Chapter 22

26 1 0
                                    


Zander's POV

I stayed at Marga's place for two days, naging alagain pa ako. Pero I'm not complaining tho. Sobrang na-miss ko kapag inaalagaan ako ni Marga kapag masama ang pakiramdam ko.

Sabay din kaming pumasok kanina sa trabaho and I'm so happy that we're back to normal. Sabi ko rin kay Marga na liligawan ko ulit s'ya at hindi ako nagmamadali dahil handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. She's worth the wait, kahit ilang dekada pabakong manligaw I will still wait.

The past weeks are so tough for the both of us pero binawi lahat 'yon ng dalawang araw. Pero, I don't know, ever since that day nagsisimula na sumakit palagi ang dibdib ko. Pero siguro dala lang din ng excitement at kilig, dahil giliw na giliw ako tuwing nandito si Marga sa tabi ko.

Madalas din sumakit ang katawan ko lalo na ang mga braso at balikat ko, pero sabi ni Marga baka daw sa excessive workouts na ginagawa ko kaya ganon. Madalas na rin akong hingalin kahit na naglalakad lang ako. madalas mahilo at walang gana. Hays, I shouls consult a doctor na.

I called Marga on the phone dahil wala akong magawa. I'm used being asleep beside her kahit na dalawang araw palang 'yon. Saglit lang tumunog ang phone n'ya at sinagot na din ang tawag ko, I bet she's waiting for my call.

"Bilis sumagot ah, are you waiting for my call?" pabiro kong saad.

"Luh, ang feeling mo din eh no? May inaayos lang ako sa phone at bigla kang tumawag kaya nasagot ko agad tawag mo." pag depensa nito sa kabilang linya. Tumawa lang ako dahil alam kong nagsisinungaling lang s'ya. She's really waiting for my call.

"Hindi ka pa ba matutulog? I will pick you up bukas." I said.

"Kahit wag na, mauna ka na doon." aish, ang tigas ng ulo.

"Diba we've already talked about this kanina. Tigas ulo mo, pag ikaw hinalikan ko makikita mo." pangiinis ko.

Nagkulitan kami ng mga dalawang oras bago ko patayin ang tawag dahil ayokong mapuyat si Marga, I want her to rest enough para mapuno ulit s'ya ng energy bukas. Si Isaac din naman tulog na kaya wala akong magambala ngayong gabi.

I remember, Isaac is about to call a group of private investigators dahil lang sa nawala ako ng dalawang araw, mabuti at nakatawag agad ako sa kanya or else baka pati si Lolo nalaman pa at pabalikin ako sa Korea.

I stalked Marga's social media account, and she already confirmed me nung isang araw pa. I didn't tell her so, nagulat lang din ako na naka confirm na pala.

Her picture with Lance is now deleted. I even checked on Lance's account pero wala na talaga. Buti naman kung ganon. Medyo na-konsensya ako sa mga ginawa ko kay Lance dahil wala naman pala talaga silang relasyon ni Marga, malisyoso lang ako. Si Irene pala ang may gusto kay Lance, pero is Lance to dumb to know? How he is not getting the clues kung showy naman pala si Irene, hays. I feel bad for my Ate, din.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit matulog. Sa ngayon mas nakakapag-pahinga na ako, mas maluwag na ang utak ko. I will also consult a doctor after kong ihatid si Marga sa kompanya.

For now, I will just rest and get ready for what's ahead.

***

Nagpa-cute ako para i-kwento na n'ya sa akin kung sino si Lance, ngayon na nalaman ko na wala naman talaga silang relasyon.

"Okay fine, pero makikinig ka lang ha, at behave." tumango naman ako at ipinatong ang ulo ko sa dalawang hita n'ya.

"Ganito kasi 'yan. Matagal na nagtatrabaho si Lance doon. Hindi naman sa matagal pero nauna s'ya kaysa sa amin ni Irene. Tapos nung mag-aapply na kami sa kompanya mo, tapos na pala ang hiring n'on. Edi kami naman ni Irene nagmakaawa kami kay Lance na tanggapin kami, gumawa pa kami ng fake scenarios, kesyo kako may sakit si Marlon at nasa ospital at kailangang ma-operahan." tumawa naman ako sa kwento ni Marga, if I only knew hindi n'ya kailangan mag-hirap para humanap ng trabaho, dahil ako ang ta-trabaho sa kanya, hehe.

"Tapos edi ayon nga, Ginawan ni Lance ng paraan at within that day din. natanggap kami. Napunta kami sa marketing department pero dahil hindi namin masikmura ang tao doon sa department na 'yon. Nakiusap kami na ilapit kami sa accounting department kung saan head si Lance, at nagawan parin n'ya ng paraan, nag extra rin ako sa design n'on." yun lang ginawa n'ya para sa kanya hangang hanga naman 'to. Kaya ko ibigay lahat ng laman loob ko kay Marga kung kinakailangan, I bet di kaya nung Lance ugok 'yon.

"Doon palang nagsisimula ang storya ni Lance, at kung iku-kwento ko lahat lahat baka abutin tayo ng halos isang linggo dito. Kaya matulog ka na." tugon nito. Inangat ko naman ang ulo ko at umupo sa kama.

"Sino mas good boy sa amin?" tanong ko, bigla naman naasiwa ang mukha ni Marga sa inasta ko. Alam ko naman na ako ang isasagot n'ya. I just want to make sure.

"S'ya." nagpintig ang tenga ko sa sagot ni Marga. Agad ko s'yang nilingon at hinila papalapit sa akin.

"Sino nga ulit?" pag-ulit ko sa tanong ko.

"Hindi ka na good boy Zander, naughty ka na eh! Tigilan mo nga ako." pagkalas nito sa hawak ko at sabay sabunot sa buhok ko.

In the midst of our conversation, I asked her kung pwede ba akong manligaw ulit. Hindi ko na pwedeng palipasin nanaman ang panahon so I asked her right away.

Natahimik naman si Marga sa sinabi ko. She's looking into my eyes but she's not uttering a single word.

"If bibigyan ba kita ng second chance will it be worth it?" she frankly asked.

"Kung ano man ang ginawa ko in the past, I promise not to do it again. I will make it worth it this time. Please just give me another chance." saad ko pero bigla lang ito ngumisi. Why?

"Bakit kung makapag-salita ka naman parang ginawan mo ako ng masama. Zander you've always been a good partner to me, hindi ako nakaramdam ng kapabayaan galing sayo. And I'm very lucky na ikaw ang lalaking nakilala ko. It's just hindi pa natin oras nung mga panahon na iyon. And if you are asking a chance, oo naman. Oo bigyan ng isa pang pagkakataon, pero please bigyan mo din ako ulit ng chance na mas kilalanin ka pa." she said and smiled. Bumilis ang tibok ng mga puso ko sa mga narinig ko. I'm glad she doesn't hold any grudges at me anymore. I'm very lucky to have her in my life.

I hugged her tight and she hugged me back as well, sobrang saya ko lang. I'm with the girl I loved the rest of my life, I promise not to hurt her again or else hindi ko na napapatawad ang sarili ko.

Napakaganda ng gabi na ito para sa akin. This night will never be forgotten.

I love you so much Maria Margarita Rosales. And I will love you the rest of my life.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon