Book 2 - Chapter 10

350 23 1
                                    


"My family is so fucked up."

Inagaw ni Donny ang sigarilyo na sisindihan sana ni Cassie. Tinawagan siya ng dalaga ng dis-oras ng gabi na umiiyak. At dahil mahina ang binata ay agad niya itong pinuntahan. Katulad ng nangyari sa Japan, napunta na naman sila sa malayong lugar-sa Baguio.

May rest house ang pamilya ni Donny kaya doon sila dumiretso.

"Alam mo Cassie, if fucked up yung pamilya mo, then you should meet mine."

Napangiti ng mapakla ang dalaga at ginulo ang buhok niya. "Do you still miss her? Do you think she's still alive?"

Napatingala si Donny sa malawak at madilim na kalangitan. "Sinasabi ng utak ko na patay na siya pero umaasa pa rin ako na sana...sana hindi lang siya nagpapakita dahil kinamumuhian niya ako."

Napakunot ng noo si Cassie sa sinabi sa kanya. "You never told me the whole story..."

Nagkibit-balikat lang ang binata. "I just want to punish myself. Kasi deserve ko 'to. I deserve to suffer kasi ako ang may kasalanan bakit siya napahamak."

She patted his shoulder. "She's my sister you know. If you're ready you can tell me. I want to get to know her. I want to hear stories about her."

"Marami akong kuwento sa kanya. Wag kang mag-alala kahit araw-araw pa."

"Hindi ko siya nakilala but I miss her. Do you think it makes sense? My Mom wasn't around when I grew up and when she came back to us... I didn't feel anything. Does it make sense?"

He just nodded. "Do you miss your Dad?"

"Yes." She looked at him with a sad look on her face. "Siya lang ang nagmahal sa akin ng buong buo. Siya ang kakampi ko."

"Sharlene was also a Daddy's girl. Lagi silang nangangabayo at namamasyal ni Papa. Mahal na mahal ni Sharlene si Papa."

"So...why did your Dad adopt my sister? Bakit niya kinuha si Sharlene sa Mommy ko?" Hindi maiwasang maitanong ito ni Cassie.

He shrugged his shoulders. "Hindi ko alam. Pero at the back of my mind there was this nagging question..."

"Na?"

"That she could be Dad's daughter." Mabigat ang mga binitiwang salita ni Donny. "I sometimes hear my parents arguing about it."

"Did you ever confront him about it?"

"Once." He replied. "Just once nong naguguluhan na ako sa nararamdaman ko kay Sharlene. He told me he wished she really is his."

"Do you want to know? Gusto mo bang malaman kung isang malaking kasalanan na minahal mo siya? Well, in Japan, there are forbidden stories about siblings falling in love."

"What are you trying to say?!"

"C'mon. We had sex." She just dropped it casually. "I'm just curious kung nadagdagan ba ang kasalanan ko. I can take a DNA test if you want."

"I already did." Pag-amin ni Donny. "Dad did it. Just to prove to me na hindi kami magkapatid."

He couldn't tell pero parang nakita niya sa mukha ni Cassie ang panandaliang galit. "Really?"

"O baka gusto niyang ipakita yon kay Mama para matigil na ang away nila. Kasi takot siyang mawala ulit ito."

"What do you mean?"

"I couldn't remember clearly when but there was a time when I was just little. Mom left us for a year. Halos mabaliw si Papa non. Lagi itong nag-iinom at laging mainit ang ulo sa akin. I can't remember the reason. We never talked about it again. Basta isang araw, bumalik lang si Mama na parang walang nangyari."

"Now that I think about it, your family is weirder than mine. Our mothers both left us when we were little. At least they came back." Malungkot na saad ni Cassie.

Tama naman ito. Sinong mag-aakalang paglalapitin ulit ang landas nila dahil kay Sharlene?

"So, what's your plan?" Hamon ni Cassie sa binata.

"No, what's your plan Cassie? Bakit tayo nandito? Hindi ka dapat nandito." Pagpapaalala ni Donny sa kalagayan nila.

Umismid lang ang dalaga. "I'll find her. I'll find my sister. At bakit bawal akong nandito?"

"Alam mo kung bakit... May masasaktan tayong tao." Maybe she forgot she has a fiance?

"Bakit, takot ka? Ang hirap sa'yo Donny duwag ka."

Hinawakan siya ni Donny sa braso. "Ayoko lang makasakit ng tao."

"I've tried my best to love Justin. There was a time when we were in love but we just grew apart. I lost myself. Kaya ang tingin ko na lang ngayon sa amin ay isang obligasyon na dapat kung tuparin para sa ikakasaya ng pamilya ko. You've been there so you should understand!"

"Yes and look where I am! Nawala sakin lahat Cassie!"

"And who told you that I would give up Justin for you?! Uuwi pa rin ako kay Justin. Si Justin pa rin ang papakasalan ko. But as of this moment, I want my share of fun."

"Kaya pala sa akin mo sinuko ang pagkababae mo?!"

Here they are again. They always end up fighting. It's frustrating for Donny that they always think differently.

She chuckled. "God Donny, anong petsa na? Ganon pa rin ba kaimportante ang virginity?"

"Alam mo Cassie hindi kita maintindihan." One moment they were okay and the next thing he knows, they are shouting at each other.

"Dahil ayaw mo akong intindihin! I'm not like my sister. Magkaiba kami. Alam ko ang gusto ko!"

"Paano kung buhay nga si Sharlene?! Can you look her in the eye knowing what we did behind her back?!"

"Wow nagmalinis! Bakit sa tingin mo ba babalikan ka pa niya?!" Nag-walk out ito at padabog na sinara ang pinto nang makapasok ito sa bahay.

Hindi niya ito sinundan. Gusto niya munang mapag-isa. Gusto niya munang mag-isip.

Hindi niya alam kung ilang oras ba siyang nakaupo sa labas. Nang pumasok siya ay nakita niya si Cassie na nakaupo sa sofa at tila inaantay siya.

"I'm sorry..." Lumapit ito sa kanya. "I'm just stressed. You're right. Mali tong ginagawa natin. I'll go home now. I'll call my driver to pick me up."

"Magpalipas na lang muna tayo ng gabi dito. Don ako matutulog sa kabilang kwarto. I'm sorry mainit din ang ulo ko."

Naghiwalay sila na hindi matantiya kung nagkabati na nga ba sila o hindi. Nagulat si Donny kinaumagahan nang makita si Cassie sa kusina na naghahanda ng agahan nila. For a brief moment, parang nakita niya si Sharlene.

Naramdaman ata ng dalaga na may nakatitig sa kanya. Nilingon siya nito at nakangiti. "Halika na kumain na tayo. Peace offering sa pagmamaldita ko kagabi."

Hindi sila nagkikibuab habang kumakain ng almusal. Si Cassie ang bumasag ng katahimikan.

"Masarap ba?"

"Pwede na." Maikling sagot ni Donny at nagpatuloy sa pagsubo.

"So...tutulungan mo ba akong hanapin si Sharlene?"

"Wala akong time. Balitaan mo na lang ako."

"But I need your help. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam san ako magsisimula."

"Maybe that's why you should hire a private investigator." He answered dryly.

"So I guess ginawa mo na yan pero hindi effective?" Pang-aasar nito. "I promise hindi na kita lalandiin."

Natawa na lang si Donny sa sinabi niya. "Siraulo ka talaga."

They were laughing again. Hindi man niya aminin sa sarili pero napapasaya siya ni Cassie dahil sa kakulitan nito. Napapasaya. Ginagalit. Sari-saring emosyon ang nabubuhay sa kanya kapag kasama niya ito.

It's been a long time since he felt this way. Pero mali kaya kailangan niyang pigilan ang sarili.

[COMPLETED] My Sister's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon