Book 2 - Chapter 7

368 27 1
                                    

[flashback]

Kanina pa tumatakbo si Donny at hinahanap si Shar. Pagod na pagod na siya. Nasuyod na ata niya ang buong Manila. Tinawagan na niya ang mga roommates at close friends nito ngunit hindi nila alam kung nasan ang dalaga.

"Fuck...Sharlene, nasan ka na ba?" Gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader. Hindi niya alam kung paano hahanapin si Shar. Wala siyang alam na lugar na pagtataguan nito. Pinuntahan na niya ang mga lugar na pinagtatambayan nito.

Kahit na hinihingal ay tuluy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo, umaasang makasalubong niya ang dalaga.

"May patay! May tumalon!"

Narinig niyang may sumigaw at nagtakbuhan ang mga tao papunta sa kanto kung saan may sumigaw. Kinutoban na siya na baka may masamang nangyari dito

Please Lord...please. Alam kong hindi ito magagawa ni Shar...Please let it not be her....

Mabagal ang mga yapak niya papunta sa pinagkakaguluhan ng mga tao. Pigil ang hiningang lumapit siya at natutop ang bibig nang makita ang walang buhay na katawan na nakahandusay sa kalye...

It's not her. He heaved a sigh of relief. She didn't kill herself. Thank God. His knees were shaking. Napaupo siya sa kalsada sa sobrang pagod. Why is this happening to them? Why?

Biglang tumunog ang cellphone niya. Sharlene is calling!!!

"Hello love!! Nasan ka?! Halos mapraning na ako kakahanap sa'yo. Please let's talk..."

"Donny..." She was sobbing at the other end. "Kuya...help me...."

It was the first time in a few months that she called him that. He remembered how afraid he was. Now even his hands are shaking.

"Where are you?! Nasan ka? Sharlene please!" Hindi na niya makontrol ang sarili noon. Alam niyang dapat magpakahinahon siya ngunit nanaig ang takot. "Anong nangyari sa'yo?"

"Donny...hindi ko alam...hindi ko alam..."

"That's enough!" May ibang boses siyang narinig sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki.

"Wag kang tumawag ng pulis kung gusto mong mabuhay pa ang kapatid mo!"

He could feel the blood draining from his face. Nanlamig ang buong katawan niya. He already suspected that she was abducted. Shar was never the type who runs away. He was praying he wasn't right. Na galit lang ito sa ina kaya umalis ito.

"How much do you need? Magkano? Ibibigay ko kahit magkano wag mo lang saktan ang kapatid ko!" He was begging to the kidnapper.

"Hindi ko kailangan ng pera." Usal nito. "Gusto mong mailigtas ang nobya mo?"

"Paanong-"

Humalakhak ang kidnapper sa kabilang linya. "Marami akong alam sa pamilya mo. Na kahit ikaw ay hindi mo alam."

"Anong kailangan mo?! Ibibigay ko sa'yo."

"Sa loob ng 24 oras, patayin mo si Don Miguel Cojuangco."

Napahawak si Donny sa dibdib sa narinig. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na dala. "Alam niyong hindi ko kayang gawin yan!"

Tumawa ulit ito nang malakas. Halos mabingi siya sa halakhak nito. "Mamili ka. Ang buhay ng iyong ama o buhay ng nobya mo. Hindi ako nagbibiro. Tandaan mong nakasunod ako sa'yo. Marami akong mga matang nakabantay sa'yo."

The kidnapper hang up the phone. Nanlumo siya sa nalaman. He has to save Sharlene! Ngunit hindi niya kilala ang dumukot dito. At anong motibo ng kidnapper sa pamilya nila upang gawin ito? Kung hindi pera ang kailangan nito, posible na may galit ito sa ama. Tungkol kaya ito sa negosyo nila?

Gulong-gulo ang isipan ni Donny. Nagdesisyon siyang bumalik sa ospital at puntahan ang ama.

"Pa...gumising ka na..." Hinawakan niya ang tila walang-buhay na kamay ng ama. "Hindi ko na alam anong nangyayari. Pa, kinuha nila si Shar. At ang kapalit ay ang buhay mo."

Tuluyan na siyang umiyak sa natutulog na ama. Bakit kailangan niyang mamili? Bakit palagi niyang kailangang mamili?

Gawin mo na ang pinapagawa ko sa'yo bilang nandiyan ka naman na sa ospital.

Nagulat siya sa nabasang mensahe. Totoong minamanmanan siya ng dumukot kay Sharlene.

Nagpadala siya ng reply dito. Pano ko malalaman na buhay pa si Shar?

Nag-ring ulit ang cellphone niya. "Donny...."

Boses ni Sharlene. "Sapat na bang marinig mo ang boses ng pinakamamahal mo?"

"Gusto ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makausap."

"Donny...please. Wag mong gawin ang pinapagawa nila. Maiintindihan ko. Naiintindihan ko."

Kapwa sila umiiyak. Narinig niyang inagaw ng kidnapper ang cellphone. "Ano bang ginawa ni Papa para gawin mo ito samin?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Ang sasabihin ko lang ay ang ama mo ang pinakamasamang taong nakilala ko!"

Nakarinig siya ng kalabog. Na parang may bumagsak.

"Tama na po. Tama na." Si Sharlene. Sinasaktan nito si Sharlene!

"Huwag mong saktan si Sharlene! Parang awa mo na."

"Bilisan mo. Baka di mo na siya abutang buhay." May pagbabantang-sagot nito. At naputol ang kabilang linya sa sigaw ng nobya.

"No! No! No!" Napasubsob siya sa tulog na katawan ng ama. "Papa, please help me."

Napatitig siya dito. Napakapayapa ng mukha nito na para bang natutulog lang ito ng mahimbing. He has lived a happy life with his family. Samantalang si Sharlene...

Parang may sariling buhay ang mga kamay niya na gumapang papunta sa leeg ng ama. Maluwag ang dalawang kamay na nakahawak sa leeg nito. Hihigpitan na ba niya?

"Donny! Anong ginagawa mo?!"

Tila nahimasmasan siya sa pagtupad ng masamang balak nang dumating ang ina.

"Are you going to kill your father? Ganyan ka na ba kahibang?" Dali-daling lumapit ang ina at tinulak siya palayo sa ama. Malutong na sampal ang ipinatikim nito sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumuhod si Donny sa ina. Hinawakan niya ang mga kamay nito na parang nagmamakaawa sa isang poon.

"Ma...patawarin mo 'ko. Si Shar...Dinukot nila si Shar. I don't know what to do. Please help me, Ma."

Ilang taon man ang lumipas ngunit hindi kailanman mababawasan ang sakit at kirot sa puso ng binata sa tuwing naaalala niya ang araw na iyon.

Pano siya makakalimot sa nangyari? Walang makakaintindi sa pinagdadaanan niya. Dahil ang tanging gusto ng lahat ay makalimot siya.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon