"Mangako ka sa akin anak na hinding-hindi ka magpapakilala kay Greta. Ito lang ang hinihiling ko sa'yo. Ayoko ng balikan pa niya ang alaalang iyon. Pinagdadasal ko na hindi niya maalala ang nangyari sa kanya."Miguel's surroundings were starting to get blurry. Naninikip din ang kanyang dibdib. Siguro nga ay ito na ang katapusan niya. Nagising lang siguro siya para malaman ni Sharlene kung sino ang tunay nitong ina. Nagising lang siya para itama ang lahat. Nagmulat lang siya ng mata para bigyan ng pag-asa ang dalawang anak na pinakamamahal niya. Ang isang galing sa dugo't laman niya. At ang isa naman ay pinili ng puso niya. Parehas niyang mahal ang mga ito at gusto niyang lumigaya.
Tila sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang kaisa-isang babaeng nakadungaw lamang sa may pintuan.
"Papa, I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Ang sakit sakit. Pangako kakayanin kong hindi ipakilala ang sarili ko kay Mama. Para sa'yo. Mahal na mahal kita, Papa." Mahigpit lang na nakayakap ang paborito niyang anak. Nararamdaman niya ang pagdaloy ng mga luha nito sa pisngi. Gusto niyang ibsan ang paghihirap nito pero kailangan nitong malaman ang totoo. Iyon lang ang paraan para lumaya sila ni Donny.
"Finally anak, you became a Cojuangco which is what I've been wishing since the day I held you in my arms. Wag mong pababayaan si Donny. Wag mo siyang iwan."
Napapikit ang butihing Don at tila isinuko na ang buhay kay kamatayan. Narinig na lang ni Sharlene ang nakabibinging tunog ng makina.
"Papa! Papa! No! No!"
Everything went by in a blur. Hindi na niya maalala ang mga nangyari. Sumugod ang doktor at nurses sa silid kasama na din doon si Greta. Inabisuhan sila na kailangan nilang lumabas.
Isa na namang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ina. "Anong ginawa mo kay Miguel?! Anong sinabi mo sa kanya?!" Niyuyugyog ni Greta ang balikat niya habang umiiyak at sinasaktan siya ngunit tila manhid siyang hinayaan ito.
"Patawarin mo ako, Mama. Kung sinira ko ang pamilya natin. Patawarin mo ako..." She asked for forgiveness in between sobs. Napaluhod siya at napahawak sa laylayan ng bestida ng ina.
Ganoong eksena ang naabutan ni Donny nang dumating siya. "Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak?"
"Tanungin mo ang magaling mong asawa! Kung anong ginawa niya sa Papa mo!" Dinuro-duro ni Greta si Sharlene na nakaluhod pa din. "Miguel was okay then she came. Nag-usap sila at hindi ko alam anong sinabi niya kay Miguel para mag-agaw buhay na naman ito!"
Marahas na pinatayo ni Donny si Sharlene at kinaladkad palayo sa ina. "Talaga bang desperadang-desperada ka na sirain ang pamilya namin?!" His eyes were burning with anger. "Hindi pa ba sapat sa'yo ang lahat ng ginawa mo? Talagang gusto mong patayin si Papa?!!" Nasasaktan na si Shar sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanya.
"Alam ko...alam kong nagkamali ako..." She painfully admitted to all her mistakes. "Pero hindi ko gustong mamatay si Papa. Patawarin mo ako. Maniwala ka sakin please Donny."
Nanggagalaiti sa galit si Donny lalo na nong tinawag nito ni Papa ang ama. "And you really have the guts to call him that?!!! Hindi ka niya anak!! Ako lang ang anak ni Papa! You don't deserve anyone! You don't deserve me! You don't deserve this family!! Now get out! Umalis ka na bago pa kita masaktan!"
Ngunit hindi siya nagpatinag at akmang yayakapin ito. "Donny, please. Maniwala ka sakin. Patawarin mo ako."
Marahas siyang itinulak ng asawa. "I sincerely hoped na mababalik lahat sa dati. I trusted you. I loved you despite the pain you inflicted me. I chose you over my family. All I asked from you is to forgive the people I love the most. Pero anong ginawa mo? Kapag may masamang mangyari kay Papa, ikaw ang sisisihin ko!" He pointed an accusing finger at her. "Wala ng kahit katiting na pagmamahal ang natitira sa puso ko para sa'yo. You bled me dry until all that remains is emptiness!"
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...