Chapter 3

531 35 0
                                    


"Napakapaasa!"

Naghihimutok si Sharlene sa hapag-kainan habang tinititigan si Donny. Hindi man lang siya nito tinitingnan. At lumipat pa talaga ito ng upuan sa tabi ni Kirsten. Napaka-unfair nang ginawa nito sa kanya!

"Sharlene, what are you mumbling about?" Her mother was eyeing her suspiciously.

"Nothing, Ma." She settled in fidgeting her food dahil wala siyang ganang kumain. After ng matinding make out session nila ni Donny sa balcony akala niya may magbabago pero wala!

"This is wrong, Shar!" Naalala pa niyang sinabi ni Donny sa kanya at tuluyan nang tinapos ang halikan nila.

"Why?" Naghihimagsik ang kalooban niya. Wala naming mali sa ginagawa nila!

"Because I'm your brother! Magkapatid tayo!" He reiterated the reality to her.

"No, we're not! Alfonso ang apelyido ko at Cojuangco ang sa'yo! Hindi tayo magkadugo!" How could he do this to her?

"Dad is planning to adopt you officially." He declared. "Nakita ko lang sa table niya."

It was a bittersweet revelation. Gustung-gusto niyang maging official na parte ng pamilya nila pero at the same time gusto rin niya na makasama habang-buhay si Donny. One of her greatest dreams would be coming true but she has to forget another.

"Forget about me, Princess. You're too young and too innocent for me."

"No!" She protested. "I'm 18 already! Dalaga na ako! You can even marry me now!"

She was aware of how shameless she sounded but she didn't care. Walong taon ang agwat nila kaya siguro pakiramdam nito ay corrupting minors ang ginagawa nito.

He just ruffled her hair and the other clips fell off. "I can't... May iba na akong gusto, Shar. I just got carried away with the alcohol. I'm exactly the kind of guy you should stay away from."

Durog na durog na ang fish fillet sa plato ni Sharlene. She stabbed it continuously with her fork when she remembered what transpired between him and Donny at the party.

Babalik na siya ng Manila next week. Ilang linggo na din siyang iniiwasan nito. Kahit anong gawin niyang pagpapacute ay deadma ang walang hiya! At eto pa sila at naglalampungan ni Kirsten sa harap niya!

"Bagay na bagay talaga ang mga anak natin, Kumpare." Tuwang-tuwa ang ama ni Kirsten na si Don Gustavio habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Kailan na ba ang kasal ninyo?" Usisa ng kanyang ina.

Napatda si Sharlene sa narinig. Magpapakasal na si Donny.

"Hindi pa po namin napag-uusapan." Sagot ni Kisses. "Kayo naman po ang unang makakaalam if may petsa na po kami."

She took Donny's hand and Donny clasped hers habang nakatingin sa kanya. Nananadya ba tong walang hiyang to?! So Kirsten ang tinutukoy nito. Sabagay, sino nga naman talaga siya kung ikumpara kay Kirsten? She's everything she's not. Very classy ang beauty nito at napaka-prim and proper. Intelihente din ito sumagot hindi katulad niya na busabos. She can't help but feel insecure.

Natagpuan niya ang sarili na kinukuha si Ivory, ang paborito niyang kabayo. She just wanted to escape from reality. Masakit pala talaga ma-in love. For so many years, she had always dreamed of the day na papakasalan siya ni Donny despite the circumstances between them. Pero shunga-shunga lang talaga siya.

"Hiya---hiya---" Binilisan pa niya ang pagpapatakbo kay Ivory. Kumawala ang tali sa buhok niya sa sobrang mahangin. It's a calming sensation to feel the wind kissing her face.

"Shar! Shar!" She could hear someone calling her. She couldn't be mistaken. Si Donny iyon. She decided to let the horse run faster. Ayaw niyang makita ang binata.

"Shar, please slow down!" Hindi niya namalayan na may nakaharang palang malaking sanga sa daraanan nila ni Ivory. Nagtangka siyang umilag para hindi matamaan ang kanyang mukha ngunit dahil mabilis ang kabayo ay nahulog siya at nawalan ng malay.

"Shar...."

When she opened her face, Donny's face welcomed her. Ngunit naalala niyang galit siya dito. Pinilit niyang tumayo ngunit sobrang sakit ng ulo niya!

"Easy..." He tried to hold her steady. "Bakit kasi ang bilis ng takbo mo?"

"Are you stupid?!" Pagtataray niya. "Malamang ayaw kitang makita. You were right! I should stay away from the likes of you!" Kung may lakas lang siya ay ginulpi na niya ito.

"Shar...I'm sorry for what I've done...."

"You're getting married!" She declared. Pampagising din ata sa sarili niya. "Yet you kissed me! Napakapaasa mo! Di sana hindi mo na lang ginulo yung buhay ko! Hinayaan mo na lang sana ako!"

"May sugat ka sa ulo." He carried her like a baby at maingat na isinakay sa kabayo. Hindi nito alintana na pinagmumura na niya ito.

"Get me off this horse!" She hissed. "I don't want to see you again, you jerk!"

"Fine." He gave in. "Wag mo na akong pansinin. Wag mo na akong kausapin. Find someone better than me. Someone who won't hurt you. Pero please for the love of God, stay still until we reach the house kasi may sugat ka."

Nagpupumiglas pa rin siya pero naramdaman niyang napakahapdi na naman ng ulo niya at nawalan siya ulit ng malay.

Her Dad was beside her when she woke up. "Anak, what happened?"

Umiyak siya bigla sa ama. "Pa, ang sakit."

Nagpanic ang ama sa sinabi niya. "Saan ang masakit, anak? I'll call the doctor." There was a cast in her head but the pain was somewhere else.

"Masakit dito...." Tinuro niya ang puso niya. "I love him so much it hurts...."

His father's eyes widened in confusion. "Anak...sino?"

"Please Dad. I can stand not being your daughter officially...just...please...." Humagulhol na siya ng iyak. She had no idea if he understood what she meant. "Please...don't adopt me...."

"Anak...you're too young. Marami ka pang makikilala." Awang-awa si Don Miguel sa anak. Naiintindihan niya ang ibig sabihin nito. Ilang taon na din niyang napupuna na may pagtingin ito kay Donny. Nakompirma ang kanyang mga hinala ngayon.

"Promise me, Dad...." She was begging him. "I will do everything you want."

"Anak...okay. Let's talk about your adoption again when you graduate okay? Gusto kong ipamana ang kalahati ng ari-arian ko sa'yo..."

The seemingly-fearless Don Miguel Cojuangco hugged his only daughter and put her to sleep just like the old times.

***

"Mamimiss ko kayo Yaya." Nagpaalam na si Sharlene sa mga katulong nila dahil luluwas na naman siya ng Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Hinahanap ng mga mata niya ang bulto ni Donny ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Hinalikan niya ang mga magulang at sumakay na sa kotse. Ihahatid siya ni Mang Kanor. Pinaiwan niya sa mansion ang kotseng regalo ng mga magulang kasi wala din naman siyang mapaglagyan noon sa Manila.

Malungkot na pinagmasdan niya ang magandang tanawin sa hacienda. Matagal-tagal din siguro bago siya makabalik. Maybe the next time she comes back, it will be on Donny's wedding.

Napahawak siya sa dibdib nang makita niya si Donny sa malayo. Wala itong pang-itaas at hawak-hawak si Ivory. Nagtama ang kanilang mga mata.

Goodbye Donny. My first love. Sana pag nagkita tayo ulit, I'm over you.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon