Chapter 19

13 1 0
                                    

Marga's POV

Buong araw ako nakatulog sa kakaiyak, grabe ang mga nangyari ngayong araw, hindi ko naman aakalaing magkikita kame ni Zander ngayong araw din.

Tinignan ko ang phone at halos 11:00 PM na. Hindi na ako makakatulog nito ngayong madaling araw.

Isinandal ko nalamang ang ulo ko sa headboard ng kama dahil hindi rin naman ako makatulog.

Naktulala lang ako sa labas dahil blanko ang utak ko. Lahat ng emosyon ko tila ba naubos sa sagutan namin kaninang umaga.

Zander seemed like hes not expecting me to see sa kompanya nya. I don't know if he had an idea na sa iisang building lang kami buong linggo na nandito s'ya. Or he just found out kanina. He's so startled na makita ako. He can't even speak properly. His face is flushed dahil sa sobrang puti nya.

I want to ask so many things to him, but I did end up being angry at him. Naawa rin ako sa kalagayan ni Zander dahil hindi ko s'ya napagbigyan na magpaliwanag. I know how good Zander is, what ever he say is just the truth but only the truth.

After what happened, I don't know if I still have the face para harapin s'ya pati ang mga nagpapatakbo sa kompanya. I caused a scene there!

But I still wonder how Zander is doing now. He's sensitive as a person pero hindi nya pinapakita. He pretends to be strong and cold outside pero inside he's very loving sa mga taong mahal n'ya. He will literally risk his life kung kailangan.

But seeing Zander, first time kong nakita na ipinakita n'ya ang vulnerable side n'ya.

Tumunog ang phone ko at text ito galing kay Irene.

"Okay ka na baks?" she said. Tinignan ko rin ang iba kong messages at nagtataka ako na hindi ako tinetext ni Lance, siguro hindi pa n'ya alam.

Imbis na mag-reply akonat tumawag nalang ako kay Irene para madali kaming makapag-usap.

Sasandali lamang nag ring ang phone nya at agad naman n'ya itong sinagot, tinanong ako ni gaga kung okay lang daw ako, so ang sabi ko okay, dahil okay lang naman talaga ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitanong ko na kung ano ang nangyari kay Lance.

"Hindi ko alam bes, pero sabi ng mga tsismosa nating kapitbahay galing sa ibang department, iyak daw ng iyak si Zander. Sinuntok pa nga daw ni Zander yung glass table, imagine ang kapal ng salamin na 'yon at nagawa nyang basagin. Wala rin nagtangka na awatin si Zander dahil iyak daw ito ng iyak ako buti nalang dumating daw si Isaac at inuwi si Zander sa condo. Ang nakita ko nalang ay inilalabas na ni Isaac si Zander pero wala syang malay. Grabe baks ano ba kasi ang nangyari?" I teared up as soon as I heard that. It's the first time Zander did that sa sarili n'ya. To be honest seeing him cry already breaks my heart. Ayokong nawawala ang mga ngiti sa mga mukha n'ya.

"Nagkaharap kasi kami kanina, hindi ko rin napigilan ang sarili ko, puro masasakit na salita ang nasabi ko. Hindi n'ya nagawang mag paliwanag dahil nagmatigas pa ako." pagpapaliwanag ko. Hindi nagsasalita si Irene dahil alam n'ya ang bawat tumatakbo sa isip ko. Alam n'ya kung gaano ka-importante na ipaliwanag ni Zander ang nangyari pero naging bingi ako sa mga tinig ni Zander.

"Baks, hindi ko alam ang sasabihin ko. Wag ka mag-alala, hahanap ako ng way para magka-usap kayo. Kakausapin ko si isaac. Sige na baks, magpahinga ka na." sabay pinatay ni Irene ang tawag. Tumulo na rin ang luha ko. Hindi ko kayang nahihirapan si Zander, hindi baling ako wag lang si Zander. Marami na masyadong pinagdaanan si Zander para maranasan pa n'ya ulit 'to.

Lumabas ako para magpahangin, ginaangan ko na lang ang mga pagyabag ko para hindi ako marinig nila Marlon at Mama.

Inininot-inot kong hakbangin ang hagdana pababa para makalabas, dahan dahan ko ring tinatanggal ang kandado ng pinto at ng gate. Kinuha ko rin ang bag ko sa sala dahil baka sakaling kailanganin ko ito.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon