Maluha-luha si Shar nang makita ang mga kaibigan sa kolehiyo. Talagang lumuwas pa ang mga ito sa bayan nila para lang sa kaarawan niya to be part of her 18 Candles."Beshie, hindi namin akalain na ganito ka pala kayaman. Sobrang simple lang kasi ni Sharlene sa UP. Very thoughtful and hindi mo makikitaan ng kahit anong arte sa katawan." Si Miles, ang bestfriend niya ang nagsasalita ngayon. Hindi niya ipinaalam sa mga ito na mayaman ang mga kumupkop sa kanya. Ang alam ng mga ito ay simpleng mamamayan lang siya ng Pilipinas at aliping-sagigilid. Kasi totoo naman. Kinupkop lang naman siya ng pamilya ni Donny.
"And now for the much-awaited..." Natawa siya nang ang lumipat ay ang butihing ama.
"Can I have this dance, Princess?" Maluha-luha ito habang sumasayaw sila.
"Papa! Bakit ang drama niyo?!"
"I just can't believe that my little girl is all grown up, now." Na-touch siya sa sinabi ng ama. Napakabuti nito sa kanya at itinuring siyang parang tunay na anak.
"Papa, thank you for accepting me." She will always be thankful to this man for loving her.
"Anak. You might not have my name...but someday you will! Just wait, anak." Hinagkan siya nito sa noo.
"Papa that's not important to me. Ang makasama kayo is enough for me." Niyakap niya ito nang mahigpit. "I will never trade you for anything Papa!"
"Wag ka munang mag-boyfriend anak ha!" Paalala nito sa kanya. "Maraming manloloko sa mundo. You should find someone like your Kuya."
Sabay silang napalingon sa gawi ni Donny. Masaya itong nakatitig sa kanilang dalawa. "Eh bakit hindi na lang po siya ang asawahin ko diba?"
Natawa nang malakas si Don Miguel sa sinabi niya. "Napakaloko-loko mo talaga anak!"
May tumapik sa balikat ng ama. "Dad, I think it's my turn now."
Si Donny, ang kanyang Prince Charming! Ipinaubaya na siya ng ama kay Donny. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang kinuha ni Donny ang kamay niya. "You look nervous, Princess."
"Eh kasi ang daming tao..." She couldn't help but gaze at those gorgeous eyes.
"Do you like the surprise?"
"Yes. Nagulat ako. Surprise talaga! At napapunta niyo pa dito ang mga kaklase ko."
"Yes, I organized it for you, Princess. We did. Mom, Dad and me." He looked so proud. "Gusto namin masaya ka sa birthday mo."
"Thank you." She smiled at him and he pinched her nose.
"Dalaga na ang baby ko." He looked at her intently to the point na naiilang na siya. "No boys muna ha. Kami nga lang ni Dad ang makakasayaw mo eh."
"What?!" Kunwari ay naghihimutok siya sa sinabi nito pero kinikilig siya deep inside sa pambabakod nito. "I'm of legal age na. Pwede na akong maglaklak ng alak!"
Sumeryoso ang mukha nito. "Hey. No drinking!! Dapat kasama mo ako pag uminom ka!! Guys can take advantage of you."
Parang tangang nakangisi lang si Shar kasi gustung-gusto niya ang mga naririnig niya mula dito.
"Bakit? Di naman ako maganda ah!"
"How many times do I have to tell you that you're beautiful?" Nakakunot na ang noo nito.
"Really? Like kapag madaanan mo ko sa kanto ay mapapalingon ka?
He studied her face."If I would see you randomly on the street, I wouldn't just glance. I'll take you home."
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...