"Ikaw...."Napatayo si Donny nang makita kung sino ang hindi inaasahang bisita.
"Mr. Cojuangco, I assume you still remember me." Ngumiti ang kanyang bisita at inilahad ang kamay matapos magpakilala.
Of course, he remembered. Even if she aged, he still recognized her face. Ibang-iba man ang gayak nito ngayon, natatandaan pa rin niya ito.
[flashback]
Napabuntong-hininga na kumakatok and noo'y binatilyong si Donny sa pinto ng isang tila masisira na na bahay. Kinakabahan si Donny dahil mukhang delikado ang lugar na ito.
"Ano po ang sadya natin?" Isang babaeng tantiya niya ay kasing-edad ng ina ang nagbukas ng pinto. Ang mukhang nagpapakilala sa kanya ngayon. Iba sa gayak nito ngayon, butas-butas ang suot nitong daster at tila pagod na pagod ang mga mata.
"May iniutos po sa akin si Papa-si Don Miguel Cojuangco."
Napaigtad ang kausap at sumilip kung may mga taong nakakarinig. "Hinaan mo ang iyong boses at natutulog ang anak ko. Dala mo ba ang pera?"
Kinuha ni Donny ang envelope mula sa bag at ibinigay ito sa babae.
Dali-dali nitong kinuha ang envelope at binilang ang pera sa loob. "Magkita tayo bukas sa simbahan ng San Ildefonso. Iiwan ko doon si Sharlene ng saktong ika-sampu ng umaga. Kaya kailangan mong dumating sa tamang oras."
Tumango na lang si Donny. Inilihim ng ama ang utos na ito sa kanyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Don Miguel. Anak ba nito ang batang babae na pinapakuha? Anong gagawin nito sa bata? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan niya.
"Umalis ka na at baka may makakita sa iyo dito. Delikado sa lugar na ito." Itinulak siya ng ale na parang kinakabahan.
Paalis na siya nang biglang nagsalita ito. "Totoy, alagaan mo ang anak ko ha? Pakisabi din kay Don Miguel na alagaan niya si Sharlene." Hindi man ito lingunin ni Donny ay alam niyang umiiyak ito.
"Anak ba ni Papa ang anak mo?" Hindi niya matiis na tanungin ito.
"Tanungin mo ang iyong Papa. Siya ang dapat sumagot sa tanong mo."
[end of flashback]
"Ikaw ang nanay ni Sharlene." Hindi niya mapigilang mapabulalas. Nakita niya ang pamumutla sa mukha nito.
"Nasan ang anak ko? Kukunin ko na siya. Kaya ako nagpunta dito. Ngayon lang ako nagkalakas-loob na harapin siya." May luhang bumagsak sa mga mata nito.
Napakuyom siya ng kamao sa tanong nito. "You're rich right? So hindi mo alam? You didn't even try to check on her? Anong klase kang ina?"
"Anong ibig mong sabihin?!!"
"Patay na siya. Patay na ang anak mong iniwan mo lang para sa pera!" Sinigawan niya ang matandang babae. Nanlumo ito at napaluhod sa nalaman.
"Hindi totoo yan! Hindi totoo ang sinasabi mo!" Napakapit ito sa balikat ni Donny na parang nagmamakaawang bawiin ang sinabi niya.
"Hey, the door was open so I didn't bother to knock."
Napatigil si Donny nang makita ang bagong dating. It was Cassie.Ngunit mas lalo siyang nagulumihan sa mga sumunod na nangyari.
"Oh my God!! Mom, what are you doing here?!" Tumakbo ang dalaga at sinaklolohan ang inang umiiyak. "What did you do to her?!!!""She's your Mom?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Donny. Tila sasabog na ang ulo niya sa nalaman. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?
Hindi siya pinansin ni Cassie dahil inaalalayan nito ang ina sa pagtayo. "What the hell did you do to my Mom huh Donny?! Hindi mo ba alam na maselan ang puso niya?!"
"Why don't you ask her? Siya ang pumunta dito sa opisina ko para hingin sakin ang matagal na niyang iniwan!"
"Mom?" Nagtatakang napatingin si Cassie sa ina. "What's this? Bakit mo kilala si Donny?"
Olivia Minamoto wiped her tears and tried to smile at her daughter. "Anak...can we talk about this at home?"
"Bakit hindi dito?! What are you two keeping from me?!" Pag-uusisa niya. "Naguguluhan na ako sa nangyayari so can you please enlighten me?!"
"Cassie...." Niyakap nito ang anak ng mahigpit at hinawakan ang mukha nito sa mainit nitong palad. "May kakambal ka. Iniwan ko siya... Gusto ko siyang balikan. God knows gusto ko siyang balikan pero natatakot ako na hindi niya ako tatanggapin."
Now everything made so much sense to Donny. Hindi nga ito si Sharlene. Ito ang kakambal niya. Hindi si Sharlene ang nakasama niya sa Japan. All the while it was stupid wishful thinking. She's another person. Not his Sharlene.
"Bakit di mo to sinabi sakin? Bakit?! You left my twin here in this hell of a place while we were having the time of our lives in Japan?!" Cassie was obviously distraught about what she learned from her mother. Tila nandidiri ito sa ina sa nalaman.
"Anak, patawarin mo ako." Lumuhod ang ina nito kay Cassie ngunit tila bato itong iwinaksi ang kamay.
"Dahil sa'yo namatay siya! Ni hindi ko man lang siya nakilala! Nahawakan. Nakausap!!! You're so selfish Mom! Akala ko malaki ang sinakripisyo mo para lang balikan kami ni Daddy sa Japan pero...kapalit non ay pag-iwan mo sa kapatid ko?!"
"Cassie, if it's any consolation...she was happy with us." He interrupted them. Hinawakan niya si Cassie sa balikat dahil balak nitong sugurin ang ina. He would like to think that Sharlene was happy by his side kahit na sa huli ay siya ang dahilan ng pagkamatay nito.
"Masaya? Hindi ba namatay siya sa sunog?! How is that happy?! Tell me!!" Niyakap niya ang dalaga para pigilan ang pagwawala nito ngunit nagpumiglas ito at dali-daling umalis.
Naiwan sila ng ina nito na tahimik. Tumayo si Olivia at inayos ang sarili pagkuwa'y kinausap siya.
"I guess this is not the best time. I will come back or maybe I would search for the answers myself. Send my regards to your father."
Maingat nitong isinara ang pinto pagkaalis at naiwan na naman si Donny na mag-isa.
Mag-isang tumatangis sa nakaraan. Ang maliit na pag-asang buhay pa ang nobya ay tila tinangay ng hangin dahil sa nalaman.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...