1 year after
"I love you,wife."
Kapwa humahangos si Sharlene at Donny after their intense lovemaking. He held her tightly na parang ayaw itong pakawalan. He was hoping that she would one day reciprocate his feelings. Hindi na ata siya nagsasawang sabihin ang nararamdaman sa asawa. Kahit na wala itong sagot sa kanya.
"You came inside me again." She looked pissed at him.
"Why? Para masundan na natin si Kyle." May panunudyo ang boses ni Donny.
"I can't afford another kid, Donny." She replied at tumalikod ito sa kanya.
But he silently wished na sana masundan na nga si Kyle at sana babae ang anak nilang susunod. Maybe a girl will make her softer. Maybe it will make her love him again. He silently laughed at his delusions.
It's been a year and yet it seems that nothing has changed between them. Or her feelings, rather. She's cold and distant. Sa pagniniig nila lang niya nararamdaman ang pag-asa na baka may puwang ulit siya sa puso nito.
She even made him choose. Naalala niya ang araw na nagdesisyon siyang sumugal sa relasyon nila at balikan ito. Nilunok niya ang pride niya at kahit hindi man niya narinig ang kapatawaran mula dito ay inintindi niya iyon. Para na rin sa anak nila. He took a chance and proposed to her again.
"Mamili ka, kami ng anak mo o ang mga magulang mo." Iyon ang isinagot ng dalaga sa kanya when he decided to throw his pride away at puntahan ito.
After everything he gave up for her. Pagkatapos niyang lunukin ang pride at galit niya dito...pagkatapos niyang sabihin na mahal pa rin niya ito kahit na sinaktan siya nito.
"I said what I said. The only way for us to be together is for you to leave your parents behind."
Doon napagtanto ni Donny na nagmukha na siyang tanga. Siya na nga ang niloko at pinaikot nito sa ngalan ng paghihiganti nito, siya pa ngayon ang kailangang mamili. Ni hindi ito humingi ng tawad sa kanya sa nangyari.
But he couldn't give up on their baby. If there was something that made him survive the past year, si Kyle siguro ang source ng energy niya. Pinili niya si Shar over his own family. Nagpakasal sila sa huwes na ang witnesses lang ay ang ina nito at mga kabarkada. There was nobody from his side.
Yet they're still stuck in this loveless marriage. Or a one-sided relationship to be exact. Siya lang naman ang nagmamahal. Siya lang ang nagpapakita ng malasakit. Olivia, his mother-in-law would always tell him to just endure even if it's difficult. Dahil sa pinagdaanan ni Shar.
"Can I bring Kyle to visit Mama?" Nagdesisyon siyang ibahin ang usapan.
Marahas na napabangon ito sa kama. "You just don't know when to stop don't you?! Hindi pa ba sapat na hinayaan na kitang makita ang mga magulang mo? Ngayon hihingin mo na ding pati anak ko ay isasama mo?!"
Ilang buwan ding hindi nakita ni Donny ang ina matapos nilang ikasal ni Sharlene. He knew that his Mom wouldn't understand. Kahit takot na takot siya na baka makasama sa ina ang paglayo niya ay sumugal pa din sya. Ganon niya kamahal ang asawa at anak. But he would sneak out to visit his parents when Sharlene would go to Tokyo.
Nang magising si Cassie at ipinanganak si Kyle, she eventually softened a little. Nahuli si Donny ni Sharlene na palihim na bumibisita sa hacienda pero taliwas sa inaasahan niya ay wala itong reaksyon. She was tolerant about it. He would openly tell her that he's visiting them and she wouldn't care.
"Anak ko din siya Shar!" He snarled. "Ano pa bang kailangan kong gawin para mawala na yang galit sa puso mo?!"
He stood up in frustration. Nagbihis siya ng padabog sa harap nito.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...