Chapter 24

20 1 0
                                    

Marga's POV.

I'm in Zander's car right now. Pero the whole time na nasa byahe kame ay para bang tahimik s'ya. I'm wearing my earphones pero hindi ako nagpapatugtog, tinitignan ko lang kung may gustong sabihin si Zander pero he seems so silent.

Hindi naman bakas sa mukha n'ya na may problema s'ya, pero ano bang alam 'ko? Hindi madaling basahin ang mga emosyon ng lalaki.

"Bakit ang tahimik mo? Hindi ako sanay." pagbulyaw ko. Tinignan naman ako ni Zander na para bang takang taka sa mga inaasal ko.

"Huh? Me? Wala." pag-iwas nito ng tingin. Sinungaling amp.

"Ano nga? susuntukin kita!" pag-akma ko kay Zander, agad namang sinalag ni Zander ang kamay ko gamit ang braso n'ya.

"Susuntukin agad? Mamaya ko i-explain pag-balik ko sa building." habang iniikot na ni Zander ang sasakyan dahil nasa parking lot na kami.

"I will drop you off here. May pupuntahan lang ako." pagtitig nito sa mga mata 'ko.

"Sino? Babae mo?" habang nakataas ang kilay ko sa kanya.

"What? Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Kung magkakaroon man, baby girl natin 'yon." paglalambing ni Zander habang idinidikit ang ilong n'ya sa pisngi ko.

"Sabihin mo na sa akin kung saan ka pupunta Zander para matahimik na ako." pagmamakaawa ko. Hindi ko maatim na paalisin 'tong lalaki na 'to ng hindi ko alam kung saan s'ya pupunta.

Huminga ng malalim si Zander at para bang nag-aatubili pang sabihin ang totoo sa akin.

"Ang totoo kasi n'yan, Bibisita ako sa Dr. namin. I'm kinda nervous about my health. Madalas ako hingalin at magkaroon ng random muscle pain kaya magpapa-check up ako." habang hinihimas nito ang dibdib n'ya.

"Edi tara na, sasamahan kita." habang ikinakabit ko ulit ang seatbelt ko.

"Baka ma-late ka sa trabaho mo?"

"Bakit, sweldo mo ba ang mababawasan?" pag-tataray ko. Inilayo naman nito ang mukha ko sa pisngi ko at ngumiti ng para bang manyak!

"Have you forgotten? CEO ang boyfriend mo." pagmamayabang nito.

"Excuse me? Sinagot na ba kita?" sagot ko habang nabura naman sa mukha n'ya ang kayabangan at napalitan ng inis.

It was just a ten minute drive papunta sa hospital na pupuntuhan namin ni Zander, he is still silent the whole time na nasa byahe kame, pero this time hindi ko na s'ya ginambala at tumahimik nalang din ako, hindi lang siguro ako sanay na hindi maingay si Zander tuwing magkasama kami. He must be exhausted sa dami ng trabaho at pressure sa kompanya. Imagine handling a prestigious company at a young age, he's still young to do this kind of things but I know he can do it.

Hinawakan ko nalang ang mga hita nito para kahit papaano ay dama ko ang presence n'ya. Oops, hita lang hindi yung nasa taas non!

We arrived at the hospital at bakas sa mukha ni Zander ang pagiging kabado. Sabagay sa apat na taon namin na magkasama ay hindi ko nakita si Zander na pumunta sa hospital, palaging ako dahil napaka sakitin ni Marlon noon.

He asked me to hold his hand so I did. Pumasok na kami sa ospital at nakakagulat na pinagtitinginan si Zander sa loob. Para bang si Zander ang may-ari nitong hospital. Walang ano-ano ay dumiretso si Zander sa isang elevator at lahat ng nurse ay nakatingin sa amin.

"Bakit ka pinagtitinginan ng mga 'yon?" saad ko.

"Hindi obvious?" sabay lingon nito sa akin at hinimas ang mukha n'ya. I rolled my eyes at him.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon