya ang mapagkamalang ako
"Aezi... May dapat kang malaman" sabi ni Daile
"Ano yun?" tanong ko
Bumuntong hininga si Daile bago niya sabihin ang mga bagay na dapat kong malaman.
"Sinabi sa akin ni Lyn na bago ka daw makabalik dito sa Manila ay...dalawang linggo ka ng nagdadalang tao, Ngayon siguro ay isang buwan ka ng buntis...."
Napatingin ako sa aking tiyan at napahawak roon. May dinadala akong bata sa sinampupunan ko? Paano ako makakalaban ng maayos? Ayokong mamatay ang sanggol na dinadala ko! Paano!
"P-Paano ako...m-makakalaban ng maayos kung may bata dito!?" naluluha kong sigaw sa kanila
"Para makalaban ka ay pinag isipan naming....ipalaglag ang batang yan Aezi..."
Napanganga ako sa sinabi ni Daile kaya napailing ako
"H-Hindi! H-hindi ko ipapalaglaga ito! Magkamatayan man! Lalaban akong kasama itong anak ko! Ayokong mawala ito!" . lumandas ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
"Kung ganun... Mahihirapan ka?"
"Wala akong pakialam!" sigaw ko
Nagbihis ako ng suot ko kapag reyna ako ng WOLF at lumabas na sa condo ko na agad rin ako hinabol ni Daile.
"Gabi na! Saan ka pupunta!?" inis na sabi niya
Tinanggal ko ang kamay niyang pumipigil sa akin para makaalis
"Papatayin ko na si James para ayos na ang lahat!" sambit ko
Umiling si Daile
"Wala si James sa lungga ng WOLF... Kundi nasa Red Volt na. Si Charles at si James ay iisa...."
Pagkasabi ni Daile nun ay napaluhod ako sa sahig. Si Charles ang nakasama ko sa ilang taon! Sya din ang taong pumatay kay Azalea! Tang'na! Putang ina! Ako yata ang nalinlang dito!
"Ang nakilala mo rin sa Probinsya na si Ethan ay si Charles rin.... Kapatid niya si Camille na prinsesa ng Blue Eagles at Nobya niya naman si Juliette pero ikaw...ikaw ang gusto ni Charles na mapangasawa kaya hangga't maaari ay mag ka ng lalabas! Baka malinlang ulit niyang ang bawat isa sa atin!"
Kaya ba... Sinabi ni Ethan noon na familiar ako sa kanya? Kaya ba laging pinagmamasadan ni Charles ang dibdiban ko dahil may palatandaan doong Taling na nagsasabing ako si Aezi Nicole Salvador!
Hinila ako ni Daile patago sa isang kwarto na di namin kilala kung sinong taong nakatira roon.
Magsasalita sana ako ng makita ko sa siwang ng pinto ang ilang gang na dumaan. Saan sila pupunta?"Teka si Lyn nandun sa kwarto ko! Delikado si Lyn Daile!" nag aalala kong bulong kay Daile.
"Aezi... Sa ngayon naman..isipin mo yung sarili mo. Kung mapapatay ka nila.... Hindi lang ikaw ang mamatay kundi pati yung bata dyan sa sinapupunan mo! Mag isip ka Aezi! Gamitin mo naman ang talino mo ngayon!" inis niyang sambit.
Baka mapatay nila si Lyn?! Baka mapagkamalan nilang ako yun! Di pwede!
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...