Gio Suin POV***
Nandito kami sa simbahan at ihaharap ang isang babaeng nasa kabaong na. Dati iniisip ko na kapag sa simbahan ay dito ko balak pakasalan ang babaeng mahal ko pero dati yun.... Ngayon kasi ihaharap na namin ang katawan ng babae na binawian ng buhay.
Napuno ng iyakan ang loob ng simbahan. Madaming nagmamahal sa kanya. Halos ilang syudad ang nakiramay sa raw na ito. Punong puno ang simbahan at meron pa sa labas.
Saksi ako kung paano siyang naghingalo at kung paano siya nakitilan ng buhay.
Sa mundong ating ginagalawan ay maikli labg ang buhay natin. Di natin masasabi kung anong oras o Segundo lang tayong mabubuhay sa mundong ito.
Matuto tayong gawing mahalaga ang bawat Segundo. Punuin natin ng kasiyahan ang buhay natin bago tayo lumisan sa mundo.
Dati tumatawa lang ako kapag usapang ganito pero hindi eh.. Iba pala talaga kapag ikaw na yung naganapan ng ganun sa buhay mo...Ang mawalan ng taong minamahal.
Hawak ko ang isang taong gulang na sanggol na mahimbing na natutulog sa bisig ko. Napangiti ako ng makitang nakatulog na pala ito dahil sa paring kanina pa nagmimisa. Naalala ko tuloy nung bata ako. Nakakatulog rin ako kapag nakikinig sa misa ng pari. Napapagalitan at napipingot tuloy ako ni Mom nun. Si dad naman todo awat kay Mom dahil baka daw masaktan ako. Mas malapit ako sa papa ko dahil siya ang tagapag tanggol ko mula kay mama.
“Ehem” tikhim ng babaeng nasa tabi ko.
Maganda sya at ang hubog ng katawan niya ay pang modelo sa magazine. Hanggang balikat ko lang sya dahil matangkad akong tao. Hinele hele ko ang sanggol na karga ko at pinatak patakan ito ng halik sa noo.
“Bakit?” tanong ko sa kanya
Ngumiti sya ng abot langit kaya nadala ako nito. Napangiti tuloy ako gago talaga!
“Akin na si Baby Akiera Gayle Suin. Akin na na yung anak ko baka naman...” sambit niya habang natatawa.
Napailing na lang ako at saka bingay ang anak niya at busangot akong tumingin sa kanya at nagcross arms.
Napangisi siya ng makita ang kagaguhan na ginagawa ko.
Si Lola Elsa ang pumanaw at nakatakda ng ilibing ngayon.
Sigurado akong masaya na si Lola Elsa kung nasaan siya dahil maraming nagmamahal sa kanya kahit na wala na siya. Masaya ako dahil siya ang Lola ng apo niyang si Aezi at masaya rin dahil naging apo niya sa akin si Akiera.***
Nakauwi na kami sa bahay namin at masasabi Kong amin talaga ito
Back to past...
Dinala ko si Aezi sa bahay namin sa Laguna at wala siyang reaksyon noon ng ipakilala ko siya sa mga magulang ko. Kaibigan ko kasi Si Aezi at Sya ang kauna unahang babaeng naging kaibigan ko kaya pinakilala ko siya kila Mom and Dad
“Kwarto mo ito?” tanong niya sa akin
“Oo, bakit panget ba?” tanong ko
“Di naman.. Okay lang” sagot niya
“Ito magiging bahay natin” wala sa sarili kong sambit kaya napatingin ako sa kanya na gulat at namumula na roon sa sofa na inuupuan niya.
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...