Chapter 5

567 34 3
                                    


Tagaktak na ang pawis ni Shar dahil sa init habang pumipila pa rin para sa PE. Donny restrained himself from wiping her face.

"Wala ka bang panyo? Punasan mo nga yang pawis mo." He asked her dryly.

"Nasa bag ko." Mahina nitong anas. He took the liberty of taking her handkerchief from her bag. Nakita niyang may dala din pala itong paypay kaya kinuha na din niya ito.

"May paypay ka naman pala, baby." Bata pa lang sila ay tinatawag na niyang baby ang kapatid. Wala sa sariling pinaypayan niya ito.

Sa sulok ng mga mata ni Donny ay nakita niyang nagbubulungan ang mga babaeng nakapaligid sa kanila. Akala ata di nila naririnig.

"Ang sweet naman ng magjowang to."

"Sana ganyan din kagwapo ang boyfriend ko. Tapos sasamahan pa ako pumila ng PE."

Nailang ata si Sharlene sa mga bulungan kaya hinablot nito ang pamaypay. "Ako na. Kaya ko na. Malaki na ako."

Ngunit hinablot ito pabalik ni Donny. "Baby, ano ba. Paypayin na kita." Hindi pa ito nakuntento ay inayos pa nito ang buhok ng dalaga.

Pinandilatan na ni Sharlene si Donny. Ngunit tuluy-tuloy lang ang binata sa pagpaypay sa kanya.

God, I'm 26 years old yet I am enjoying this?!

But he felt good kaya hindi niya pinansin ang lohikal niyang utak. He decided to enjoy the moment. Nagpaalam pa siya saglit dito at binilhan ang dalaga ng tubig. Lalong kinilig ang mga tao sa ginagawa niya habang nakasimangot the whole time si Sharlene.

"I must've been your lucky charm." He declared nang makakuha si Sharlene ng slot sa aikido na PE. Isa itong defense martial arts at paniguradong mag-eenjoy si Sharlene dito.

Inirapan lang siya ng dalaga. Nagulat silang dalawa nang marinig na tumunog ang tiyan ni Shar. "Oopsss. Sorry Kuya. Di pa kasi ako nag-lunch."

"What?!" Sininghalan niya ito. "6pm na at wala ka pa ring kinakain?! Tara kumain na tayo!" Hinila niya ito sa may waiting shed at naghintay sila ng Ikot jeepney.

Sa Area 2 daw sila kakain or wherever that is. Hindi niya binibisita si Sharlene for the last 2 years na nag-aaral ito sa Diliman dahil busy siya sa negosyo nila.

Ngunit pagkadating nila ay ubos na ang paborito nitong bopis na binibenta sa carinderia na ang pangalan ay Lutong Bahay. Halata ang pagod at lungkot ng dalaga.

"Sige. Sa Rodick's na lang tayo kumain." Paghihimutok nito. Pumunta sila sa SC aka shopping center. Umorder siya ng tapsilog which was very oily.

"Ito ba ang mga kinakain mo dito? Bopis? Sisig? Tapsilog? Napaka-unhealthy!"

She just smirked at him. "Palibhasa napaka-alta mo kasi. Wag mo nga akong jinajudge! Alam kong manginginom ka sa LB huy!"

They spent the whole time in Rodick's eating and bickering. Hindi niya dala ang kotse niya kasi salat sa parking slot ang UP kaya nag-antay sila ng jeep papuntang Katipunan.

Nang makasakay sila ay punung-puno ang jeep at nasa may dulo na sila. Hindi ata nag-aral magmaneho ang driver at lagi na lang silang nauuntog.

He was worried for Shar so he wrapped his arms around her and ipinilig ang ulo nito sa balikat niya. "Baka mauntog ka pag tumigil na naman yung jeep."

Hindi niya maipaliwanag pero bumibilis ang pintig ng puso niya. God, he's acting like a lovesick puppy! Ang bango pa ng shampoo nito kaya natagpuan niya ang sarili na hinahalikan ang buhok nito.

Napaigtad si Shar sa ginawa niya. Pati siya ay nagulat din sa actions niya!

What the hello Donato Antonio Cojuangco get a grip on your emotions!

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon