Photo: Credits to the owner
Full moon, bedroom, stars in your eyes
Last night, the first time that I realized
The glow between us felt so right
We sat on the edge of the bed and you said
"I never knew that I could feel this way"
Love today can be so difficultParang dinuduyan si Donny sa malamyos na tinig ng kumakanta. She looked so beautiful with her hair down while strumming the guitar and singing at the same time.
"Cassie..." Wala sa sariling usal niya. The face of the singer changed. Hindi na ito mukha ni Cassie. Nagdedeliryo na naman siya.
He would see her face in crowds. He would search her name in the internet para lang makibalita kung ano nang nangyari dito. He even went full time crazy by having her investigated kung si Shar nga ba ito o hindi.
He couldn't understand himself. He missed her so much. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong makita. Buti na lang at napigilan niya ang sarili bago pa niya naisipang tawagan ito.
"Bro, are you okay?" Robbie, his business partner gave him a worried look. "It's that girl again, huh?"
Hindi siya makapaniwalang tatlong linggo pa lang simula nang bumalik siya. "Sorry."
Tinapik siya nang kaibigan sa balikat. Kaya siya dinala nito sa 19East ay upang kalimutan ang babaeng bumabagabag sa isipan niya. "Why don't you call her?"
Palibhasa kasi ay playboy itong si Robbie kaya hindi nito maintindihan ang pinagdadaanan niya. "She's engaged to someone else. Have you forgotten?"
"Bakit di mo siya ipaglaban?" He challenged him. Hindi niya binanggit dito na kamukha ito nang dating nobya. Kaya nga siguro panay na ang pagkunsinte nito sa kanya.
"What's her name? Bakit ayaw mo kasing sabihin ang pangalan?" Pag-uusisa nito sa kanya. Hindi din niya binanggit na ang may-ari ng art gallery sa Japan ang naka-fling niya. Robbie would surely flip. Kahit babaero ito ay hindi nito hinahalo ang landi sa trabaho.
"Bro, to be honest, I think I like her because she reminded me so much of Shar..." Totoong may pagkakaiba sa ugali at kilos nila ngunit hindi pa rin maiwaksi na dala-dala nito ang mukhang matagal siyang nangulilang makita.
"What?! Ganyan ka na ba kahibang? Akala ko ba, you will try to move on. Bakit parang mas lalo ka pa atang nabaliw pagbalik mo?" Tumungga na lang ng alak si Robbie dahil hindi siya makapaniwala sa pinagagawa nito.
Wala na atang pag-asa ang kaibigan niya.
***
"Papiiii!"Isang matinis na sigaw ng galak ang narinig ni Donny sa bandang likuran niya. Napangiti siya. Kahit hindi siya lumingon ay kilalang kilala niya ang boses na iyon ng bata.
Tumatakbo papunta sa kanya ang isang cute na apat na taong gulang na bata. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. Sa dami ng ginagawa niya ay hindi na niya ito nabisita. Miss na miss na niya ito.
"Art, my boy. I miss you so much!" Bulalas niya habang pinupogpog ito ng halik sa noo.
"Naku. Pwede mo naman kasing bisitahin." Sabat ng ina ng bata na nakangiting pinapanood sila.
Tumayo si Donny at kinarga ang bata. Napatitig siya sa dating nobya. Maganda pa rin si Kirsten kahit na inaalagaan nito si Art. Akala niya ay mababawasan ang pagiging maganda nito dahil sa pagiging ina. But motherhood seemed to suit her.
"Sorry Kirsten. I was really busy." Inirapan lang siya nito.
"Papi, where have you been?" Nagmamaktol na tanong ni Arthur sa kanya.
"I was in Japan, little boy. But I have pasalubong for you. I'll bring it when I visit." Lumiwanag ang mukha ng bata nang mabanggit niya ang pasalubong.
"Did you eat na?" He asked endearingly sa bata.
"We're eating in my favorite restaurant." Arthur informed him. "Can you eat with us, Papi?" Humilig ito sa balikat niya. He would do anything for this little kid.
"Of course. Mauna na muna kayo ni Mommy. Susunod na lang ako. May bibilhin pa si Papi."
Tumingin ng makahulugan sa kanya si Kirsten. Tumango siya dito at sinenyasan ito na totoong susunod siya. Nagpaalam na muna ang mag-ina at nag-flying kiss pa siya kay Arthur.
Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. He scanned the whole room to confirm.
"Shar..."
Nagdedeliryo na naman ba siya? It's her! Nakatingin ito sa kanya ng malungkot sa labas ng bookstore. Hindi siya maaaring magkamali. Si Sharlene nga ang nakita niya.
"Donny pare!" Akmang tatakbo na siya para puntahan ito ngunit may pumigil na mga kamay sa braso niya.
It's Arturo. His childhood bestfriend. "Nandito ka pala! Art has been asking for you so many times."
And yes, Arturo aka Turs is Art's father and Kirsten's husband. Who'd have thought? Ang kanyang matalik na kaibigan din pala ang makakatuluyan ng dating nobya.
Magulo man ang naging paghihiwalay nila ni Kirsten noong una ngunit labis ang pasasalamat niya kay Turs dahil ito ang naging tulay para magkaayos sila. Silang tatlo ang magkakabata noon at palaging nagiging biro ni Turs na third wheel siya. Ngayon, siya na ang third wheel. Minsan pinapakiusapan pa siya ng mga ito na bantayan si Art kasi magdidate sila.
He's happy for the both of them. Alam niya sa sarili niya na kung natuloy man ang kasal nila ni Kirsten ay hindi niya maibibigay ang pagmamahal na iyon sa babae.
"Nakasalubong ko sila kanina." He informed his friend. "I'll be joining you for lunch may hahabulin lang ako."
Walang sabi-sabi niyang iniwan si Turs at hinanap na ulit si Shar. Ngunit wala na ito. He searched through the whole mall ngunit hindi niya ito makita. Was it his delusions again?
"Ano bang hinanahanap mo kanina at nagmamadali ka?" Inusisa siya ni Turs nong kumakain sila.
"I thought I saw Sharlene." He answered honestly.
Nagtinginan ang mag-asawa sa sinabi niya. Arthur was sleeping soundly in Kirsten's lap. "Pare...Matagal ng patay si Sharlene."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Inabot ni Kirsten ang isang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.
"Donny...I know you're still hurting..." She was looking into his eyes. "But it's been years..."
"Alam kong para sa inyo patay na siya. Pero hanggat walang bangkay...may pag-asang buhay pa siya."
Tila nabuhay ang mga alaala ng nakaraan nong araw na nawala si Sharlene sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romansa"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...