Chapter 31

2.6K 41 6
                                    



Third Person POV

Lahat nang nasa loob ng simbahan ay nagtataka at kinakabahan kng bakit wala parin hanggang ngayun ang bride, higit isang oras na itong late kayat di maiwasang kabahan at mangamba ang iba lalo na si Alexander kung bakit hanggang ngayun ay wala pa ang mahal niya.

"Aileen, diba sabi mo halos sabay lang kayung umalis ni Cathrina bakit hanggang ngayun ay wala pa?" tanung ni Alexander sa kaibigan ng mahal niya.

"Oo, naka sunod lang naman talaga siya samin eh. Diko lang alam kung nasaan na siya." Sagot naman ni Aileen

"Dude, chill baka na traffic lang siya. Wag kang mag alala darating rin yun" sabi naman ni Jeremy sa kaibigan.

"Nako!! Baka tinakbuhan kana ng bride mo dude!! Nag bago na ang isip niya dikana pala niya mahal." Pagbibirong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Alexander kayat tinignan niya ito ng masama na agad namang nag taas ng kamay bilang pag suko at tumawa.

"Chill!! Dude.. I'm just joking." Sabi nito at tumawa pa.

"Not a good joke dude!! Not a good joke." Malamig na sabi ni Alexander sa kaibigan.

"Daddy!!! Where is mommy po?" maiyak-iyak na sabi ni Autumn sa ama niya habang palapit ito sa tita at tito Aileen at eremy niya.

"Don't worry princess, mommy is just late.." sagot naman nito sa anak.

"Andiyan na siya!!! Nandiyan na ang bride!! Nandito na ang bride!!" dali daling sigaw ng wedding coordinator habang patakbong pumapasok.

"Saan kaba galing bruha ka??" nag aalalang salubong ni Aileen sa kaibigan.

"Sorry!! Nasiraan kasi kami eh." Paliwanag naman ng dalaga.

"Tiniwagan mo sana ako agad!!" sabi naman ji Aileen,

"Sorry!! Low bat kasi ako eh.. wagka nang magalit nandito narin naman ako eh." Sabi nito sa kaibigan kayat wala ng nagawa si Aileen kundi ang yakapin ito. "Alam mo bang nag alala kaming lahat sayo. Wag na wag mo na ulit yun gagawin kundi kakalbohin kita." Pahabol pa nito kayat natawa rito ang kaibigan.

"Get ready everyone, get to your positions. The bride is arriving." Announce ng isa sa mga wedding coordinator namin kayat pumonta na kami sa kanya-kanya naming position, hanggang sa isa isa ng naglalakad ang mga flower girls, ring bearer, bridesmaid, grooms men and others. Mayamaya pa ay nagsimula ng tumogtog tanda na papasok na ang bride. Kayat mas lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko.

.............................

"We are here today to join Alexander William and Cathrina Kylie Davidson in a life of mutual commitment. It is fitting and appropriate that you, the family and friends of Alexander William and Cathrina Kylie Davidson, be here to witness and to participate in their union. For the ideals, the understanding, and the mutual respect which they bring to their life together had their roots in the love and friendship and guidance you have given them. The union of two people makes us aware of the changes wrought by time. But the new relationship will continue to draw much of its beauty and meaning from the intimate associations of their past." Mahabang salaysay ng Pari saharapan nila

"Do you Cathrina Kylie Davidson take Alexander William to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?" tanung ng Pari kay Cathrina na ngayun ay may malaking ngisi sa labi habang naka harap kay Alexander.

"I DO" naka ngisi nitong sabi

"Do you Alexander William take Cathrina Kylie Davidson to be your partner in life and to share a path of life with; equal in love, embraced as a mirror for your true self, promising to honor and cherish her through good times and bad, until death do you part?" tanung ng Pari kay Alexander.

'I D......"

"Itigil ang kasal!!!" sigaw ng isang babae na tumatakbong papasok sa simbahan. Kayat lahat ng tao ay napatingin rito na may halong pagka bigla at pagtataka, kasi ang babaeng kakarating lang at ang bride parihong-pariho ang gown na suot di lang sa gown magkapariha ang dalawa kundi pati ang mukha ng dalawa ay parihong-pariho.

Gasp !! [and silence]

"ohh my gosh!!!"

"What's happening?"

"Bakit sila magka mukha?"

