Chapter 1

157 11 3
                                    

"Hoy Margarita bumangon ka na! Samahan mo ko sa at mag grocery tayo!"

Umagang umaga wangwang agad ng bibig ni Mama ang naririnig ko. Agad kong tinignan ang oras sa cellphone ko. At binaba ko rin ito dahil napaka aga pa para mag grocery!

"Ma! Alas-siete palang ng umaga! Hindi pa bukas ang mga tindahan sa bayan!"

"Kahit na bumaba ka na rito at mag almusal ka na!"

Agad na rin akong bumangon dahil naputol na amg tulog ko at hindi ko na magawang antukin pa ulit.
Hays kailan kaya magiging sapat ang tulog ko.

Bumaba na ako sa sala at umupo na sa lamesa. Tumabi ako kay Mama, at kaharap ko naman ang impakto kong kapatid, si Marlon.

"Margarita, saan ka galing kagabi? napapadalas yata pag uuwi mo ng hating gabi."

Bunso kong kapatid si Marlon. Actually hindi, maniniwala ba kayong kambal kami? pero nauna lang akong ilabas kaya bunso ko parin s'yang kapatid at ako ang ate nya. Pero kung kausapin ako ni gago parang sya pa ang kuya!

"Ano naman sayo Marlon, trabaho ang nilakad ko."

Inirapan lang ako ni Marlon at nagpatuloy sya sa pagkain. Habang si Mama naman ay nasa banyo at jumejebs marami rami ata ang nalafang sa handaan kagabi.

Kumuha narin ako ng plato at maghahandang kumain na ng biglang may sabihin sa Marlon sa akin.

"Sana lang hindi ka na nagpupunta sa lugar na yon Maggie, dalawang taon na ang nakalipas. Kalimutan mo na sya."

Napatigil ako sa ginagaw ako at agad akong tumingin sa kanya. Damn, tangina mo Marlon bakit kailangan mo pa banggitin yon.

"Hindi ako doon galing, pagod na ako sa paghihintay."

"Sana nga hindi ka talaga doon galing, Maggie."

Tumayo na si Marlon at iniwan ang natira nyang pagkain at agad na umalis ng bahay.

Napatingin naman ako sa kawalan dahil sa sinabi nya, Hindi ba dapat na ako huminto? Sumuko? Kasi matagal na akong talo. Ako lang itong umaasa pa hanggang ngayon. Tama na Margarita.

Nawalan na ako ng gana sa pagkain sa mga narinig ko. Nasaktan ako pero alam kong iyon ang totoo. Iyon ang katotohanan na hindi ko na mababago.

Tumayo ako sa hapagkainan kahit na hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Umakyat ako agad ng kwarto, gusto kong umiyak, gusto kong manakit, gusto kong sumigaw pero natatakot ako.

If only I had an idea na iiwan mo parin pala ako, sana hindi nalang kita minahal, sana hindi ko nalang binigay sayo ang lahat haliparot kang gago ka.

Yung lungkot ko kanina napalitan ng galit sa gago na yon. Margarita, it's not worth it. Hindi worth ng mga luha mo ang lalaking yon.

Habang nakatitig ako sa kawalan at nakahiga sa kama ko, biglang nag text si Marlon.

"Susunduin kita mamaya sa trabaho mo. Kain tayo sa labas, Ate."

Wow? tinawag akong ate? Himala ata.

Naghahanda narin naman ako para pumasok sa trabaho ko. at isang kembot lang naman ang kompanyang pinapasukan ko. Hindi ako nag-aalalang malate sa trabaho ko.

Nagbihis ako ng damit ang opisina syempre, blouse na white at palda, diba parang thesis defense lang, char!

Naglakad na ako palabas ng bahay at nagpaalam kay Mama. Isinuot ko ang earphones ko at nakinig sa K-Pop music, actually hindi ko talaga gusto to noon. He made me listen to this kind of genre, hanggang sa natutunan ko na rin mahalin. Pero yung taong 'yon, wala na sa piling ko. Napangiti nalang ako sa sakit ng nararamdaman ko. Sa kahit anong pakinggan kong kanta basta K-Pop naaalala ko yung koreanong hilaw na yon, kahit ata What is Love? ng TWICE yawa na yan. I wanna know satangcheoreom dalkomhadaneunde!

Nahilig din ako sa K-Drama dahil rin sa kanya. Ewan ko ba mas kinikilig kase ako sa K-Drama kaya hanggang ngayon mas prefer ko yon. Iniisip ko lagi paano kung nasa K-Drama kami, ako yung bidang babae at sya naman yung bidang lalaki. Gaga ka talaga Margarita, imagine famor?!

Papasok na ako sa building ng kompanya namin ng bigla akong nakabangga ng isang matipunong lalaku at nalaglag ang mga gamit ko. Char! Nasa K-Drama ka ghorl?! Sa totoo lang parang nasa K-Drama na talaga ang buhay ko noon dahil koreano ang dati kong jowa, half korean at half pinoy. Kaya lang iniwan na ako nung gago na yon dahil babalik ma raw sya sa Korea, hayop ka mamatay ka na sana.

Pumasok na ako sa loob ng opisina namin dahil sa tagal kong nag iisip ng kung ano ano, nakarating na ako sa table ko.

Paglapag ko ng mga gamit ko, may napansin akong isang bouquet ng mga bulaklak, tinignan ko ang card nito upang malaman ko kung saan at kanino ito galing.

"Good Morning Mags! Smile ka lang buong araw ha. Saranghae!           - Lance ♡"

Lance? Kay Lance ito galing? ano kaya nakain nya.

Agad kong binuksan ang messages ko at minessage ko agad si Lance para magpasalamat sa mga bulaklak.

"Hoy, Lance! salamat sa bulaklak, haha. Hindi naman kailangan eh wag mo sayangin ang pera mo!"

Agad agad namang nag reply si Lance

"Okay lang 'yun. Ang pera naiipon, pero ang ngiti mo contagious. Pag ngumingiti ka lahat ng tao sa paligid mo napapangiti mo rin, kaya sana nagustuhan mo! See you later!"

Kita nyo ba 'yon?? Hindi nyo kaya!!! Char. Sa totoo lang halos araw araw na akong dinadalhan ng mga bulaklak nitong si Lance, pa fall ka ghorl.

Nagsimula na akong magtrabaho. Isa akong marketing officer dito sa isang korean company na naka base dito sa Pilipinas. Hindi naman ako kinain ng sistema diba?

"Hoy bakla! Kumusta ka na bakit di ka pumasok kahapon!" sambit ng tao sa likuran ko. Liningon ko ito at iyon pala si Irene lang ito.

"Masama ang pakiramdam ko kahapon, nagpaalam ako kay Sir ano!" Hindi na ito sumagot at inusisa nito amg bulaklak na nakapatong sa lamensa ko.

"Kay Lance galing? bakla ka ha, may something ba kayo non?" pang-aasar nya, eh ano naman sayo kung meron nga? Char.

"Wala gaga, bigay lang nya yan." tugon ko sa kanya habang nag aayos ako ng mga folder sa table ko.

"Alam mo, bakit hindi nalang si Lance? Mabait, gwapo, mayaman. Halos perfect na nga s'ya eh." dagdag ni Irene na nakapagpatigil sa tibok ng puso ko.

"Bakit nga ba hindi Irene? Saka hindi pa ako handa para sa bagong mananakit nanaman saakin. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Saka sa sobrang gwapo nyan, malabong wala kong makaagaw jan kay Lance, kaya mas okay na friends nalang muna." pabiro kong tugon kay Irene, iniwas ko agad ang tingin ko kay Irene dahil ayoko munang pag usapan ang ano man na tungkol sa pagmamahal.

Umalis ang gaga sa table ko at umalis na papuntang department nya, hindi nya kinaya ang litanya ko.

Tinapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit sa table ko dahil puro na ito tambak na trabaho sa dami ng proposals ng marketing department, tinatamad ako, reject ko kaya to lahat? Char!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon