Chapter 11

191 7 0
                                    

Daile Amisola POV***

Nagpustahan kami ni Aezi ng isang daang libo kapag napasali ko si Juliam sa grupo namin kaya sayang saya ako ng naunahan ko si Aezi na mapasanib si Juliam sa amin kaya talo siya.

Nandito kami ngayon sa lugar ng mga WOLF kaya delikado kami dito kapag gumawa kami ng gulo. Libo libo kasi silang lahat tapos ako at si Juliam lang ang narito Edi talo na kami.
Pumunta kami dito kasi nung isang araw pa raw di bumabalik si Aezi mula ng umalis ito nung nainis sa hari ng WOLF.

Saan kaya nagsususuot ang babaita na yun? Tuloy pati ako maghahanap sa kanya.

“Nakita nyo na si Scarlet?”. Rinig kong tanong ni James (king of WOLF)

“Di pa po”

May mga kausap siyang miyembro nila at May mga pinalaganap na rin siya na tauhan para maghanap kay Scarlet. Grabe isang araw lang di sumulpot si Aezi dito sa lugar nila, grabe na kung mag-alala.

May pinag gagawa na naman yun siguro..di ng sasama! Tsk?

“Maghahanap ako sa lugar na madalas niyang puntahan” suhestiyon ko

“Sige, Salamat Daile”. Pagpapasalamat ni James

Kahit nag aaway itong dalawang ito may pag-aalala din na nararamdaman para sa isa't isa hayss.

Tumingin ako kay Juliam na kanina pa nag-iisip ng malalim

“Gumamit ka ng pala para mas lalong lumalim yang iniisip mo. Tulungan pa kita sa paghukay”. Sambit ko na agad niyang tinaasan ng kilay.

Slow ba itong nerd na to?

“Sige samahan mo ko sa paghukay tapos ikaw yung ilalagay natin dun”. seryoso siya sa sinabi niya

Agad kong tinutukan siya ng patalim sa leeg pero walang bakas ng takot akong nakita katulad din siya ni Aezi na di nagpapakita ng nararamdaman. Mga masikreto!

Padabog akong umalis doon at pumunta sa pahingahan ng WOLF ng may madaanan akong dalawang babae na nagpapaganda at napatingin sila sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin

“Lumayo layo ka nga samin... Nagdidilim ang panginin ko sayo”, pagtataray nila

“Mas lalong pumapangit ang tingin ko sayo, pinalayo ba kita?”. Maangas kong sabi sa kanila na kinainis nila kaya umalis na sila.

Wews!

Maya Maya ay may babae akong nakitang nakapulang dress sa may second floor kaya sinipat ko agad ito ng patalim kong hawak.

May Reyna na ang Red Volt? Bakit di namin Alam?

May suot din itong mascarang pula at Maya Maya ay naglabas siya ng pamaypay at pabiglang binuksan ito at naglabas ng maraming patalim kaya dali dali akong umiwas sa mga iyon. Buti ay di ako nadaplisan ng kahit isa. Sa sabihin kong magaling siya dahil naisahan niya ko.

“Anong nangyayari dito?”. Tanong ng ibang miyembrong nakarinig ng ingay na gawa ng paglaban ko dun sa babaeng nakapulang mascara

Napatingin sila sa direksyon na tinitignan ko at nagulat sa nakita katulad ko.

“Do I know you?” pasigaw kong tanong.

Tumawa siya at tumalim ang tingin niya sa akin

“me conoces Daile. solo eres estupido”.
(You know me Daile. You're just stupid)

Pagsasalita niya sa ibang lengguwahe.

“Magsalita ka nga ng maayos para maintindihan naming lahat!” inis na sigaw ko

Tumawa na naman siya pero sa ngayon ay mahinhin ang ginawa niya.

“Relax..” natatawa niyang sabi

“Relax! Eh papatayin mo na nga ako tapos relax pa sasabihin mo!” pagtataray ko

Tumalon siya galing sa second floor at bumagsak sa palapag kung saan ako nakatayo. Maganda ang ginawa niyang pagbagsak dahil nabalanse niya ang sarili niya upang di mabalian ng buto.

Tumayo siya at pinagpagan ang kamay na akala mo nadumihan.

“Tsk!”

Dahil sa pagtsk niya ay nalaman ko kung sino ito

“A-Scarlet!!!” sigaw ko at saka yumakap sa kanya.

Sa wakas mabibigay niya na ang pusta niya dahil natalo siya.

“Saan ka galing?” tanong ko

“Nagkasakit ako kaya ayun wala ako ng isang araw. Miss me? Kamusta pala kayo rito?” tanong niya at diring diring inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Magaling ka na ba?” pag aalala ko

“Oo magaling na ko. Papasindakin ba kita kanina kung may nararamdaman akong masama sa katawan ko tsk!”

Yes! Magaling na nga sya kasi masungit na naman at mataray eh

May hinagis siyang supot sakin na naagaran kong nasambot.

“Yan yung pera mo tsk!”

Saka siya pumunta sa kung saan nandun ang hari. Sumunod ako sa kanya.

Lahat silang nasa loob ay naglabas ng mga armas at ako ito at nagtago sa isang poste. HAHAHA I wanna see them.. Fighting to each other haha

Tulad ng inaasahan ko. Agad na pinaulanan si Aezi ng mga palaso dahil sa suot niya. Ano ba kasing trip niya at nagpula siya? Binago niya pa boses niya huh?

Di na ko nagulat ng isa isang naiwasan ni Aezi ang mga palasong umuulan sa direksyon niya. Kung ako yun siguro may sugat na ko pero siya ito nakangiti pa sa nangyayari. Tanga lang Aezi?

“Sino ka!!” sigaw ng hari

Tanga din itong si James eh! Reyna niya di kilala

“me conoces James”

Epal talaga itong si Aezi eh! Salita salita pa ng ibang lengguwahe!

“Sabihin mo! Reyna ka ba ng Red Volt? At kailan pa!” nangangaliting tanong ni James

Tumawa si Aezi ng tumawa habang iniwasan ang mga talalim ng mga miyembro niyang tinatangkang masugatan siya

“Pftt! Ako ito si Scarlet. Mga tanga!”

Pagkasabi niya nun ay lumabas ako at tumabi sa kanya.

“Bakit Red ang suot mo kung ganun?” tanong ni James

Napa irap si Aezi at tumingin sa akin na parang Alam ko na ang dapat kong gawin

“Ah James! Yan muna daw ang suot niya ngayon kasi may pupuntahan pa siya. Ayaw niyang magpalit pa. Dumaan lang siya dito para sindakin tayo kung kaya natin siya o kaya ay kaya nating lumaban ng wala siya.”

Tsk! Lagi na lang ako tagapaliwanag niya tsk!
Okay lang yan kasi may sweldo ako bilang speaker niya HAHAHA

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon