Chapter 1

736 30 0
                                    

"Sharlene. Wake up!"

"Ayoko pang gumising." Sambit niya at nagtalukbong ulit siya ng kumot.

"Naku 'tong batang 'to. Gumising ka na at magagalit na naman si Madam Greta sa'yo!" Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang magic word.

Walong taon na ang lumipas simula nong iniwan siya ng Nanay niya sa simbahan at nakita siya ni Kuya Donny. Akala niya ay nabudol siya at ibebenta na siya sa sindikato pero laking gulat niya nang dinala siya ni Donny sa isang mansion.

Nag-iisang anak lang si Donny ni Don Miguel Cojuangco at Donya Greta Cojuangco. Mayaman ang mga magulang nito at may-ari ng isa sa pinakamalaking hacienda at pagawaan ng kape at tsokolate sa bansa.

"Sino ang batang yan na dinala mo Donato?" Pagkadating pa lang niya ay mainit na ang dugo sa kanya ni La Greta, ang ina nito. Alam niyang tutol ito sa pagkupkop ni Donny sa kanya pero sa huli ay napapayag din ito. Hindi niya alam ang eksaktong kadahilanan ngunit may kutob na siya.

Kahit kinupkop na siya ng mga Cojuangco ay hindi siya officially inampon ng mga ito. Dala-dala pa din niya ang apelyidong Alfonso kahit na lumaki at inaruga siya ng mga ito.

Dali-dali siyang naligo at nanaog para mag-almusal. Ayaw na ayaw ni La Greta nang hindi sila magkakasabay mag-almusal.

"Good morning Papa!" Masigla niyang bati kay Don Miguel. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Dalagang-dalaga na itong anak ko." He looked at her lovingly. Malaki ang pasasalamat niya dito na tinrato siya nitong parang tunay na anak.

"Sharlene, you should put a little bit of make up on your face so you don't look plain." At siyempre may napansin na naman si La Greta sa kanya. Nakadamit pambahay lang ang Donya but there was something regal about her na kahit ata magdamit basura ito ay pansinin pa rin ito. Mala-porselana ang kutis nito at mestiza ang features ng mukha. How she wished she were as beautiful as her para hindi na niya kailangan ng make up.

"Mama, titigilan niyo na ang kakapuna kay Shar." Then there's Donny. Her Donny. Nakaputing T-shirt lang ito pero parang artista sa TV ang mukha nito. Moreno at matangos ang ilong. Tapos macho pa. Ang sarap pisilin ng masel! She shook those dirty thoughts away. He's your brother for Chrissakes!

"I'm just saying she should act like a lady." Nakataas ang kilay ng Mama niya. "Can you go with me upstairs so I can doll you up? We have a party to go to later."

Napabuntong-hininga na lang siya. Pupunta na naman sila sa isang gala. Sasakit na naman ang mga binti niya sa sandals na ipapasuot nito sa kanya. Idagdag pang ang bigat ng gown na sinusuot niya. Parang pasan niya ata ang buong mundo. Nagmaktol pa siya sa mga ito dahil hindi man lang naalala na 18th birthday niya. Sabagay kung maaalala ng mga ito ay baka mahirapan din lang siya kasi for sure iimbitahin ng mga ito ang mga alta sosyedad na pamilya. Tapos pagpipiyestahan ng mga dalaga si Donny. Aba'y wag na!

She signaled Donny and silently pleaded for him to save her. Mas gusto pa niyang mangabayo or tumulong sa pagtatanim sa sakahan kaysa makipaghalubilo sa mga snob na anak ng mga amiga ni La Greta.

"Sharlene, are you listening to me?" Napansin ata nitong naka-zone out na naman siya.

"Yes Mama." She nodded obediently. Siniko niya si Donny para sakluluhan siya. Mukhang hindi nito naintindihan ang signal niya kanina.

Tumikhim ang binata. "Uhm Mama. I asked Sharlene to help me sa manggahan. I also want to show her--"

"No Donato. Why do you involve your sister in men's work?" Pagtataray nito. "Speaking of, ipaubaya mo na kay Ambrucio ang manggahan today. You two are going with me in the gala."

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon