Book 2 - Chapter 18

372 25 6
                                    


His palms are sweating. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib niya. Ilang beses na rin siyang umasa dati. Na akala niya si Sharlene na ang natagpuan nila. Only to learn that it was another person.

But the pictures clearly show na si Sharlene ito. Ayon sa private investigator, naka-coma daw ang pasyente. Dinala ito sa ospital na iyon, tatlong taon na ang nakalipas.

Kung si Sharlene nga ito, sino ang nagdala dito sa ospital na iyon? May kinalaman ba ito sa kumidnap at nagsimula ng sunog?

Nakokonsensya siya dahil itinago niya ito kay Cassie. Pero once makompirma niya na si Sharlene nga ang babae sa ospital, dadalhin niya agad ang dalaga sa kapatid nito.

"Mr. Pangilinan, how are you related to this person that you are looking for?" Iyon agad ang unang tanong sa kanya ng mga doctor.

"I'm her...boyfriend." He decided to introduce himself. "She was abducted in the Philippines, three years ago. I've been trying to find her. Please let me see her."

"Mr. Pangilinan, she is in a coma right now." Pagpapaliwanag sa kanya ng doctor. Dinala pa niya ang mga police reports para lang magpapatunay na hinahanap niya si Sharlene. Pero ayaw pa rin siyang pahintulutan.

"Please. Please I just want to confirm that it's her." Pagmamakaawa niya sa mga ito.

"I'm sorry. We are not allowed to divulge any information from our patients here."

Gusto niyang manapak sa inis. He's been this close to finding out the truth. Gusto lang niyang malaman kung nasa ospital nga ba na yon si Sharlene.

Ilang minuto din siyang nakaupo at hindi alam ang gagawin nang may tumapik sa balikat niya.

"Mr. Pangilinan. The guardian of Miss Sharlene Alfonso has agreed for you to see the patient."

Tila sasabog ang puso niya sa kasiyahan. Kulang na lang ay hilahin niya ang doctor para takbuhin nila ang silid na kinalalagyan ni Sharlene.

Parang tumigil ang mundo nang binuksan niya ang pinto at nakita niya ang isang babaeng nakaratay sa kama. Habang papalapit siya dito ay hindi niya maikakaila sa sarili na ito nga ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Si Sharlene nga ito!

Katulad ng Papa niya ay natutulog din ito. Nakapikit ang mata. Hindi niya alam kung kailan magigising. Maingat siyang umupo malapit dito at hinawakan ang kamay nito. Suddenly, all the memories they had together came rushing back. Tila mapupugtuan siya ng hininga ng masilayan ang mukha ng dating nobya.

"Shar...Love, I'm sorry. I'm sorry." Iyon lang ang mga salitang namutawi sa bibig niya habang umiiyak. "I'm sorry kung kinalimutan kita."

Hindi alam ni Donny na may isang taong pinapanood siya sa may pintuan. Napahawak si Cassie sa dibdib niya. Bakit masakit? Hindi ba ito ang gusto niya? Hindi ba ito ang plano niya? Pero bakit masakit na panoorin si Donny na naghihirap?

Tumakbo siya paalis dahil hindi na niya ito kayang panoorin.

"Miss Minamoto." Nakasalubong niya ang doctor na nag-aalaga sa kapatid niya. "As per your wishes, we allowed Mr. Pangilinan."

Pigil ang luhang nginitian niya ang doctor. "Thank you. I am sure he will be anxious to know about the guardian of his girlfriend. Tell him to leave his number so I can contact him. Please do not divulge my name. You know my mother's temper right?"

***

It's supposed to be the happiest day of a woman's life. The day she's been dreaming of since she's still a child. She even chose the best wedding dress she could find dammit!

"You look beautiful anak. Sigurado ka na ba dito?" Pumasok ang ina sa kanyang hotel room kung saan siya nagbibihis at nagmimake-up.

"Where's Donny?" Malamig niyang tanong. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya cinocontact ni Donny.

Nag-aalala ang mukha ni Olivia. Magsisinungaling ba siya? Sinabi ng event organizer na wala pa daw ang groom. Para sa kasiyahan ng anak ay nilunok niya ang pride niya at tinawagan si Greta kung magkasama sila ni Donny. Ngunit wala daw ito. "He didn't contact you?" Nagdesisyon siyang ibalik ang tanong sa anak.

"He told me he has an emergency in Tokyo tungkol daw sa project niya but he's coming home today." She looked at the clock. Tatlong oras na lang kasal na nila. Darating kaya ito?

"Baka nagkaaberya lang sa flight niya, anak." Nabasa ata ng kanyang ina ang takot sa mga mata niya.

"Mommy, can you just leave me alone and deal with the visitors and the event organizer?" Pakiusap niya dito dahil baka ito ang mabugahan niya ng inis.

Alam niya ang schedule ng flight ni Donny and he's supposed to be in Manila an hour ago. She tried calling his phone. Nakapatay pa rin ata ito.

'Where are you? The wedding is in three hours. I'm worried.'

Ngunit 30 minutes na lang ay wala pa ring Donny ang sumagot sa text niya.

"So this is what it feels huh. To be stood up at your own wedding." She spoke those heartbreaking words out loud.

Nagdesisyon siyang silipin sa bintana ng kanyang silid ang venue ng kanilang kasal sa baba. It was supposed to be a garden wedding. The decorations are perfect. Heck, she made sure the food would be delicious!

Her visitors looked so happy and oblivious. She spotted her Mom talking to the organizers. There's Kathryn, Miles and Maymay chitchatting as usual. Even La Greta came and stood out amongst the crowd. Akala niya ay magmamatigas ito at hindi darating. Iyon pala ang anak nito ang no-show sa sarili nitong kasal. They're all there waiting for the bride and groom.

"Cassie!"

The door of her room suddenly opened and there appears her one and only Prince Charming in a dashing suit.

Napatingin siya sa orasan. "You're almost 15 minutes late Donny." She clapped her hands and laughed hysterically. "You almost didn't make it to your own wedding. Kamusta ang pagkikita niyo ng kapatid ko? Was it the reunion of the century?"

Napayuko lang si Donny sa sinabi niya. He couldn't even dare take one step closer. He couldn't look at her directly. "Bakit hindi mo ako kayang tingnan Donny? C'mon look at me! I'm ready for the wedding."

Nilapitan niya ito at hinawakan ang mukha nito para titigan siya. Guilt was written all over his face. "I'm sorry Cassie."

With tears in her eyes she answered him. "Love means never having to say you're sorry. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin niyan ha?!"

"How was it? Niyakap mo ba siya? Hinalikan mo ba siya?!" She screamed. Pinagsusuntok niya ang dibdib ng nobyo sa galit. "Answer me!"

Umiiyak na rin si Donny at hinayaan lang si Cassie na magwala. Hindi niya masisis ang dalaga. Kahit siya ay natutuliro na sa mga nangyayari.

"Anak ka nga ng Tatay mo! Nagmahal ng dalawang taong magkaparehas ang mukha!" Her eyes were blazing with anger. "Was it the reunion you've been dreaming of, love?" Diniin nito ang salitang love.

"Too bad. Because I am the real Sharlene Alfonso and the girl lying in that hospital is my sister, Cassandra Minamoto."

Author's note: Ang tagal kong inisip pano ko papaikutin to hanggang umabot sa scene na 'to. Sana magustuhan niyo. Please like and comment po. :))

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon