Book 2 -Chapter 8

335 26 6
                                    


May namuong luha sa mga mata niya nang maalala ang nakaraang pilit tinatakasan.

"Papi, are you crying?" Nag-aalala ang mukha ng kakagising lang na inaanak.

"Papi is just sad because he remembered something sad." Pagpapaliwanag ng ni Kirsten sa anak.

Sad is not even enough of a word to describe what he feels everyday. Guilty. Regretful. Maybe those words could describe him. Kasalanan niya kung bakit namatay si Shar. No, he refused to believe it. Nawawala lang si Shar at hahanapin niya ito.

"Hello. Kamusta na yung pinapaimbestigahan ko?" Agad niyang tinawagan ang detective na ilang taon na niyang binabayaran para hanapin si Shar.

"Magugulat kayo sa nalaman ko Sir."

He caught his breath. "Nagkaroon ng aksidente dito sa Pilipinas si Cassandra Minamoto sa parehas na araw na nawala ang nobya niyo."

"Paano mo ito nalaman?"

"Hindi ba pinahanap niyo sakin yung records sa hospitals na baka may pangalan ni Sharlene? Wala akong nakita Sir. Pero nakita ko ang record ni Miss Minamoto na pinapaimbestigahan niyo ngayon."

Is this a coincidence? No! May tinatago sa kanya ang babaeng yon. Mas lalong lumalakas ang kutob niya na si Sharlene ito.

"At eto pa Sir. Nasa Pilipinas ngayon si Cassandra Minamoto dahil sa isang exhibit sa Hyundai Museum."

"Ano ang schedule ng opening ng exhibit?"

"Ngayon po Sir. Nagsimula po kaninang 8am."

Nahihibang na siya pero agad niyang kinuha ang detalye ng exhibit sa imbestigador. Nagkataong kaibigan niya ang curator na kasama sa exhibit.

"Alam mo ba kung saan siya tumutuloy ngayon? Please Cheska. I'm a big fan of hers." Pagsisinungalung niya

"I didn't know you like Japanese celebrities. Please papatayin ako ng boss ko pag nalaman niya ito. Please be discreet. I think she's staying in BGC. Shangri-La."

Agad niyang pinaharurot ang kotse papunta ng BGC. Pagkapasok niya ng lobby ng hotel ay parang tadhanang nakita niya itong kausap ang receptionist.

"Sharlene!" Tawag niya dito.

Ngunit hindi lumingon ang dalaga at nagpatuloy ito sa pakikipag-usap. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso.

"Hanggang kailan mo ba ipagkakaila?"

"What the hell!!!" Marahas nitong inalis ang braso sa mga kamay niya.Nagulat ito nang makita na siya. "Ohmygod Donny!!! What are you doing here?"

"Tigilan mo na ang pagpapanggap Shar. Alam kong ikaw yan. Please. Please don't punish me." Pagmamakaawa niya sa dalaga.

"Donny everyone's looking at us. Can we talk about this in my room?"

***

"Ano bang problema mo?" She looked pissed at him. "When we parted, I thought okay na tayo! I told you so many times. I am not your dead girlfriend! Bakit di mo na lang kasi tanggapin na patay na siya?"

"March 17. Three years ago. Nasan ka nong araw na yun?!" For the first time, nakitaan niya ito ng reaksyon. Umatras ito at napahawak sa dibdib.

"How did you know about that date?! How?" Nanlilisik ang mga mata nito at galit na galit.

"Dahil yun ang araw...yun ang araw na nawala siya.... Na nawala siya sa sunog na yon! And I learned that you were rushed to the hospital at that exact same day! And ang dahilan ay..!!"

Sinampal siya nito. "Ganyan ka ba kawalang-kwentang tao? Just to prove your desperate delusion, kakalkalin mo ang nakaraan ko! You have no right! Wala kang alam sa pinagdaanan ko!"

"Then tell me...dahil mababaliw na ako kakaisip. Tinanggap ko na at some point na hindi ikaw si Shar. Pero paano mo to ipapaliwanag? Bakit ka bumalik ng Pilipinas? Para saan?!"

"So you had me investigated. Ang kapal naman talaga ng mukha mo!"

She inched closer to him so she can see the tears in her eyes. "I was kidnapped Donny. Five years ago, I was kidnapped and I almost died. And just to satisfy your ego, oo bumalik ako para maghanap ng sagot. Para malaman kung sino si Sharlene at bakit may mga taong sinasabing kamukhang kamukha ko siya!"

"But sorry to burst your bubble. Magkamukha kami. Baka kambal kami. Doppelganger or whatever you call it. Pero hindi ako si Sharlene and I can prove it."

***

Nanginginig pa rin ang tuhod ni Cassie nang maalala ang sunog limang taon na ang nakalipas. Gusto niya itong kalimutan. Gusto niya itong takasan.

Kinuha niya ang cellphone. She dialed a number that wasn't saved in her phone.

"Hello, bitch. I need you."

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon