Chapter 23

138 6 0
                                    

Aezi Salvador POV***

“May susuotin ka na sa Ball natin?” tanong sakin ni Daile habang nagsusukat siya sa condo ko ng binili niyang long gown na itim na kumikintab kapag nasisinagan ng liwanag.

“Wala pa” sambit ko at saka kumuha ng popcorn at kinain.

“Aba? Mamaya na yun ah! Bakit wala ka pa! Mag long gown ka na puti!” sabi niya sa akin na pasigaw talaga

“Tsk! Magsusuot na lang ako ng lagi kong sinusuot sa laban” sambit ko at uminom ng tubig sa baso

“Wews! Wala kang passion! ” sigaw niya

“Wow! Baka kapag nakita mo lang ang suot kong panglaban ay magulat ka” nakangisi kong sambit.

Di pa kasi niya nakikita ang suot ko paglumalaban ako eh.

“Magbabangs ka mamaya?” tanong niya

“Siguro ay hindi.. Maiba naman” seryoso kong sabi at tumingin sa kanyang mata

“Ah okay. Excited na kong makita kang walang bangs at salamin?” sambit niya

“May ilalagay na lang ako sa mata ko tsk! May nilalagay kaya ako sa mata ko kaya nakakamascara ako kahit walang salamin! Tanga lang! Tsk” saka ako humiga sa kama ko

“Bagay ba sakin tong damit kong nabili?” tanong niya

“Oo naman bagay sayo...” sabi ko at pumikit na para makatulog.

“Bahala kang malate dyan! Bye! Alis na ko”.

Narinig kong nagsarado na ang pintuan kaya natulog na ko

                          ***

Third Person POV***

Nagising si Aezi ng malapit ng mag umpisa ang Celebration ng mga gang na sa gabing iyon ay walang magaganap na away sa pagitan ng isa't isa. Bawal rin ang magpatayan dahil mapaparusahan ka ng matindi.

Hayss! Nu ba yan!” inis niyang sabi at saka naligo na at nagbihis ng susuotin niyang damit.

Naglagay rin siya ng kaunting kolorete at saka inayos niya ang buhok niya na kala mo ay prinsesa na nabubuhay sa mundo.

Samantalang....

Nagdadatingan na ang mga iba't ibang miyembro galing sa iba't ibang Gang. Nandun na rin si Daile kasama ang kasintahan niyang si Juliam. Naroon rin si Gio kasama ang mga barkada niya at ilang miyembro.
Nakapormal si James at hinihintay ang pagdating ng reyna niyang si Aezi.

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon