Book 2 - Chapter 23

419 22 8
                                    


"Lo-lo...Lo-lo."

Kontentong tinititigan ni Donny sa malayo ang masayang kulitan nina Shar, Kyle at Don Miguel. Tinuturuan ni Shar ang anak nila na tawagin si Don Miguel na lolo.

Bakas ang saya sa mga mata ng Don habang nakikipaglaro sa mag-ina. He still remains suspicious on Shar's actions though. Tila kamakailan lang ay nanunuot sa buto ang pagkamuhi nito sa ama tapos ngayon ay mala-anghel ito kung asikasuhin ang mga magulang niya. Ayaw niyang mapalapit na naman masyado ang loob ng ama sa asawa tapos ay sasaktan din ito sa huli. Katulad ng ginawa nito sa kanya.

Napansin siya ng ama na tahimik lang na nagmamasid kaya tinawag siya nito. The old man wanted him to join their happy conversation.

"Love, I think Kyle has to take a bath." Pagpapaalala niya sa asawa nang makalapit na siya. He still calls her love just to convince his father that they are okay. They've been playing through with this facade for two months. Magaling nga talagang artista ang asawa dahil kumbinsidong kumbinsido ang ama sa kabaitan nito at pagiging ulirang asawa.

"Papa, papaliguan ko lang si Kyle ha." Pagpapaalam ni Sharlene. She was about to leave when he blocked her.

"You're forgetting something, love." He snickered. Hinalikan niya ito sa labi at hinalikan din sa noo si Kyle. They are a lovey-dovey couple in front of his father.

"Baka mapaso ka sa apoy na sinisigaan mo, anak."

Makahulugan ang mga salitang binitiwan ng ama habang tinatanaw nila ang mag-ina niya na papasok sa bahay.

"You're talking in riddles again, old man." He quipped.

"Bakit hindi mo magawang mahalin ang asawa mo?" Diretsa nitong tanong na ikinagulat ni Donny. "I'm too old not to know Donato. You think you can fool me with these sweet gestures?"

"Papa." He was left speechless by his revelation. Akala niya all this time ay hindi sila nabubuko ng ama.

Tinapik siya nito sa balikat. "Son, kahit nong kabataan niyo pa lang ay alam ko na na may pagtingin kayo sa isa't isa. I wanted us to be a family. A real family but you were both in love with each other. For a long time, pinipigilan namin iyon ng Mama mo na mangyari but in the end, we lost. I lost and I surrendered. Fell into a coma for a long time. And woke up na iba na ang lahat. What happened to those feelings, son?"

Napabuntong-hininga na lang si Donny sa tanong ng ama. "Pa... baka makasama sa inyo ang ganitong pag-uusap. Sa amin na lang iyon. Natatakot ako na baka mapano kayo..."

Humalakhak ng malakas si Don Miguel sa sinabi ng anak. It was one of the most ridiculous things he heard in his life. "Are you scared for me or are you scared for yourself? C'mon son. I've been alive for too long so you should accept that someday I will be gone."

Donny has always admired his father for his wisdom. "I'm just afraid to trust her again, Pa. Ang daming nangyari. She might also hurt you in the end."

"I trust my daughter." The Don smiled at his oblivious son. "I trust our bond na kahit ano pang katotohanan o kataksilan ang malaman niya... I still trust the years that we've spent together. Kaya kahit sasabihin niyo na manloloko ang anak na pinalaki ko, hindi ako maniniwala. Kasi kampante ako na kahit magalit man sya sakin upang lokohin niya ako, mananaig pa din ang mahabang mga taong naging mag-ama kami."

***

"Anak, pinapagod na ba kita masyado sa pag-aalaga sa akin?"

Nagdidilig si Sharlene ng halaman habang nakamasid lang si Don Miguel sa wheelchair nito. Nagrequest ito na sumama sa kanya sa hardin. Natigil siya sa ginagawa dahil sa tanong nito.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon