Credits to owner of the picture. Ganda ng edit.
"Donny wala na akong panty!" Nagsisigaw si Cassie at gusto ng busalan ni Donny ang bibig nito.
"What the hell, Cassie? Maririnig ka ng mga tao!" Pagpapaalala niya dito. Akala ata niya ay siya lang dalawa nakatira dito sa mansion.
"Bakit puro may garter tong underwear ni Shar? Wala ba kayong seamless? She is so manang. I can't wear her clothes. Napaka-old fashioned! Baka ma-tag ako as a fashion terrorist!"
Sumasakit na ang ulo niya dito. Nakadalawang araw pa lang sila sa hacienda ay ang dami na nitong reklamo sa kanya.
"Kung ayaw mong suotin sige maghubad ka na lang! Yung mga gusto mong damit nasa Manila yun! Wala dito! Unless gusto mo bumalik sa Manila!"
Umagang-umaga umiinit na ang ulo niya sa kaartehan nito.
"Nag-away na naman kayo ni Cassie, dong Donny?"
Narinig ata sila ni Yaya kaya agad siyang kinausap nito. "Gusto ko ng ibalik yan sa Manila, Yaya."
"Pagpasensiyahan mo na. Ako na lang kakausap. Tsaka bisita natin yan."
"Bisita na nag-aastang may-ari ng bahay!"
Tinawanan siya ng matanda at tinapik sa likod. Naiinis siya lalo kasi tinatawanan lang siya ni Yaya. "Ibang-iba siya kay Sharlene, anak ano? Kahit magkamukha sila ay ibang-iba ang ugali nila."
"Wag mo ng i-compare please Yaya."
"Pero parehas sila ng alaga ko na mabait at pilya. At laging pinapainit ang ulo mo." Humalukipkip ang matanda na tila tinutudyo siya.
***
"Donny! Nandito na yung mga documents na kailangan mo! Grabe ka naman! Pinapunta mo pa ako dito. Ang haba ng biyahe ko ha."
May kasama na nga siya sa bahay na nagrereklamo dumating pa itong staff niyang reklamador din.
"Hay naku Miles. Hindi naman kita papapuntahin dito kung di ko kailangan agad. Alam mo naman yun si Robbie napakastrikto kahit sakin!"
"Bakit ba kasi bigla ka na lang hindi pumasok?" Minsan, gusto na din niyang sistantehin tong si Miles kasi daig pa nito ang amo niya kung magtanong. Kung hindi lang ito bestfriend ni Sharlene.
"May emergency ako...."
"Besh, matagal pa ba yan? Tara na walwal na walwal na ako." At nagdala pa pala ito ng isang sakit ng ulo. Si Kathryn. Balita niya ay isa na itong successful na modelo. Parang nasa runway lang ito nang lumabas ng kotse at pinuntahan sila sa terrace.
"Sorry Donny. Sinamahan ako ni Kathryn kasi hindi ako marunong magdrive at may walwal kami mamaya."
Nakapameywang na tiningnan siya ni Kathryn from head to toe. "Hmmmm. Gwapo pa din. Sayang engaged na ako."
Parang gusto na niyang pirmahan agad ang mga documents na kailangan niya at palayasin tong mga makukulit na to.
"Pero Donny....nakita mo yung balita?" Biglang pachismis na naman si Miles. Ito ang number one chismosa sa office nila.
"Ano na naman 'to Miles?"
"Nakita mo yung jowakels ni Justin De Dios? Kamukhang kamukha ni Shar!" Binunot pa nito ang cellphone nito at pinakita ang IG post ni Justin about kay Cassie. "Kamukhang kamukha diba?"
"At mas may class compared sa kaibigan nating mukhang basurera ang fashion sense." Sabad ni Kathryn.
"Sa tingin mo, si Shar 'to na nagpapanggap lang ng ibang katauhan? Yung parang sa mga teleserye!" Lumiwanag ang mukha ng dalawa at nagtitili ang mga ito sa terrace. Minsan talaga napapaisip siya sa choice of friends ng dating nobya.
"Donny, why is it so noisy?"
Napatayo sa kinaupuan nila ang dalawang maiingay nang makita si Cassie na palapit sa kanila. Halos lumuwa ang mata ni Miles at tila hindi makapaniwala sa nakita. Si Kathryn naman ay for the first time, napipi at hindi makapagsalita. Parang gusto niyang kunan ng video yung reaction ng dalawa.
