Book 2 - Chapter 15

328 19 3
                                    


"Mine."

Ang laki ng ngiti ni Donny habang tinititigan ang picture na inupload niya sa Instagram. Larawan ito ng magkalingkis nilang mga kamay.

Mahimbing na natutulog ang dalaga sa kama niya. Hinagkan niya ito sa noo.

Hoy Donneh, sino yan?

Congrats Pare! At last may jowa ka na!

After n years....

Pakilala mo na yan samin!

Inulan ng comments ang post niya. Natatawa na lang siya sa kakulitan ng mga kaibigan. Kahit si Robbie ay tumawag pa sa kanya!

"Oy Donato. Sino yan?" Pangungulit nito sa kanya.

"Secret. Ayokong sabihin." Pang-aasar niya dito.

"Wag mong sabihin...."

"Mapuno ka ng hiwaga. Bye." Binaba na niya ang tawag pero tawang-tawa pa din siya kay Robbie. Talagang usyosera yung lokong yun.

"Donnyyy...." Nagising ata si Cassie sa ingay ng usapan nila ni Robbie. "What time is it?"

"11PM na. Tulog na tulog ka ah." Masama daw ang pakiramdam nito. "Bumalik ka na sa pagtulog tatabihan lang kita."

Matamang nakatitig sa kanya ang dalaga at hinawakan ang mukha niya. "Ang gwapo mo naman."

"In love ka na?" Tudyo niya dito. He tickled her at napuno ng tawa nito ang dating tahimik niya na condo.

"Asa ka pa." Ismid nito. Pero hinila siya nito upang halikan. God, he can't get enough of her. Bago pa niya namalayan parehas na silang walang saplot.

They made love the whole night. The condo was filled with their moans and screams as they surrendered in each other's desires. He took her again and again. He didn't use any protection. He never used protection. Even when they were in Japan. He assumed she's taking pills. At kahit naman hindi, pananagutan niya ito.

Nakatulog silang magkayapos.

***

"Good morning...."

Amoy ng masarap na bacon ang sumalubong kay Donny nang magising siya. Paglabas niya ng silid ay nakita niyang hinahanda na ni Cassie ang kakainin nila.

Para siyang tanga na kilig na kilig habang pinapanood ang dalaga na inaasikaso siya. Hinawakan niya ito sa bewang at hinalikan sa labi.

"Ikaw talaga, umagang-umaga." Saway nito sa kanya.

"Hmmm. Bango naman ng misis ko." Inamoy-amoy niya ang leeg nito. "Sarap pala ng may nag-aalaga."

"Hay naku. Ang corny niyo po. Kumain ka na para makaalis ka na sa trabaho." Damn, he forgot he has work! Ganon ba kalakas ang epekto nito sa kanya?

"How about you?" Usisa niya dito. Aalis na rin ba ito?

"Dito lang ako. Aantayin kita. Anong gusto mong dinner?"

Hindi maipaliwanag ang saya sa puso ni Donny sa narinig. "Kahit ano. Kahit ano kakainin ko. Basta andito ka. Basta ikaw nagluto."

Sobrang good mood siya pagdating ng opisina. He was even whistling and greeting everyone good morning. Naweirduhan ata ang staff sa kanya. Pero wala siyang pakialam.

Pero nasira ang tila maganda niyang umaga nang maabutan ang ina na naghihintay sa kanya sa loob ng opisina.

"Why are you here so early?" He asked dryly. Hindi man lang niya ito bineso.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon