Book 2 - Chapter 20

483 31 0
                                    


"Traydor!"

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Greta mula sa kakambal na si Josefa.

"Alam mong siya lang ang minamahal ko simula noon, bonita! Bakit kailangan mong agawin ang atensyon niya sakin?"

"Mali ang nakita mo! Hindi kita kailanman gustong saktan dahil mahal na mahal kita hermana." Pagmamakaawa niya dito ngunit bingi ito sa kanyang paliwanag. Ang tanging nakita nito ay si Miguel na hinahalikan siya.

"Hermana patawarin mo ako...hermana!"

"Hermana. Parang awa mo na patawarin mo ako." Nagising si Greta sa masamang panaginip. Naalala niya na nawalan siya ng malay pagkatapos nilang mag-away ni Sharlene.

"Kamusta na po ang pakiramdam niyo, Mrs. Cojuangco?" She thought Donny would be by her side when she wakes up but there was no one.

Nabaling ang kanyang atensyon sa diary na ibinato ni Sharlene sa kanya. "Mrs. Cojuangco, can you hear us?" Untag sa kanya ng doktor.

"Where's my son?"

"Siya po ang nagdala sa inyo dito sa ospital ngunit kinailangan daw niyang umalis dahil may isa pang emergency na kailangan niyang saklolohan."

She felt lonely again. Iniiwan na naman siya ng lahat ng tao. She reached for the diary in her bedside table.

"Hermana, kaytagal kong nakalimutan ang nakaraan natin." She scanned the first page. The handwriting was so familiar because she had seen it a thousand times.

It wasn't hers. It was Josefa's.

***

"Gising na siya!"

"Tatawagin ba natin ang doktor?"

"Shar, can you hear us?"

Tatlong nag-aalalang mukha na nakadungaw sa kanya ang nakita ni Sharlene nang magmulat siya ng mata. Ang tatlong matatalik niyang kaibigan na si Kath, Maymay at Miles. She scanned the room looking for someone else ngunit ang mga ito lang ang kasama niya.

"Where's Mommy?"

"Bumalik siya sa wedding venue dahil may mga naiwang bisita." Mahinahong sagot sa kanya ni Miles at hinaplos ang noo niya.

"How's my baby?" Muli ay nagpapanic ang utak niya at napabalikwas siya ng bangon upang icheck ang kanyang tiyan.

Inalalayan siya ni Kathryn. "The baby is okay, bes. Wag ka munang mastress okay. Magpahinga ka lang."

"Ang dami naming tanong sa'yo dzae pero saka na lang kapag okay ka na. Basta nandito lang kami para sa'yo ha." Ginagap ni Maymay ang kamay niya at pinisil ito.

Gustong maiyak ni Sharlene sa mga sinabi ng bestfriends niya sa kanya. Kahit na matagal silang nagkahiwalay. Kahit na nagsinungaling siya sa mga ito ay nandito pa rin sila para sa kanya. Mukhang dumiretso ang mga ito dito sa ospital dahil yung suot ng mga ito ang nakita niya kaninang umaga sa dapat kasal nila ni Donny.

"May iba bang dumating?" Hindi niya mapigilang maitanong. Nagkatinginan ang magkaibigan. Mukhang alam ng mga ito ang tinutukoy niya.

"Beshie.... kung hinahanap mo si Donny, hindi namin siya nakita. Baka dahil nasa ospital din ang Mommy niyo-este niya." Ngunit alam ni Shar na paconsuelo de bobo lang ang sinabi ni Miles sa kanya. Bakit nga ba ito pupunta eh galit na galit ito sa kanya?

Sa nangyari wala na silang pag-asa ng dating kasintahan. Naisagawa na niya ang paghihiganting gusto niyang mangyari. Na iwan si Donny sa araw ng kasal nila. Na saktan ito bilang kabayaran sa ginawa ng Tatay nito sa pamilya nila. Akala niya pag natapos na niya ang misyon niya ay mapupunan na ang hungkag sa puso niya. Pero bakit parang mali siya?

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon