Pusong Ligaw

1.2K 33 0
                                    


"Anak, dito ka lang muna ha. Bibili lang si Nanay ng kandila."

Tumango lang si Sharlene. Espesyal ang araw na ito dahil kaarawan niya. Binilhan pa siya ng Nanay niya ng magandang bestida. Para siyang prinsesa sa puting dress na suot niya. Magdadasal siya kay Lord at magpapasalamat dahil sa magandang araw na ito.

"Hawakan mo muna itong envelope. Huwag mong walain yan ha." May inihabilin pa ito sa kanya.

Kumaway siya sa ina pagkaalis nito at nag-flying kiss pa. Medyo tirik na ang araw pero hindi niya alintana dahil sa sayang nadama.

"Bata, anong ginagawa mo dito?" May mamang lumapit sa kanya.

"Hinihintay ang Nanay ko. Bakit po?"

Ngumisi ito na parang demonyo. Napaatras siya sa takot. "Hindi ka na babalikan non. Sumama ka na sakin."

Akmang hahawakan siya nito sa braso pero nakailag siya at nakatakbo nang mabilis. Nasan na kaya ang Nanay niya? Lumingon siya sa likuran niya at hinahabol pa rin siya ng nakakatakot na mama.

Binilisan niya ang pagtakbo. Nang biglang may pumukaw sa pansin niya. Ang Nanay niya. Nagtitirik ng kandila. Bakit hindi siya inantay nito?

"Nanay! Nanay tulungan mo ko!" Tawag niya dito. Nilingon siya nito at nang makita siya ay kumaripas ito ng takbo.

"Nanay! Nanay!" Sa musmos na pag-iisip ay doon niya napagtantong iniwan siya nito. "Naaaay!" Umiiyak siya at pilit pa rin itong hinahabol ngunit masyado itong mabilis tumakbo. Hindi na niya ito maabutan at nawala ito sa madaming tao.

Napaupo siya sa sobrang pagod at lungkot. Lumingon muna siya upang icheck kung nandon pa rin ang humahabol sa kanya. Wala na ito.

"Nawawala ka ba?"

Nagulat siya nang may isang matangkad at poging binata ang lumapit sa kanya. Para itong Prinsipe hindi katulad ng mamang demonyo kanina.

"Hindi. Iniwan ako. Iniwan ako ng Nanay ko." Hikbing sagot niya. "Parang yung teleserye na Anghel na Walang Langit, magiging taong grasa na ako."

He chuckled at her witty remark. "Do you want to come with me?"

Looking back, she should've said no. She should've ran away from him. Mas maganda pa nga sigurong naging taong grasa na lang siya. "Marami kaming chocolates sa bahay."

She hesitated but hunger got the best out of her. He extended his hand and offered it to her.

"Aampunin mo ako?" She asked out of curiosity.

"Yes, you will be my sister."

Kapatid? Ayaw niya itong maging kapatid. "Ayoko. Pwede bang asawa?"

He laughed loudly at her frankness. "Yes, you can be my wife."

She was ecstatic at his answer so she took his hand. "Anong pangalan mo, pogi?"

"Donato Antonio Cojuangco."

What a lovely name, she thought. Parang bagay talaga na maging asawa niya.


[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon