Aezi Lyn Salvador-Suin POV***
Ilang araw ang nakalipas ng umalis sa bahay si Aezi Nicole dahil sa kagagawan naming lahat. Inaamin kong pakana talaga ni Lola Elsa na sabihin iyon para makauwi dito si Aezi sa bahay pero nakalimutan kong ipaalala kay Lola na kapag sinabi nila iyon kay Aezi ay seseryosuhin ito nun pero dahil di nga ako nakakapagsalita ay di ko napasabi sa kanila.
Kilala ko si Aezi once na magsabi ka sa kanya ng magbibigay ng motibo para mag-alala siya ay kahit gaano pa siya kapagod o maraming GINAGAWA ay pupuntahan ka niya kahit na ikapahamak niya.
“Ano Lyn huh? Lyn na di nakakapagsalita HAHAHA wawa ka naman... Di ka love ng kambal mong si Aezi HAHAHA balita ko ay galit daw yun ng umalis sa inyo kasi may ginawa kayong di niya kinatuwa HAHAHA sino ba naman kasing matutuwa na inatake ang Lola mo at nagmamadali siya na huntikan niya ng ikapahamak para lang mapuntahan ang Lola pero pagdating niya... May surprise? HAHAHA kung nandun ako..awang awa ako nun kay Aezi” sabi ni Clarita
Nandito kami sa bakanteng lote dahil hinila nila ako rito ng makitang pauwi na ako sa direksyon ng bahay namin.
“Ano ba yan Lyn? Nasan na ang maganda mong tinig? Opss naputulan ng dila HAHAHA ” pang-insulto ni Margarita.
Ano bang kailangan ng mga ito sa akin?
“Sa tingin mo? Dadating kaya dito ang kambal mo ulit? Siguro hindi na kasi galit na galit eh” nalulungkot na sabi ni Clarita at saka tumawa
Baliw ka? Ayos ka lang? Nakainom ka na ng gamot? Baka hindi pa huh?
Hinaplos haplos nila ang mahaba kong buhok saka ako hinila pabagsak sa lupa na maputik pa dahil kakaulan lang kanina.
Yumuko sila at saka tiningnan ang rekayon ko sa ginawa nila.
“Wawa ka naman girl ” sabi nila at saka Tumawa ng tumawa
Tatayo na ko ng tinulak nila ako pahiga sa lupa at saka nakatanggap ng malalakas na sampal at sakit sa aking an it dahil sinasabunutan din nila ako.
Grupo silang narito upang apihin ako at silang dalawa lang kilala ko. Ganito ang scenario kapag wala si Aezi Nicole sa Tabi ko. Aping aping ako. Lahat na lang si Aezi Nicole ang kinakampihan! Habang ako ito nagpapaapi!
“Isang pananakit pa... Mamamatay kayong lahat ngayon din!”
Napatigil ang lahat ng may isang babae ang lumitaw mula sa likuran nila.
Aezi...
Dahan dahan silang humawi sa daan at nasilayan ko si Aezi na nagtama agad ang paningin naming dalawa. Tulad ng dati ang wala pa rin siyang expression mula ng umalis siya sa bahay.
Tumayo na ako at pinagpagan ang suot ko kahit na di na matatanggal ang dumi roon.
“Ilang sampal ang natanggap mo?” tanong niya sa akin
Kailangan ba bilangin? Wews
Nagsign ako ng 15 kaya tumango siya
“Gaano kasakit ang anit mo?”
Nagsign ako na parang nag-aapoy.
Nagulat ako ng maglabas siya ng lighter at may gasolina siyang dala.
“Maputik ang suot ng Kakambal ko... Anong ayoko sa lahat?” tanong niya sa grupo nila Clarita na natatakot na
“A-Ang madumihan a-ng d-damit” nauutal nilang sagot
Nakita kong Napangisi si Aezi kaya kinilabutan ako roon. Anong gagawin niya?
“Magsama sama kayong harapin ang ginawa nyo” saka niya binuhos sa grupo nila Clarita ang gasolinang dala niya kaya todo iwas ang lahat at halos maiyak na sa takot na masunog.
“Magdasal na kayo... Pakibilisan na rin kasi di na magtatagal ang buhay nyo” saka siya ngumiti na mala demonyo.
“A-Aezi!!! Di na namin uulitin! Promise!!! Aezi maawa ka samin” pagmamakaawa ni Clarita
“Ako maaawa? Sa iyo? Katangahan ang tawag dun!” sambit ni Aezi
“Susunugin mo kami?” tanong ni Margarita
“Aha!”, sabay tango ni Aezi sa kanila kaya umiyak na sila na kinatawa nilang lahat.
“Sa susunod kasi... Mamimili kayo ng taong aapihin nyo huh?” sabi ni Aezi at saka ako hinila paalis roon.
Buti may awa pa rin siya sa mga yun kahit kaunti lang....
Nandito kami sa apartment niya natinutuluyan ngayon. Nasabi niyang di daw sya nakauwi dahil nahilo daw sya at parang di niya kakayanin ito kaya nagdesisyon siyang wag na munang umuwi. Kanina rin daw ay nahilo siya kaya di niya na sinunog ang mga babaeng yun.
Tanong ko nga sa kanya kanina gamit ang papel ay kung nakapagpacheck up ba sya sa doctor at uminom na ba sya ng gamot pero ang sagot niya lang ay Hindi. Yun lang.
Baka inaatake na naman ng sakit si Aezi?
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...