Chapter 9

177 5 0
                                    

Gio Suin POV***

Tatlong araw akong pabalik balik sa condo ni Aezi kahit alam kong nasa probinsya sya at nagbabakasyon kasama ang Lola niya roon.

Nandito ako sa aking kwartong walang gasinong kalaman laman. Hawak ko ang larawan ni Aezi na nakasalamin at may hawak na libro. Dumagdag sa maamo niyang mukha ang kaunting bangs at mas nagmukha siyang model. Nakasuot sya ng kulay pulang pang opisina at sa posisyon niya ay masasabi mo talagang may hulma ang katawan niya. Napakagat na lang ako sa ibaba kong labi dahil sa pagnanasa sa kanya.

Damn!

“Insan!!!!!” napabangon ako sa pagkakahiga ng bigla bigla na lang pumapasok sa kwarto ko si Aldrich

Sinamaan ko siya ng tingin dahil di ko nagustuhan ang pagsigaw niya na kala mo ay babaeng naghahabol sa akin

“Ano na namang kailangan mo?” inis kong Sambit

“Masyado pa tayong bata para mag seryoso sa relasyon, mag focus muna tayo sa inuman Dre!” sabi niya at mukhang problemado pa

“Anyare sayo?”, nakangisi kong tanong

“Pre inom tayo ngayong gabi! Iniwan na ko ni Sandra!”

Si Sandra pala yung nobya niyang pinaungol niya sa kwarto ko. Puta!

“Sige sige para kang tanga pre daig mo pang babae kung umiyak” masungit kong pagsasabi

                      ❤***⚡

Maraming tao rito sa bar at karamihan roon ay mga kabataan. Dito sila pumupunta kapag wala silang magawa at kapag sawi sa pag ibig.

Sumimsim ako sa maliit na basong naglalaman ng alak

“Di ako papayag na iwan mo ko ng ganun ganun lang Sandra!”

Nalalasing na yata tong kasama ko dahil kung ano ano ng sinasabi. Kanina ay nakipag usap siya sa babaeng di namin kilala na nakapagkamalan niya pang si Sandra. Lakas ng tama puta!

Naghiyawan ang lahat ng mga kalalakihan ng lumabas ang isang babaeng nakasuot ng maikling pambaba at halos lumuwa na ang malaking umbok niya sa harap dahil maliit lang ang bra niyang suot.

Sumayawa ang babaeng iyon sa lahat ng nadadaanan niyang table. Nagtama ang paningin namin ng babaeng yun at nang-akit pa siya.

Maya Maya ay pumunta siya sa gawi namin at gumiling sa harapan ko at dahil gusto mo yang ginagawa mo sige pagbibigyan kita. Hinawakan ko siya sa bewang niya at tumayo. Sinabayan ko ang bawat galaw niya at nagpapakasaya. Pero mayamaya ay may sumipa sa kanya at bumagsak sa sahig kaya nagkagulo na ang lahat.

                         ***

Aezi Salvador POV***

Dahil sa inis ko sa hari ng WOLF ay nag-inom na lang ako sa di kalayuang bar sa lugar ng WOLF.
Nakakainis naman kasi! Pag ako nagalit pa makakapatay na ko ng tao kahit walang kasalanan na ginawa sakin!

Saktong pag-inom ko ng wine ay lumabas ang isang babae na pokpok at sumayaw pa ito sa mga nadadaanan niyang mesa. Di ba siya nahihiya sa ginagawa niya?

Iaalis ko na ang tingin ko sa kanya ng mapunta ang tingin ko sa isang mesa di kalayuan sa pwesto ko. Nandito si Gio?

Nagkatinginan si Gio at ang babaeng pokpok kaya inakit sya ng babaeng iyon. Lumapit sa kanya ang babae at saka gumiling na kinatuwa pa ni Gio. Tumayo si gio at humawak sa bewang nito saka sinabayan ang galaw nung babae.

Nasisira ang araw ko ngayon puta! Nandidiri ako sa pinaggagawa ng babaeng pokpok na yun!

Sa inis ko ay di ko na namalayang napunta na ko sa pwesto nila at saka sinipa ang babaeng yun at kinabagsak niya ito sa sahig. Nagkagulo na ang lahat kaya aalis na ko ngunit napatigil ako ng hinawakan ni Gio ang kamay ko

“Bakit mo siya sinipa? Wala siyang ginagawang Mali sayo?”. Seryoso niyang sambit at umiigting pa ang panga niya sa galit.

“Naaaduwa ako sa nakikita kong tanawin kaya nasipa ko siya... Kala ko kasi batong nakaharang sa daan kaya ayun nasipa ko. Hayss lasing na yata talaga ako”. Malamig kong sabi sa kanya.

Napamura siya kaya marahas niya akong hinila palabas ng bar na iniinuman namin.

Tinatanggal ko ang kamay niya sa kamay ko pero mas hinigpitan niya iyon. Ng mahanap niya ang kotse niya ay binuksan niya ito at pabato niya kong tinulak sa loob ng kotse niya. Bago niya masarado ang pinto ay nakita kong napabuntong hininga sya at pumasok na rin sa loob para magmaneho

“Teka! Saan mo naman ako dadalhin?” mataray kong tanong sa kanya

Di siya sumagot sa tanong ko.
Hinayaan ko na lang siyang magmaneho at kung saan ako dalhin. Wala akong pakialam

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon