Chapter 28

20 1 0
                                    

Marga's POV

It's the day of our pictorial para sa bagong product ng company. May inasikaso si Zander kaya he sent a car para sunduin ako sa buhay papunta sa site. Kaya lang napakatagal na atang wala si Zander. He said he'll be here in 30 minutes pero mag da-dalawang oras na at hindi parin s'ya dumadating, I can't even reach his phone. Kinakabahan ako.

Nagsusukat ako ng mga dress na gagamitin ko sa shoot. Ibang dress kada product kaya sobrang hassle, ngayon pa nga lang nagsusukat ako nahihirapan na ako. Baka ma-haggard ako n'yan mamaya.

Nagsimula na akong lagyan ng make up ng mga make up artist dito sa loob ng tent dahil sa labas kami mag sho-shoot.

We're about to start at nasa pwesto ko na ako ng biglang dumating si Zander na naka business attire habang nasa ilalim kami ng tirik na tirik na araw.

"Wow." he said. His eyes balled out sa paghanga sa kagandahan ko.

"I know." pagmamaganda ko.

"Where's the photographer? Bakit hindi pa nagsisimula?" he said. Nagtinginan naman ang mga tao sa labas at parang nagaatubili pang sumagot.

"Sir, hindi parin po sumasagot yung kinausap namin na photographer." na-uutal na sabi ng isa sa mga staff n'ya. Nakita ko ang inis sa mukha ni Zander at kinuha n'ya ang hawak na payong ng isa sa mga staff. Inakala kong ihahampas n'ya ito sa kanila pero agad itong lumakad sa direksyon ko at sinilong ang payong sa akin at dinala ako sa malilim na lugar.

"What?! Hindi pa pala sumasagot yung photographer pero bakit pina-puwesto n'yo na si Marga?! Hindi ba kayo nag-iisip?! Paano kung mang mangyaring masama sa kanya?!" galit na turan ni Zander, hinihimas ko ang likod n'ya para pakalmahin s'ya.

"Sorry sir." turan ng isa sa mga staff. Hindi ito pinansin ni Zander at dumiretso ito sa loob ng tent. Hinihingal si Zander dahil sa init kaya pinahubad ko muna sa kanya ang suot n'yang coat at binigyan ko s'ya ng tubig.

"Okay ka lang?" pagtatanong ko.

"Oo, naginit lang ang ulo ko. Sorry."

"Halata nga, huwag ka sa akin humingi ng sorry Zander, doon sa staff." umiiling si Zander habang hinihimas ko ang likod n'ya.

"I will. Nainis lang ako kasi nakita kitang nasa initan wala pa pala ang photographer, saka rush na kasi 'to at kailangan na natin 'to i-submit para umabot tayo sa deadline ni Lolo." pagpapaliwanag nito.

Tumayo ako at saka ako pumunta sa harapan n'ya.

"Bakit hindi nalang ikaw?" kumunot naman ang noo ni Zander sa narinig n'ya.

"Ikaw nalang Zander. Sanayin mo ulit ang photography skills mo, kuhunan mo ako." nagaalangan pa si Zander na sumagot at tignan ako sa mata.

"Marga, I'm sorry but I don't have time to practice my skills here. We can do that but not this time. Kailangan na 'to eh."

Hinawakan ko ang kamay ni Zander at inilapat ko ito sa balikat ko. "You can do it, I believe in you." sabi ko. Sinabi ko ang exact words na sinabi sa akin ni Zander noon. Ngumiti naman s'ya at hinalikan ako sa noo. Parehas kaming tumayo at lumakad palabas ng tent.

"Paki-set na yung camera na gagamitin. Mag shoot na tayo!" turan nito habang lumalakad kami palabas ng tent. Naghadali naman ang staffs para ayusin ang mga stand by cameras namin. Agad naman din akong pinuntanan ng mga make up artists para i-retouch ang hulasan kong make-up.

Cameras are ready. Nasa harapan narin si Zander at kinakalikot ang camera. We're ready to start anytime.

Pagkatapos kalikutin ni Zander ang camera n'ya. Sumenyas naman s'ya para sabihin na okay na. Kaya umayos na rin ako at nagmaganda sa camera.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon