Chapter 18

20 2 2
                                    



Zander's POV

Buong araw ako nakatulog sa pagod, hindi sa trabaho pero dahil sa dami ng nangyari kahapon. I'm not feeling well. My heart hurts at nahihirapan ako huminga. May basang tuwalya rin na naka lapat na noohan ko.

Kinuha ko ang phone ko at 6:00 pm pa lang. Ibig sabihin I've been asleep for almost 10 hours din. Agad agad akong bumangon pero kada galaw na gawin ko, sumasakit ang dibdib ko.

Nagdahan-dahan lamang ako lumakad ako pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Gumagabay ako sa pader dahil nahihirapan ako kumilos dala ng sakit ng mga kalamnan ko.

Pagkatapos ko uminom ng tubig agad kong naalala si Marga, I just can't get her out of my mind. I hope she's doing fine after what happened earlier.

Huminga ako ng malalim dahil nate-tense ako sa mga nangyayari. Bakit ba kailangan ko pang maranasan ang mga 'to bago ako maging masaya. Life is just so unfair.

I've been sitting in the couch for almost an hour and I still can't get her out of my mind. I need to find her. I need to explain everything before it gets too late for the both of us.

Nagbihis ako at humangos palabas ng condo ko. I need to see her. Wala akong pakielam kung saang lupalot ako makarating. I will find you.

Sumakay ako ng kotse ko at nagsimula mag drive. Iniisip ko ang mga lugar na importante sa aming dalawa. There I might find her. Baka isa doon ang mga sagot.

Inuna kong puntahan ang bay area kung saan ako unang umamin sa kanya. I remember I wanted to see the sunset with her because that moment is a dream to me. To watch the sun submerge to the deep ocean with someone special.

It's been a long time since I've been here. Bigla akong nakaramdam ng pagod at umupo muna ako sa bato habang nagpapahinga.

How could I forget that beautiful moment na habang lumulubog ang araw ay sinabi ko na kay Marga na gusto ko s'ya. That is the happiest moment of my life. Pagkatapos, hinatid ko s'ya pauwi and I gave her a bracelet as a sign of my love. Ibibigay ko dapat yon habang nandito kami pero nablanko na ang utak ko kaya nawala sa isip ko.

Bigla namang tumulo ang luha ko pero this time, sa sobrang tuwa. Bakit ba napaka-iyakin ko, I'm such a crybaby.

Naghintay ako ng kaunting oras sa pagaakala na baka sakaling pumunta dito si Marga para alalahanin ang mga pinagsamahan namin.

I waited more kahit na nilalamok na ako dahil plain shirt at shorts lang ang suot ko, I even forgot my cellphone at home so I can't call to ask for help kung sakaling kailanganin ko. Ang tanging dala ko lang ay ang sarili ko at determinasyon na mahanap ang babaeng mahal ko.

Naghintay pa ako ng kaunting oras kahit sa sobrang sumasakit na ang ulo ko sa lamig ng simoy ng hangin. Hindi pa ako pwedeng sumuko, walang wala pa 'to sa mga ginawa ni Marga para sa akin.

Hindi ko alam kung anong oras na at gaano na ako katagal naghihintay dito pero kaunti nalang, kaunting tiis pa. Zander.

Bigla nanamang tumulo ang luha ko sa di maipaliwanag na dahilan. Tumayo na ako at huminga ng malalim at sinigaw ang mga hinaing ko.

"Marga, mahal na mahal kita at hindi ako titigil hanggat di kita nakikita!" pagsigaw ko sa tahimik na dagat.

Umatras ako at bumalik na sa kotse ko. Dahil sobrang sakit ng ulo at katawan ko sa lamig na dala ng hangin sa labas.

Sumandal ako sa upuan ng kotse at ipinikit ang mga mata ko. As i opened my eyes, naagaw ng rosaryo na bigay ni Marga ang atensyon ko. I remember, bago kami nagpunta dito, ibinigay n'ya sa akin 'to. It seems like we're flying daw kasi pag ako ang nagda-drive.

Pero that rosary reminded me of the old place, the place we went for our first date. Tama! galing na ako doon kanina. How could I forget that.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko at agad ko itong iniliko sa direksyon papuntang school kung saan kami unang nagpunta nung una palang kami magka-kilala.

Wala na akong pakielam, binilisan ko ang pagda-drive dahil my time is running, I can't be calm and be relaxed especially ngayon na parang pinaglalaruan kami ng destiny.

Malapit lapit na ako dahil wala na halos sasakyan sa kalsada kaya malaya akong nakakapag drive. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa daan dahil baka sakaling makita ko si Marga dito.

I slowed down as I reached the street where we used to eat. Bumaba ako sa kotse at naglakad papunta dito. The street is so quiet. The only sound I hear is the sound of my slippers touching the rough ground.

Umupo ako sa shed at naghintay kung kailan dadating si Marga, malakas ang kutob ko na hindi ako bibiguin ng universe at magkikita kami ngayon.

I fought with my tears not to cry dahil magang maga na ang mga mata ko. Ang bilis ng panahon, kanina lang nandito ako at hinihiling na sana makita ko na ang babaeng mahal ko. Pero ngayon, nandito naman ako para makita s'ya at humingi ng tawad at mag-explain sa kanya kung ano ang gusto n'ya malaman.

Every second is a memory of us being happy and being in love, God, why do you have to put me in this situation where I can't be truly and finally be happy. Sinasabi ng mga tao na all things happens for a reason, pero that quote is just a massive hoax for me. I believe na if hindi nangyari ang mga nangyari sa nakaraan, hindi kami magkakahiwalay ng taong mahal ako. Siguro if things didn't happened, I may not hurt her to the point that she hated herself. Siguro rin hindi ko nasira ang buhay ko.

Pero I think, kung hindi na ako umalis ng Korea para sirain ang buhay ko, malamang masaya na kaming magkasama ni Marga. Masayang pamilya, simpleng buhay.

Sa totoo lang, if only I can trade everything I have I right now, gagawin ko. Basta kasama ko si Marga. She's the only person who proved my worth and showed me I'm someone worthy for love. And if time will keep us apart, I will spent every second of my life finding for her.

Natalo nanaman ako ng mga luha ko at walang tigil nanaman itong umagos sa mga mata ko. Hinayaan ko nalang tumulo ang mga luha ko kasabay ng paglakas ng mahihinang ulan. Wala rin akong payong na dala kaya nagpatila muna ako sa waiting shed kahit sobrang lamig. Lumala din ang sakit ng ulo ko at bumabalik ang pananakit ng katawan ko. Bigla rin sumikip ang dibdib ko.

Tumayo na ako at sinuba ang ulan para bumalik sa kotse ko dahil naninigas na ako sa lamig at para na din magpatuyo.

Pero sa paglalakad ko, may nakita akong babae na naglalakad din sa ulan pero hindi sya nababasa dala ng nakapayong s'ya.

Inaaninag ko ang mukha n'ya dahil nakatayo lamang s'ya sa kinatatayuan nya hindi gumagalaw. Para bang nagulat s'ya na nakita n'ya ako na naglalakad sa ulan.

Teka...

Hindi ba si Marga to?

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon