Ginulo mo ang Puso ko.

5.9K 132 34
                                    

Nikka's POV

Be my mine again...

Yan ang huling salitang binitawan ni Patt. Di ko alam kung anung sasabihin. Gusto ko syang yakipin ng mahigpit dahil alam ko sa nagdaang taon di nababawasan kahit kunti ang pagmamahal ko sakanya. Di ko din kayang magalit sa ginawa nya kahit na ipag sigawan ko man sa buong mundo na di ko na sya mahal alam kung pagtatawanan lang ako pabalik.

Nikz. I'm waiting for your answer.. bibigyan mo pa ba ako ng isa pang chance? Sabi ni Patt.

Naguguluhan ako. Mahina kung sabi.

Dahil ba kay Sophie? Tanung nya na may bahid na kalungkotan ang boses.

Oo dahil kay Sophie. Sa isip ko.. oo dahil sakanya, dahil isa sya sa mga taong nagpatibay sakin. Nagbigay ng bagong pananaw sa buhay. Makakaya ko ba syang i reject? Hindi ko kaya dahil di ko kayang mawala sya kahit bilang kaibigan lang din.

Maiintindihan ko.

Kumalas si Patt sa pagkakayakap sakin saka dumeretso sa sink at nilinis ang kamay ng may dugo dahil sa nahiwa ito.

Muli syang humarap sakin at ngumiti. Kahit na kung sa tingin yung ngiti nya ang parang walang nangyari pero di mo maikakaila sa mata nya ang lungkot.

Doon ka muna sa sala samahan mo si Gail manuod. Kaya ko na to.

Patt...

Sige na nik'z kaya ko na to. Malayo naman sa bituka yung sugat ko. Ngumiti sya ulit.

Gusto ko syang yakapin dahil ramdam ko ang lungkot nya alam ko dati Oo gusto ko syang bumalik sa buhay ko kung mag krus na ulit ang landas namin. Kahit na anu man yung explination nya kung bakit sya umalis, kahit anung rason pa yan. Tatanggapin ko sya. Pero.. Dumating si Sophie sa buhay ko at di ko na alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko.

Umalis ako sa kusina at tumabi kay Gail nanununood ng palabas.

Ate dun ka sa kusina. Di bagay sayo tung movie eh!!! Reklamo ni Gail

Kaya naman nya daw. Wag ka nang makulit.

Biglang tumonog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa pocket.

Hey beautiful. ;) i miss you. Btw can I have dinner with you tonight? May sasabihin lang ako. :) Punta ka sa Bar bandang 7pm. See yah! :* -Sophie

Okay, I'll be there.

Luto na yung food Nikz, Gail.. Tara kain tayo. Aya naman ni Patt.

Umopo kaming dalawa ni Gail sa maliit ng Lamesa ni Patt na puno ng Pagkain. Nakadalawang putahi naman sya sa pagluto. Isang Pochero at Sinigang na Hipon. Habang may hiniwang hinog na mangga at watermelon din.

Wow Ate Patt. Andami namang foods baka di namin maubos to. Sabi ni Gail.

Dinamihan ko na lang. Balak ko kasing pabaunan kayo para kay Ante.

Salamat. Sabi ko.

Kumain lang kami habang si Gail naman yung kwento ng kwento. Ramdam ko talaga ang pagka lumgkot ni Patt hanggang ngayon kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya.

Tulungan na kita. Pag volunteer ko para makapaghugas ng plato na kasama sya.

Hindi, wag na.. Bisita kita doon ka nalang sa kusina. Sagot nya habang kinukuha yung plato sa kamay ko.

May napansin akong itim na sulat sa may pulso nya. Parang tattoo pero di ko masyadong makita.

Patt. Tawag ko sakanya.

Hmmm? Sabi niya habang naka talikod.

Pasensya kana kay Gail kung masyadong makulit sating dalawa.

Wala yun. Alam ko naman mula noon makulit na na bata si Gail.

Bigla syang humarap at nagka bungguan kami. Napahawak sya sa bewang ko habang kitang kita sa mukha nya na nagulat sya sa pangyayari.

Sorry.. awtomatiko nyang sabi. Di ko naman alam na ganyan ka kalapit. Paliwanag nya..

A...ayos lang... Nauutal kung sabi.

Nagka titigan lang kami sa ganung posisyon.

Patt. Pabulong kung sabi.

Humogot sya ng malalim na hininga saka nya ako binitawan.

Why i can't have you that easy again? Pabulong nyang sabi. I love you nikka i still do.

I'm sorry. Wala akong ibang masabi kundi yun lang.

Okay lang, kasalanan ko naman. Kasalan ko kung bakit ang duwag ko, kung bakit kita iniwan ng ganun ganun lang..

Di yun ganun lang Patt. Naiintindihan kita.

Kahit na nik, dapat di ganun lang. Naiiyak na nyang sabi.

Niyakap ko sya sa likuran.

I'm really sorry Patt. Nalilito ako ngayon. Mangiyak ko na ding sabi.

Humarap sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Ako dapat ang mag Sorry sayo..

------

Ready kana? Sabi ni Sophie ng makalabas na ako sa gate ng bahay namin.

Yup. Ngumiti ako.

Ayoko sanang makigpagkita sakanya dahil sa nangyari samin ni Patt kanina. Pero naka Oo na ako kaya hahayaan ko nalang.

Tahimik ka ata? May masakit sayo? Tanung ni Sophie habang nag dadrive sya papunta sa bar niya.

Wala, may iniisip lang ako.

Sana naman di ako abala? I just want to have time with you. Di na kaya tayo nagkita after nung vacation natin dahil sa pagka busy ko ngayon. Masigla nyang sabi. Babawi lang ako sa Prensesa ko.

Baliw ka talaga. Prensesa ka diyan. Inirapan ko sya.

Ayun oh! Nag tataray na naman ang Mahal ko. Patawa nyang sabi.

Ngumiti lang ako sakanya.

Pili ka lang kung anu gusto mong kainin diyan sa menu. I just have to take this call muna.. Be back  agad. Sabi ni Sophie at hinalikan ako sa forehead sabay labas sa VIP room ng Bar nya.

Hay anu batong buhay nato!! Bakit ba ang gulo-gulo na.. May Pattricia na may Sophie pa! Dyosko tulungan mo kung makawala sa problemang ito. Ang hirap naman eh!!

Napa sub-sub nalang ako sa lamesa sa kakaisip. Pano bang hindi ako mamomroblema eh okay kami no Sophie. May bumalik naman. Okay na sana eh! Okay na okay! Kaya lang may bumalik. Kaya lang naguguluhan na naman ang puso ko!

Biglang nag ring ang phone ko at number lang ang naka flash sa screen. Di ko sinagot kasi di ko habit ang mag take ng call pag number lang.

Makapili na nga muna ng makakain.

Tumunog ulit ang phone ko may isang text galing sa number na tumawag.

Nikz, can i have a time with you tommorow night?
-Pattricia

Dyosko!! Panu na ba ito??


-----

Pabitin mode.. hahahaha sa susunod na chapter naman. San kayo? SOPHIE o PATTRICIA? Hehehe salamat po sa pagbasa ng story ko at sa pagbuto,comment at yung iba na nag mmessage na nagsasabing maganda ang story ko. Salamat sainyo kahit na sobrang  bagal po ng update.. ^______^

Uhmmmm, may reader ba na taga davao?panabo? Or tagum? I have a friend who is looking for someone daw na Femme or Bi? Age 22-28 Textmate kung pwede. Hehe kung interesado ka man at single pm mo ko at ibibigay ko number nya.. ;)

The Drunkin Kiss (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon