Chapter 4

568 31 5
                                    


"Mama, hindi ba sinabi ko na sa inyo ni Papa na okay na ako dito sa dorm?"

She was in the middle of an argument with her mother habang tinatransport ni Mang Kanor ang mga gamit niya sa kotse.

Her parents had officially managed to get her evicted in Ilang-Ilang Residence Hall, ang dorm niya.

"Sharlene, if you could've been responsible enough not to go drinking and get harrassed in a party, hindi sana mangyayari yan." Her mother quipped.

Sa sobrang broken-hearted niya kasi kay Donny, niyaya niya si Ricci na mag-bar hopping. Napainom siya ng madami at naging busy si Ricci kakaspot ng chicks at naiwan siya nito. Hindi naman niya kasalanan na may manyak na walang modo ang lumapit sa kanya.

"Hey, let's go to my place." Lasing na lasing na din ito. Hinila siya nito at nagpupumiglas siya.

At dahil nag-aral siya ng martial arts ay nagulpi niya ito. Her parents should be proud of her. It means she can take care of herself even if she is sooo wasted.

Ang naging ending ay napunta sila sa presinto. Apparently, ang manyak na yun ang may-ari ng bar. Pinalabas nitong storya ay ginulpi lang niya ito out of nowhere.

"Pero pare, diba masyadong nakakahiya na nagulpi ka ng babae?" Nakangising pang-iinis ng pulis dito.

"I was drunk okay!" Pagdepensa ng manyak sa sarili. At that point, akma niyang tatadyakan na naman ito kung hindi siya napigilan ng ibang mga pulis at ni Ricci. "See, I told you she's violent!"

"Mamang pulis, kakampihan niyo talaga yan? He tried to harrass me! Ano bang gusto niyong gawin ko bumukaka? Eh malamang jujumbagin ko yan!"

But she had no proof. That was the problem. The CCTV was gone, of course.

"Excuse me. I'm Sharlene's guardian." Nagulat siya nang makita si Donny. Mukhang wala pa itong tulog at lumuwas lang para dito. Wala kasi siyang choice kundi tawagan ang mga magulang dahil hindi niya alam ang gagawin.

"Kuya...they..." pagsusumbong niya dito.

He glared at her which means she should just shut up. He motioned her to wait so she can talk to the cops. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga to. May binulong din ito don sa manyak at parang nanigas ito sa sinabi ni Donny. Panay ang tango nito.

"I took care of it." Donny announced nang lumapit ito sa kanya. "I'll take you to your dorm now."

At ang buong akala niya ay okay na nga ang lahat. Ang hindi niya inasahan ay ang pagpapalipat ng magulang niya sa kanya sa Berkeley sa may Katipunan.

"What's the difference kung nasa Berkeley ako o nasa Ilang? Hindi niyo din naman ako mababantayan don at isa pa madaming bars sa may Katip."

Patuloy pa rin ang pakikipagtunggali niya sa ina pero to no avail. "Sharlene, our decision is final." At binabaan na siya nito ng telepono.

Sobrang mamimiss niya ang tatlong roommates niya. But she has hatched an evil plan on what to do in Berkeley. Come to think of it, mas malaya siya don. Walang dorm manager. Walang curfew.

Hindi na siya tumutol nang ipasok na ni Mang Kanor lahat ng gamit niya sa kotse. Walang reklamong sumakay na din siya para makapunta na sila sa bago niyang condo.

Ngunit laking-gulat niya nang makita si Donny na nakaupo sa sofa at mukhang inaantay siya.

"Andito ka na pala. Ayusin mo na ang mga gamit mo..." pagmamando nito sa kanya na parang Kuya.

"At bakit ka naman nandito? Nandito ka ba para tulungan akong mag-empake?"

He flicked her forehead. "For your information, Miss Spoiled Brat, dito na din ako titira with you para bantayan ka."

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon