Pattricia's POV
Its been two weeks ago na nung aksidente kung nakita sa Beach sila nikka,bea at ashley and i don't have any contacts with them. And i was really sad for this. Plano ko ba mapapabalik si Nikka kung wala akong aksyon na gagawin? Hay!! really thinking.
Cho, anu na? wala ka pa bang gagawin?
Plano kung pumunta sa bahay nila eh. Kaso diko alam kung dun pa ba sila nakatira. Sabi ko kay jessy.
Itry mo baka dun pa sila nakatira..
So i decided pumunta ako sa bahay nil Nikka ewan pero kinakabahan talaga ako.
Pinark ko ang kotse ko sa ikatlong bahay bago sakanila para di mahalata or makita kung sa tapat talaga nila ng gate ako hihinto.
Lumabas na ako ng sasakyan at unti-unting nilalakad papunta sa gate nila.
Wala paring nag bago sa kulay ng gate at garahe ng bahay nila ganun parin. So may chance na dito parin sila nakatira?
I should call cho. Sabi ko sa sarili ko.
Patt? Boses babae.
Agad akong napalingon at kinabahan ng makita ko kung sinong tumawag sakin.
T...tita..
Patt?ikaw nga! Kamusta ka na? Tagal mong nawala ah.. Kakaalis lang ni Nikka eh papuntang work, halika pasok ka muna.. alok ng mama nya.
Pumasok kami sa bahay nila at nag flashback sakin yung mga old memories namin sa bahay nato. Wala kasing pinabago.
Kami lang ni Gail ang andito. Wala kasi silang pasok ngayon. Sabi ng mama nya.
Ate pat? Gulat na bungad ni Gail samin.
H..hi!! Nauutal kung bati.
Buti at napadalaw ka. Tagal ka naming hinintay na dumalaw eh. Sabi nito ng naka ngisi.
Sorry kung umalis ako ng walang paalam po sainyo. Sabay yoko ko.
Wala yun.. alam naman namin kung bakit. Sabi ng mama ni Nikka.
Napaangat ako ng ulo ng sinabi yun ng mama nya. So alam nila? Nginitian lang ako ng mama nya at inayang umopo muna at binigyan ng meryenda.
Alam mo Pat nung nawala ka naging malungkot si Nikka lumalabas lang ng kwarto kung kakain pero madalas di kumakain. Sabi ng mama nya nung maubos ko na ang meryenda.
Sorry po tita. Alam ko wala na akong karapatan na magpakita dito kaya lang.
Kaya lang mahal mo parin sya? Singit ni Gail galing kusina.
Napa nga-nga ako. Bat alam nila?
Wag kanang magtaka. Sinabi samin ni Nikka. Sabi ulit ng mama niya.
Sorry po talaga kung sinaktan ko si Nikka.
Alam naman namin na di mo intensyon yun. Iniisip mo lang ang nakakabuti sainyo.
Pero pinalala ko dahil sa pag dedesisyon ko. Ang selfish ko po.
Pwede mo pa naman ligawan si Ate ulit eh. Yun ay kung may pag-asa ka pa. Sabi ni Gail
Yun nga, malabo na.. May girlfriend na sya.
Girlfriend? Takang tanung ng mama niya.
Si Sophie po?
Ah, si Sophie. Okay naman sya malapit na kaibigan ni Nikka. sabi ng mama niya.
Di ba po hmm, s..sila na?
Biglang tumawa si Gail..
Naniwala ka kay ate? Patay na patay parin yun sayo..
Patay na patay.
Short update. Nakasagap kasi ako ng wifi kaya ito kahit papano meron.. ^.^