"Cathrina!!" aileen

"Ay si Mommy." Autumn

"What's the meaning of this?" Bride, ilan lang yan sa mga sigaw nang mga tao sa loob ng simbahan.

"Itigil niyo ang kasal please!!" sigaw ng babae at tumakbong papunta sa harap ng groom at bride.

"Cassandra, ano nanaman to?" sigaw ni Alexander sa babaeng bagong dating.

"Hindi ako Si Cassandra, ako si Cathrina. Siya si Cassandra Alexander..siya si Cassandra hindi ako." Sabi ng babae na kakarating lang.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan Cassandra?" sigaw ni Alexander rito na puno ng galit ang mata niya.

"Alexander totoo ang sinasabi ko. Ako ang totoong Cathrina" Sabi nito kay Alexander at nilapitan siya. "please makinig ka pag sakay ko ng bridal car napansin ko nalang na si Durell pala ang nag mamaniho, pagkatapos ...d-dinala niya ako sa isang rest house. Para palitan ako ni Cassandra. Love ako to, ako ang totoong Cathrina" Umiiyak na sabi ng babae.

"Wag kang maniwala sa kanya Alexander, nang gugulo lang ang babaeng yan. Tingnan mo pati suot niya ginaya niya pa ang wedding gown ko!!" sabi naman ng Cathrina.

"Alexander, siya ang nang gaya ng wedding gown ko. diba sabay pa natin tong pinatahi sa Paris diba? Love ako si Cathrina maniwala ka."umiiyak na sabi ng babae habang si Alexander naman ay di alam kung ano ang gagawin sapagkat kahit siya ay nagugulohan rin.

"Ako ang tutuong Cathrina, Alexander, ako ang totoong Cathrina!!." sigaw ng bride rito. Patuloy ang pag babangayan nilang tatlo at di nila napansin ang babaeng palapit sa kanila na puno ng galit ang mga mata nito.

"ikaw!! Ikaw ang totoong Cathrina. Ikaw ang totoong Cathrina, isa kang mamatay tao. Muntikan mo na akung pinatay at sinira mo pa ang mukha ko." Pag sisigaw ni Krizell habang sinabuyan ng asido ang mukha ng bride kung saan ay nasunog ito sanhi ng pagsisigaw nito sa sakit at hapdi. Na nagdulot ng mas lalong pagka gulo ng mga tauhan sa loob ng simbahan. Agarang hinuli ng mga body guard ni Alexader ang babae na ngayun ay nag sisigaw na bitawan siya.

"Bitawan niyo ako. Papatayin ko yang babaeng yan, mamatay tao yang babaeng yan.. bitawan niyo ako..bitawan niyo ako." Pag sisigaw nito at pilit kumuwala sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Alexander rito.


"Ahhhhh!!!!"


"Ahhhhhh!!!"


"ahhhh!!! Oh my gosh!! Ang sakit sakit, oh my gosh!!!" pag sisigaw ni Cathrina habang naka hawak sa mukha nito.

"Aileen, hawakan mo muna si Autumn pupuntahan ko si Cathrina." Sabi ni Aling Venice at agarang dinaluhan si Cathrina na ngayun ay nag sisigaw sa sakit.

"Cathrina!! Cathrina love please hold on, were going to the hospital now, ready the f**cking car you idiots!!" sigaw ni Alexander sa mga tauhan nito habang buhat buhat ang babaeng mahal niya papasuk sa sasakyan at pina harurot ito paalis.

Habang sa kabilang banda naman ay halos maiyak sa takot at kaba si Nathalie habang nanginig ang kamay na nakahawak sa baril nito sa bag niya. "Oh my God, please forgive me sa masamang balak ko." Sabi nito habang napa luhod sa harap ng altar ng simbahan.

"Please, excuse me po!! Para anin niyo ako." Sabi ng impostor bride habang tumatakbo palabas ng simbahan upang habulin sila Alexander at Cathrina. At sakto namang may tumigil na taxi harap nito at mula doon ay lumabas si Mang Allan.

"Sino Yan?"

"Diba mang Allan yan?"

"Saan siya galing ?" ilan sa mga sabisabi ng mga bisita

"Mang Allan,... Mang Allan ayaw niya pong maniwala sakin!! Samahan niyo po ako sundan po natin sila, maawa kayo .." pag mamakaawa niya sa matanda habang hinila ito papasok ulit sa taxi at sinundan sila Alexander. 

IMPERSONATING THE BILLIONAIRES WIFE  /COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon