Nikka's POVAfter ng dinner namin ni Sophie nung isang araw hindi na ako nag paramdam sakanya pati kay Patt. Mas mabuti na muna to para maiwasan kung maipit sa sitwasyon. Sa tuwing pumupunta si Sophie dito sa bahay at niyayaya akong lumabas sinasbi ko lang na busy ako or di maganda ang pakiramdam ko.
Pag si Patt naman ganun din. Pero pag pupunta sya nang bahay di sya agad nakakaalis kasi pinapa stay pa sya ni Gale at maglalaro ng xbox.
Di ko na alam gagawin ko Bea. Sabi ko sakanya habang nilalaro ko yung ballpen sa mga daliri ko.
Hay naku Nikz madali lang ang solusyob nyan. Sabi nya
Anu naman? Tumingin ako sakanya.
Pag isipan mo kung sino talaga mas lamang diyan sa puso mo.
Ayoko....
Ayaw mo? Kasi may masasaktan? O ayaw mo kasi si Patt parin? Sabi nya sakin habang busy sa paglalro sa cellphone nya,
Pareho.. sa isip ko.
Tama ako no? Ayaw mong masaktan si Sophie pero gusto mong makipagbalikan kay Patt?
Di ako umimik. Iba talaga pag totoong kaibigan mo yung kausap mo.
Naguguluhan ako!! Isinubsob ko ang ulo ko sa lamesa ko saka ko ginulo ang buhok ko. Nakakainis naman ang ganitong sitwasyon.
Hahaha alam ko na yang ganyang drama. Nikz kahit sino man piliin mo sakanila susuportahan kita. Sabi ni Bea at tinapik pa ang balikat ko.
---
Alas syete na at uwian na namin sa office sakto namang lumakas ang buhos ng ulan. Tsaka ako nag madaling tumakbo papunta sa parking area. Sa sobrang pag mamadali ko nahulog yung susi sa daan kelangan ko pang kapain kasi medyo madilim sa parte ng lugar na yun.
Ang malas ko naman! Napasigaw kung sabi habang kinakapa sa daan yung susi ng kotse ko. Basa na ako kaya mas binilisan ko pa pag hanap.
Bigla kung naramdamang may lumapit at di ko na naramdaman ang daloy ng ulan sa buong katawan ko sakto ding nakita ko na yung susi.
Salamat..... sabi ko sabay tayo pero di ko inaasahan ang taong yun..
Si Patt....
Bat ka pa lumosong sa ulan? Wala ka bang payong? Basa kana masyado. Sabi niya.
Ba...bat ka andito?
Nag aalala sila Tita kinontak ako puntahan ka kasi malakas daw ang ulan at madaling bumaha sainyo baka daw kahirapan ka pauwi.. Ito suotin mo. Alok niya saking jacket.
Di ka na sana nag abala pa.. sabi ko
Wag ka ng komontra halika na sa kotse ko. Sabi niya sabay lagay sa jacket saking balikat.
Kotse mo? May kotse kaya ako. Pag poprotesta ko.
Bakit? Kakayanin ba yan ng baha? Baka masyado ng mataas.. dala ko Pick-up ko. Sabi niya sabay lakad habang hinahawakan ako sa balikat sinisiguradong di na ako mababasa.
Naamoy ko pabango niya. Di parin sya nagbago ng brand ng perfume. Yun parin hanggang ngayon. Ang totoo walang nagbago sakanya maliban nalang pala sa maiksi nyang buhok, naka reading glassessya ngayon na hanggang ngayon bagay parin sakanya kahit anu mn gamitin nya. Yung din mas lalo syang gumanda dahil na siguro sa mas fit sya ngayon at naging matured manamit.
Wag mo kung masyadong titigan baka matunaw ako wala ng hahawak sa payong. Sabi nya.
Hi...hindi naman kita tintitigan uy. Presko mo.. sa payong ako nakatingin. Kontra ko.