"I'm meditating. Bakit ba ang ingay nitong mga kasama mo?" Naka-daster lang si Cassie pero napakaregal pa din ng look nito. Kahit ata pagsuotin niya ito ng sako, she will still stand out.
"Roomie?! Baks! Ikaw ba yan? Buhay ka?!" Tila naibalik na kay Kathryn ang dila niya dahil nagsisigaw na naman ito. Parehas hinaharass ng dalawa si Cassie at niyayakap ng mahigpit.
"Ew! Get off me! Who are you, you witches?!" Kumawala si Cassie sa yakap ng mga ito at tila nandidiri sa dalawa.
Donny decided to stop the chaos. "Guys, she is not Sharlene. Meet Cassie. She is Sharlene's twin. Cassie, meet Sharlene's college roommates and bestfriends. Miles and Kathryn."
"Pano-may twin si rommie-pano nangyari yun?!!!"
"Pano mo siya nakilala?! Bakit siya andito?!"
Ngunit hindi tumigil ang gulo. Mas lalo lang nawawarla ang dalawa at nag-uunahan sa mga tanong nila.
"I met Cassie in Tokyo sa isang project okay. Nagkataon na nandito siya sa Pilipinas. Wala siyang matutuluyan dahil don sa Justin scandal kaya dito muna siya. Lately, lang namin nalaman na kambal pala siya ni Shar. It's a long story," pagpapaliwanag niya.
Parang mga tangang nakatitig ang dalawa kay Cassie at ngiting ngiti.
"Cassie, pwede ba tayong maging friends? Miss na miss na namin si Shar." Pagpapacute ni Kathryn.
"I want to find her. Can you help me?"
"Yes!" Both girls replied in unison. Naku, nakahanap ng kakampi.
"Will you tell me everything about her?" At ang manggagamit na Cassie talagang hinuthutan ang dalawang inosenteng nilalang.
"Of course. Kahit sex life niya ikuwento ko pa. Pero wala siya non!" Sagot ni Kathryn sabay tingin kay Donny ng masama.
"Kath, cancel na muna natin walwal natin. Dito na muna tayo!" Pangungumbinsi ni Miles sa kaibigan. Nasapo na lang ni Donny ang noo. Ang last na alam niya, bahay niya to eh. Bakit parang may mga iniimbita ang sarili nila ng walang paalam?
"Isama na din natin si Maymay! Tawagan mo si bakla!" At nag-imbita pa ng iba.
"Sinong nagsabi sa inyo na pwede kayo dito sa bahay? Umuwi na kayo. Bawal kayo dito." Pagpapaalis niya sa mga ito.
"Donny, wag kang KJ okay. I want to get to know them and my sister." Sabat ni Cassie. Pinagtutulungan siya ng mga to!
"Donnyyyy pleaseeeee." Nagmamakaawa pa yung dalawa.
"Can you tell your other friend na magshopping muna for me? Medyo hindi kasi kami parehas ng fashion taste ni Sharlene eh." Manggagamit alert na naman si Cassie. Sobrang naamaze talaga siya sa kakapalan ng mukha nito. Nakitira na. Aba, nag-imbita pa at nagpabili! "I'll just wire the payment to her account."
So it ended up na sobrang ingay na sa mansion dahil sa delubyong dala ng tatlo. Nagpatuloy na magkwentuhan ang mga ito sa terrace habang inaantay ang pagdating ni Maymay.
Bandang hapon pa ay may kotseng dumating. Lumabas si Maymay na may dala-dalang shopping bags na most likely ay binili niya para sa mga kaibigan at kay Cassie. Ang sabi ni Miles sa kanya ay isa itong flight attendant sa Qatar. Nagtilian na naman ang magkaibigan. Mukhang nakapag-adjust na si Cassie sa kanila at enjoy na enjoy siya kasama ang mga ito.
Sinusubukan niyang magconcentrate sa mga papeles na kailangang asikasuhin pero umaalingawngaw ang tawa ng apat niyang bisita.
"Matagal-tagal na din nong huling nabuhay ang bahay na ito. Parang kasabay ng pagkawala ng alaga ko, nawalan din ito ng buhay at saya."
Iyon ang sinabi ni Yaya sa kanya nong pinapanood nila ang magkakaibigan na tila matagal na nawalay sa isa't isa. Napangiti siya sa sinabi ng matanda. Now, he doesn't seemed to be bothered by the noise.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...