Chapter 7

499 30 4
                                    


"Sharlene, bakit parang blooming ka ata?" Puna ni Miles sa kanya. Kasalukuyan silang kumakain ng isaw kina Mang Larry's sa tapat ng dati niyang dorm.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Patay-malisya niyang tanong dito. Wala pa rin siyang sinasabihan tungkol sa kanila ni Donny. Magdadalawang buwan na ang tinatago nilang pagsasama/relasyon or whatever you call it. Hindi niya rin diretsahang matanong si Donny kung ano na bang estado nila. Basta ang alam niya secret muna sila.

Pero dahil nga siguro tanga siya, gora pa din siya sa life. Masaya siya sa piling nito. Para silang nagbabahay-bahayan.

"Talaga dzai?" Parang nagdududa din si Mary Joy sa kanya. "Unsaon (paano). Napakapogi kaya ni Dodong Donny tapos same bahay pa kayo. Imposibleng hinde kayo naggapangan."

"I second the motion." Maarteng sang-ayon ni Kathryn. Gusto na niyang mangumpisal sa mga ito pero hindi pwede kaya pinagdiskitahan na lang niya ang isaw baboy na kinakain. "If I should know, nawarak ka na ni Donny."

Tinampal niya ang bibig ni Kathryn habang bentang-benta sa dalawa ang sinabi nito. Nagroll eyes lang ang bruha sa kanya. "Parang hindi ka nagSoc Sci 3! Wag ka ngang pavirgin!" Soc Sci 3 ay parang Sex Ed na subject sa UP. Sobrang scientific naman ito pero nawarla siya nong kinuha niya ito nong freshie siya. Diyos ko, pag maririnig ng Mama niya ang usapang ito mapapa-sign of the cross talaga yun.

"Oo nga. Ikaw pa nga nanalo sa contest ng pabilisang malagay sa saging ang condom." Tawang-tawa na pagpapaalala nito sa kanya. Magkakaklase kasi silang dalawa sa subject na yun.

"Tigilan niyo nga ako!" Suway niya sa mga ito. Totoo naman ang sinabi niya. Hanggang langit nga ata ang respeto sa kanya ni Donny kasi wala talagang nangyayari sa kanila. Gusto na nga niya itong gapangin minsan.

"You want me to share my secrets? Oplan akitin si Donato?" Confident na confident na tanong ni Kathryn dito.

Inirapan lang niya ito. "Alam niyo kumain na lang tayo ng Pancit Canton sa may Arcade." Paborito nila ang pancit canton na luto doon kahit pa na sabihin ng iba na parehas lang naman lahat ng pancit canton.

"Hi guys." Nagpipigil sa kilig ang tatlo niyang traydor na kaibigan nang makita si Donny.

"Hi Kuya Donny." Palagi kasi siyang sinusundo ni Donny after class. Sa may Main Library sila palaging nagkikita pero dahil nga nag-aya ang mga barkada niya sa Mang Larry's sinabi niya dito na mauna na lang.

"Akala ko mauuna ka na?"

Kinurot siya nito sa mukha. "Namiss kita eh. Di kita nakita buong araw."

Napatili ang tatlo sa narinig. Pinandilatan niya ito.

"Huy huy huy!!! Panagutan niyo kaming dalawa! Bakit may ganyang landian?" Natutulirong tanong ni Miles. Sinenyasan niya si Donny na umupo. Umupo ang mokong sa tabi niya.

Inakbayan siya nito. "Malandi ba?" Ngisi ni Donny. "Baby, ang landi daw natin? Anong masasabi mo?"

Tinampal niya ito. "Tigilan mo na nga yan at baka maniwala pa yang mga yan sayo!" Pagdadahilan niya. "Mga sira kayo! Alam ni Kuya na shiniship niyo kami!"

Disappointed ang tatlo sa narinig. Pero ayaw paawat ng bruhang Kathryn. "Okay. Fine. Pero Donato Antonio Cojuangco, bilang representative ng samahan ng kababaihan sa Room 107 ng Ilang-Ilang Residence Hall....gusto mo ba si Sharlene Alfonso? Not as a sisterlet. Kumbaga jowable ba tong friendship namin?"

Tahimik na naghihintay silang lahat. Kahit siya ay tutok na tutok sa isasagot nito. Napatingin muna ito sa kanya. "Jowable!!"

Pumapalakpak ang tatlo sabay sumayaw na parang mga baliw. "Yessss. So bakit hindi mo ligawan?" Si Maymay naman ang nagtanong.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon