Nandito ako ngayon sa library ng university,nagbabasa ng libro tungkol sa psychology. Habang taimtim akong nagbabasa rito ay may umupo sa tabi ko."Hey bes, let's go home na" bulong sakin ni Tracy,ang bestfriend ko. Isa siyang Archi student and we're both 3rd year college. Magkasama kami sa iisang condo unit.
"Okay, just a minute" tugon ko sa kanya and tumayo na at binalik na sa bookshelf ang libro at inayos ko na ang gamit ko.
"Tara na" sambit ko at lumabas na ng library.
Pagkarating namin sa condo ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis na. Pagkalabas ko ay nasa kusina na si Tracy. Maaga pa ngayon, 4:50 pm pa lang and usually ay mga 5:30 na ako umuuwi napaaga lang ngayon kasi May meeting ang mga prof.
Pag gantong oras ang uwian ni Tracy kaya mas nauuna siya kaysa sakin.
"Ubos na ang stocks natin dito, kailangan na nating mag grocery" sabi niya sakin habang nagtitingin siya don sa mga shelf.
"Tara,ngayon na tayo mag grocery maaga pa naman."yaya ko sa kanya at bumalik na ako sa kwarto at nagbihis na,ganon rin siya.
Pumunta kami sa malapit lang na grocery store at naghanap na ng stocks ng aabot ng isang buwan.
"Ay Gilliana nabibwisit ako ngayon grabe oo" sabi sakin ni Tracy.
"Oh bakit naman?"tanong ko sa kanya.
"Nakakairita kasi yung lalaking yon eh" tugon niya sakin.
"Sino?"tanong ko ulit.
"Sino pa bang pwedeng manggulo sa payapa kong araw ha?"balik niyang tanong sakin.
"Ah si Thrie"sabi ko habang tumitingin ng mga delata. Ano kayang masarap? Sardinas,san Marino,corned beef, or century? Ah ok lahat na lang.
Kumuha ako ng tig-tatlo at nilagay sa cart namin.
"Nako oo,bwisit talaga siya. He's so yabang akala mo kung sinong gwapo."sabi niya
"Bakit gwapo naman siya ah"sabi ko rin at tumingin sa kanya. Siya naman ay parang nandidiring tumingin sakin.
"Seriously?! You find him handsome?!"pasigaw niyang tanong sakin kaya medyo napatingin samin yung ibang namimili rin.
"Lower your voice. And yup I find him handsome. Sadyang bulag ka lang talaga kaya hindi mo siya nakikitang gwapo or..."pambibitin ko sa kanya
"Or?"
"Or...you're just jealous."prangka kong sagot at siya naman ay nanlaki ang mata.
"Ano?! Ako?! Jealous?! Why would I?!"tanong niya sakin
"Kasi nga pogi siya at maraming nagkakagusto sa kanya kaya ganern."at naglakad naman kami sa meat section at namili doon ng meat, siyempre. At sumunod din siya sakin.
"Napapakinggan mo ba ang sarili mo ha? Ako magkakagusto don sa babaerong yon? Excuse me,hindi noh over my dead gorgeous body."pangdedepensa niya sa sarili niya.
"Oo na,oo na. Oh ilan nitong meat? Dalawa o tatlo?"tanong ko sa kanya
"Dalawa na lang"sabi niya at pumunta naman kami sa snacks area.
Basta kumuha na lang kami don at pumila na sa may counter.
"Bes,nga pala bukas uuwi ako samin tutal it's Saturday naman tomorrow eh."paalam niya sakin.
"Ok,pakibati na lang ako kayna Auntie ha? And pag-uwi mo ehem— pasalubong"bilin ko sa kanya at natawa naman siya.
"Hahahaha oo na"sabi niya at kami na ang magbabayad ngayon.

BINABASA MO ANG
Falling for You (Pretty Girls Series #1)
RomanceGilliana Marie Delos Reyes is taking BS Psychology. Normal lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan. Hindi sila ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap. Until one day, Gilliana met Cal Denzey, the CEO of the Denzey Re...