Chapter 27

151 5 0
                                    

Gio Suin POV***

Ilang araw na ang nakakalipas ay di pa rin namin mahagilap ang Reyna ng WOLF. Matalino pala ang Scarlet na yun dahil siya daw ang gumagawa ng lason na ginagamit ng mga WOLF kaya natatakot ang iba sa armas na gamit ng WOLF paglumalaban.

Si scarlet din ang taga gamot ng mga miyembro niyang nasusugatan sa laban pero ngayon ay hindi na dahil kumalag na si Scarlet sa kanila at ngayon ay Tinutugis na namin siya. Nagpatulong na rin kami sa mga marunong magtrace sa isang tao pero hindi pa rin matrace si Scarlet dahil matalino talaga ang babaeng yun. Di ito nag iwan ng anumang bakas na dinaanan niya upang di talaga siya matunton ng gangs.

“Charles may nagpadala ng sulat dito sa atin” sabi ng kanang kamay ni Charles sa kanya at binasa niya ang laman ng sulat

King of WOLF,
           Magtuos tayo sa beagle place kubg saan laging nagaganap ang laban. Saktong 8:30 na gabi ay nandun na kayo para matapos na ang lahat. Siguraduhin mo ring malalakas ang kasama mo. Pagbabayaran mo ang pagpatay kay Azalea at sa kambal kong si Lyn.

                Queen of Wolf_Scarlet- A”

Basa ni Charles sa isip niya

                     

Inis na ginasumot ni Charles ang sulat at hinagis sa itaas na agad ring nasunog.

“Anong meron sa sulat?” tanong ko

Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin at saka kinuha ang baril niya.

“Pumunta na tayo sa Beagle. Nandun na si Scarlet! ” sigaw niya.

                          ***

8:30....

Kanina pa kaming naghihintay sa Scarlet na iyon pero wala pa rin siya. Putang ina! Nalinlang yata kami!

Nakarinig kami ng putok ng baril sa second floor kaya napatingin kami roon at nakita ang nakaputing kasuotan na may mascara ding puti na tumatakip sa kanya upang di makilala ang katauhan niya.

May hawak siyang baril na kulay puti na sa tingin ko ay pinagawa niya iyon dahil tagusan sa pader ang balang tumama roon. Tiyak na pagnatamaan ang isa sa amin ay patay agad dahil tagusan iyon.

Tumingin siya sa akin na may malungkot na emosyon at napalitan ito ng galit ng napatingin siya kay Charles na hari niya noon.

“Scarlet! Bumaba ka rito! Kaharapin mo kami!” sigaw ni Charles/James

Tumawa ito na mala demonyo kaya nagsitayuan ang balahibo ko sa aking braso. Nakakatakot sya kahit ngayon ko lang sya makakalaban.
Tumalon siya mula sa second floor papunta sa unang palapag kung saan kami nakatayo. Hindi siya natumba dahil nabalanse niya ang sarili niya agad. Partida nakatakong pa siya sa lagay niyang yan.

Ang damit niya.....parang kilala ko iyon.

“Charles... Mapagbalat-kayo ka talaga kahit kailan... Madami kang nalilinlang” natatawang sabi ni Scarlet

Nakita ko ang galit na nabuo sa mukha ni Charles dahil namumula na siya sa tindi ng galit niya rito dahil Queen niya ito noon.

“Tama na ang satsat Scarlet! Umpisahan na natin ang laban! Ng mapatay na kita!” sigaw ni James/Charles at naglabas ng patalim na hinagis sa direksyon ni Scarlet pero masyadong mabilis si Scarlet kaya naiwasan niya iyon at sunod sunod ng nagsilusog ang mga gangs sa direksyon ni Scarlet

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon