Chapter 25

11 1 0
                                    


Marga's POV

Hindi kami gaano nakapag-kita ni Zander sa kompnaya dahil sa dami ng ginagawa, balita ko ay rush na ang bagong project nila kaya naiintindihan ko. He just sent some foods para sa department with pa harana pa. Tarantado talaga 'to si Zander.

Hinatid n'ya ako pauwi and as we've talked about kanina sa amin s'ya mag di-dinner. Kaya he stopped by the house at sumalo sa amin sa hapag kainan.

I can feel the tiredness in his eyes kaya pagkatapos n'ya kumain ay agad ko na itong pinauwi para makapag-pahinga ng maaga. Sinabihan ko s'yang na sabay kaming matulog ng maaga.

It's early in the morning and I'm just waiting for him to come, suot ko ang bracelet na binigay n'ya sa akin noon at ang breakfast naming dalawa.

Sandali lamang ay may busina na sa harap ng bahay at si Zander na iyon.

Binuksan ni Zander ang pinto at nakatayo s'ya sa harapan ng gate, nakangiti at hinihintay akong lumabas. Kada araw na ginagawa namin 'to, hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin ko.

Lumabas na ako sa gate at pumasok na sa kotse n'ya. Hindi ko muna pinag-drive si Zander dahil ipapakain ko sa kanya ang dala kong almusal.

Sinangag na may itlog at gulay ang dala ko para sa kanya.

"Kumain ka muna bago tayo umalis. Hindi naman tayo male-late." inilahad ko sa kanya ang lunchbox na may lamang pagkain.

"Did you prepare this? Wow, thank you so so so much Marga." agad naman s'yang sumubo at hindi ko na mapigilan. Natatawa akong panoorin s'ya dahil parang ilang linggo s'yang hindi kumain sa inaasal n'ya.

"Zander, dahan dahan lang. Mayroon pa sa loob." saad ko pero hindi ako pinakinggan ni Zander at ipinagpatuloy lang n'ya ang pagkain. Inaalok n'ya ako pero tumanggi ako dahil mukhang sa kanya palang ay kulang na 'tong mga dala ko.

Tinapos n'ya ang pagkain n'ya sa isang saglit lang. Iniligpit n'ya din ito. Natutuwa akong panoorin si Zander sa ginagawa n'ya. He really portrays a good husband energy. Pag ito nag propose sa akin eh hihilahin ko 'to agad sa simbahan.

Nahuli naman ako ni Zander na nakatitig sa kanya, bakit ba lagi akong caught in act sa pagtitig dito?!

"Bakit? May dumi?" tanong nito.

Wala Zander, kagwapuhan lang ang nasa mukha mo.

Nag-drive naman na s'ya. Madilim ang langit kahit na maaga pa, at parang any moment ay uulan na. Gustong gusto ni Zander ang gantong panahon.

"Aish, parang uulan pa ata. Wala pa naman akong dalang payong." parang naiinis nitong sabi.

"Hindi ba gusto mo ang ganitong mga panahon?"

He chuckled and said. "Naaalala mo pa 'yon?"

"Oo naman, Wala akong hindi alam sayo Ace Zander ano!"

"Well, I'm kinda hating rainy days now. Sinisira n'ya ang mga moment na pwede tayong maging magkasama." seryoso nitong sagot.

"Ang OA mo Zander, we can still have our time kahit na rainy days. Ano ka ba? Mamamatay ka na ba at ganyan ka mag-isip." ngumisi lang ito.

"What if I die Marga? anong gagawin mo?" seryoso nitong saad. Binatukan ko naman si Zander sa mga sinasaad n'ya.

"Ano ka ba Zander? Nakakainis ka!" tumawa naman ito sa kagaguhan n'ya. Hindi ako natutuwa sayo putangina mo.

He pulled me close to him and kissed my forehead.

"Ikaw ang araw sa tag-ulan, at sa maulap kong umaga." he said.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon