Chapter 5

30 2 0
                                    

"Bakit dito ka gustong pag-aralin ng Lolo mo?" tanong ko sa kanya.

"I don't know. But one thing I'm sure about is he misses my grandmother. That's why after she died we went back here to the Philippines to mourn on her." sagot nito.

"I'm sorry to hear that ha." humingi ako ng tawad kay Zander dahil bakas sa mukha nya na nalulungkot sya kapag napaguusapan ang pamilya nya.

"No it's okay. That was long time ago." he smiled. tumugon nalang din ako ng ngiti sa kanya dahil wala na akong masabi. Naghanap ako ng bench dahil pagod na pagod ako kakalakad at sa dami ng chika ni Chanyeol.

"Alam mo, Lola ko ang nag-alaga sakin nung bata pa kami ni Marlon, kapatid ko. Nasa abroad kasi si Mama dati, doon sya nagtrabaho gawa ng hirap ng buhay, iniwan na din kasi kami ng Tatay kong kumag. Walanghiya na yon."

"You know, I also wish I had time with my grandmother." tugon nito habang nakatitig sa langit.

"Why?" sagot ko at tumingin din ako sa langit para matchy matchy.

"Nothing." sabay ngiti nito habang nangigilid na ang mga luha.

"I'm sorry kung nausisa pa kita. Sorry talaga." sabay pa-cute para mapatawad agad ako. Natawa naman ang mokong.

"So where do you want to eat? My treat." bigla nitong sabi, nagpintig naman ang tenga ko sa katagang "my treat" sarap sa ears bhe!

Ngumiti naman ito sabay tayo at inabot ang kamay nito sa akin, pereng tenge. Dahil maharot ako inabot ko na ang kamay nya at lumakad na kami papunta sa parking lot. Habang naglalakad kami at papunta sa parking lot. May kinukuha ito sa kanyang bulsa. Susi ng kotse? WOW.

"Sayo 'to?" tanong ko.

"Yup, why?" sabay pindot nito sa susi nito. Lumakad naman nito papunta sa direksyon ko upang buksan ang pintuan ng front seat. Sumakay ako at nag observe sa loob. Napaka classy naman ng lalaki na ito. Purong itim lang ang makikita mo sa loob.

Pinahururot nito ang kotse nito palabas ng school. Grabe naman mag drive 'to! kaskasero!

"Hoy! Magdahan dahan ka nga! Ayoko pa mamatay huy!"

"Trust me on this. I used to be racecar driver before."

"Pwes hindi race track ang kalsada na 'to ano!"

"Okay fine, I'll slow down." Binagalan naman nito ang pagpapatakbo. Akala ko dito pa ako mamamatay sa kalsada kasama tong si pogi na 'to. Sabagay pwede na ako mamatay, may kasama na akong koreano eh! Dream come true mga mare! Charot!

"So you know a place where we can eat. Im tired of eating at restaurants. I want something new."

Something new ba kamo? Saan mo naman 'to dadalhin. Alam ko na! Sa bangketa.

"I know a place. Lumiko ka na!" ginawa nya ang sinabi nya at huminto kami sa tapat ng elementary school dito. Nakahilera kasi ang mga street foods dito.

Tinanaw nya ang paligi at parang naguguluhan.

"Where are we gonna eat here?" Sabay labas nito at binuksan ang pinto ng kotse para saakin.

"Here! Right here! Diba sabi mo you want something new. I bet hindi ka pa nakakakain dito kasi sa restaurants ka kamo kumakain lagi, kaya dito ang naisipan ko." tugon ko habang si Zander ay nagmamasid na parang bata. Ang cute cute!

Hinila ko ang kamay nito habang pumipili ako ng pwede namin makainan. Pumili ako ng medyo maayos ayos na cart, yung hindi maitim ang mantika. dahil kung ako lang okay lang kahit doon na ako, eh may kasama pa akong alaga, baka mamaya magsugod pa ako sa ospital.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon