Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan"The people here seem to love you." Bulong ni Cassie kay Donny. Tanging mukha ng babaeng kasayaw lamang ang nakikita ni Donny. Tanging mga labing nagsasalita ang naririnig habang umiindayog ang kanilang mga katawan sa musika.
"Smile!" Sabay silang napalingon nang narinig ang tunog ng camera. Nakangiting kumaway si Kathryn sa kanilang dalawa bago lapitan ang ibang tao doon upang kuhanan ng larawan.
Nagkaron ng salo-salo at parang fiesta sa mansion na hindi planado. Bumisita ang mga tauhan sa hacienda na may dalang maraming pagkain bilang pagdiriwang sa pagbabalik ni Donny. Mukhang miss na miss siya ng mga dating tauhan na ilang taon din niyang nakasama noong siya ang namahala ng hacienda.
Labis ang pasasalamat ni Donny sa kanila. Nagpaihaw na din siya ng baboy at manok. Dali-daling pinuno ng palamuti ng mga katulong nila ang bakuran. Inilabas na din nila ang sound system sa music room upang makapagsayaw ang mga tao doon.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Donny ang nagdududang titig ng mga tao kay Cassie. Mukhang gustung-gusto ng mga itong tanungin kung si Sharlene ba ito. Ang Yaya niya na sadyang madaldal na ang nagpaliwanag na kambal ito ni Sharlene.
Cassie saw the look of disappointment in their eyes when Donny's Yaya announced that she's not Sharlene.
"I hope you're having fun." Sinuklian naman siya ng ngiti ni Donny.
"Yes. Parang ang tagal ko ng hindi naging ganito kasaya." Humilig siya sa balikat nito at wala ng pakialam kung anumang iisipin ng mga taong nandoon. Basta ang alam niya masaya siya. Masaya siyang makita ang mga ilaw, marinig ang halakhak ng mga tao doon na mas malakas pa sa tugtog. Masaya siyang makita ang pagyayakapan ni Miles, Maymay at Kathryn. Masaya siyang makita ang Yaya ni Donny na kumakain at nakikipag-usap sa mga tauhan sa hacienda. Masaya siyang makita si Donny na tila pinupugpog ng pagmamahal ng mga tao. Masaya na kahit nasa gitna ito ng maraming tao ay sa kanya pa rin ito nakatingin.
Pero may isang bagay na nagpapalungkot sa kanya. Alam niyang may kulang. Si Sharlene.
"Gusto mo ba si Donny?"
Nagulat siya na sinundan pala siya ni Miles sa kusina.
"What are you saying?"
"Nakita ko kung pano kayo magtitigan. Ganon din sila magtitigan dati."
Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "So?"
"Pano kung bumalik si Sharlene?" Paghahamon nito.
"I get it. Bestfriend ka ng kapatid ko so you're protective. Don't worry babalik naman ako sa mundo ko after kong mahanap si Sharlene. May papakasalan na ako at hindi si Donny yun." She's trying to maintain her composure pero gusto ng bumigay ng mga tuhod niya.
"Ayoko lang na masaktan kayong tatlo sa huli." Yun lang sinabi nito at iniwan na siyang mag-isa sa kusina.
"Kahit anong mangyari naman, masasaktan pa din kami." Wala sa sariling nasambit niya sa kawalan. Napaupo siya sa pinakamalapit na silya at napahawak sa dibdib. Pinakawalan ang kanina pa pinipigilang mga luha.
It took her a few minutes to collect herself. Bumalik na siya sa labas at pinagpatuloy ang pagpapanggap. Kumaway si Maymay at sinenyasan siyang umupo sa mesa nila. Nandoon si Miles, Kathryn, Maymay at Donny. Nag-iinuman ata ang mga ito.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Sister's Keeper
Romance"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang sagot. Sabi nito ay babalikan siya pero nakita niya itong tumatakbo palayo sa kanya. Nang hinabol n...