"Sino ka? Sinong nagpapasok sa'yo?"Nagulat si Greta nang madatnan na may nakatalikod na babae na nakatitig sa nakaratay niyang asawa.
"Hello Greta. I'm back." Parang nagslow motion ang lahat sa paningin ni Greta nang unti-unting lumingon ang babae at nakita niya ang mukha nito.
"Olivia, anong ginagawa mo dito?!"
"Visiting an old friend, of course. Ang tagal na palang natutulog ni Miguel." Tila nanunuyang sagot ni Olivia dito. "Didn't you miss me my dear bestfriend?"
Natatarantang hinila ni Greta si Olivia palabas ng pinto. "Umalis ka at baka makita ka pa ng anak ko!"
Tila enjoy na enjoy si Olivia sa kapraningan ng kaibigan. "Bakit? I just want to catch up with you. Kahit naman sabihin ko out loud ang sekreto mo, tulog naman si Miguel kaya hindi niya maririnig."
"How much do you need?! Hindi ba pera lang ang habol mo?!"
"I heard the Cojuangco business is not doing very well." Binuksan ni Olivia ang bag niya at nagpunit ng isang pahina sa kanyang checkbook na may pirma na niya. "Here, darling. Feel free to write whatever amount suits you. I can afford."
Pagkuwa'y parang modelong nag-catwalk ito palabas ng pinto. Naiwan si Greta na habol ang hiniga at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
***
'Popstar sensation Justin De Dios publicly announced that he's taken through his Instagram post. He posted a photo of his girlfriend with the caption: Together since I can't remember. I love you.
The girl in the post turned out to be Japanese heiress and celebrity Cassandra Minamoto.'
Itinapon ni Donny ang newspaper na nabasa. Nakauwi na sila ni Cassie ng Manila at bumalik na siya sa kanyang condo. Pero napakaganda nito sa picture na pinost ni Justin.
Parang gusto nitong ipamukha sa kanya na kabit lang siya. Bakit nga ba siya affected eh matagal na nilang tinapos ni Cassie ang kabaliwan nila?
Nadistract siya sa paghihimutok nang makita niyang tumatawag si Cassie.
"Donny, please help me. There are so many paps here sa hotel."
"Bakit hindi mo tawagan yung boyfriend mong hindi nag-iisip?" Asik niya dito. Bakit siya ang mag-aayos eh hindi naman siya ang tangang pinagandalakan ang jowa?
"I can't reach him... I think he's in the same situation as I am now. Please. Please. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko."
At dahil nga marupok na naman siya, syempre pinuntahan niya si Cassie at tinulungang makaalis at makaiwas sa reporters na nag-aabang sa may entrance.
"San kita ihahatid?"
"I don't know." Halatang stressed na stressed ito sa mga nangyayari. "I can't go back to the hotel. Hindi rin kami okay ni Mommy. And only God knows where Justin is!"
"I have a place in mind na paniguradong di ka nila mahahanap pero baka di ka magsurvive don."
"What?"
"Bawal kasi ang maarte don."
Hindi makapaniwala si Cassie sa narinig. "What? Maarte ba ako?"
"Naku hindi... hindi naman masyado." Panunudyo ng binata. "Maraming ahas don at tsaka mahina ang internet. Hindi ka makakapagNetflix."
"Are we going to the forest? Ipapasalvage mo ba ako?" Maarteng sagot nito.
Natawa na lang siya sa pagka-brat nito. "Pupunta tayo sa bahay namin."
"Oh wow. Not too fast." Napahawak ang dalaga sa dibdib. "Alam kong type mo ako pero di mo ako pwedeng iuwi."
"Ewan ko sa'yo. Ano, pupunta tayo sa amin o ibabalik kita sa hotel mo?"
"No! No!" Mariing pagtutol nito. "Let's go to your house. I used to be a Girl Scout so I'll just treat it as camping."
Pero pagkadating nila ng hacienda ay gusto niyang pagsisihan ang desisyong dalhin ang dalaga don. Madilim na ng nakarating sila sa hacienda.
"Donny, parang ang daming mosquitoes dito." Hindi pa sila nakakapasok ng bahay ay nagrereklamo na ito.
"Diba sabi ko bawal maarte." Saway niya dito.
"Senorito Donny!" Sinalubong sila ng mga katulong. Napasign of the cross ang yaya niya nang makita si Cassie. Napamaang din ang ibang katulong na tila hindi makapaniwala sa nakita.
"Inday Sharlene, anak! Ikaw ba yan?! Akala ko talaga ay namatay ka na."
Akmang yayakapin na ni Yaya si Cassie ngunit napigilan niya ito. "Yaya, hindi po siya si Sharlene. Kakambal po siya ni Sharlene, si Cassie."
"Ay Diyos na mahabagin, may kambal pala ang alaga ko!"
Pero kahit na sinabi na niyang hindi ito si Sharlene nakikita niya ang pagsunod ng tingin ng Yaya nila dito ng may pangungulila.
"Anong gusto niyong kainin sa hapunan, Donato?" Tanong ni Yaya sa kanya pero ang tingin ay nakatuon kay Cassie.
"Yaya, baka matunaw yan sa kakatitig niyo." Saway niya dito.
"Pagpasensyahan mo na ako. Miss na miss ko na ang alaga ko." Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Cassie. "Kamukhang kamukha mo siya. Pwede ba kitang mayakap?"
Sinenyasan ni Donny si Cassie na pagbigyan na lang ang matanda. Alam niyang isa sa rason kung bakit naninilbihan pa rin ito sa kanila ay dahil hinihintay nitong bumalik si Sharlene.
"Yes. Sure po."
Humahagulhol ang matanda nang yakapin si Cassie. "Miss na miss na kita."
Maya-maya pa'y dinadaldal na si Cassie ng matanda. In fairness naman kay Cassie ay maayos itong nakikipag-usap.
"Tara ipakita ko sa'yo ang kwarto ni Sharlene. Doon ka na matulog."
Hinayaan na ni Donny ang Yaya niya sa kasiyahan nito. Kinausap niya ang mga katulong upang tanungin kung nasaan ang ina. Baka magulat din ito pag nakita ang kasama niya. Ngunit napag-alaman niyang lumuwas pala ito ng Manila at sa susunod na linggo pa ang balik.
Pinuntahan niya si Cassie sa dating silid ni Shar para ayaing maghapunan. Ngunit naabutan niya itong umiiyak habang nakatingin sa mga albums. Mukhang pinakialaman nito ang gamit ni Shar.
Agad siyang lumapit dito. "Hey, why are you crying?"
Pinunasan nito ang luha sa mga mata. "I'm sorry ang OA ko aside sa maarte pa ako. I just couldn't help but be emotional nang makita ko ang pictures niyo. She seemed to be so happy with your family."
Hindi niya napigilang hindi yakapin ang dalaga. "Sssh. Okay lang maging OA basta wag maarte. I miss her too. I miss her so much."
"Sana makita na natin siya. I want to hug her." Bulong nito.
Sana nga. Sana makita na nila si Sharlene. Pero kung makita na nila ito, bakit parang ngayon pa lang nalilito na ang kanyang puso?
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romansa"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...