Chapter 2

62 5 0
                                    

Hi guysss it will be a big help if i recommend nyo sana to sa mga friends nyo Haha. Salamat! Anyway eto na yung next chapter :)

It's almost lunch time at ngayon ko lang naalala na wala pala akong dalang pagkain dahil sa pangyayari sa bahay kanina, si Marlon naman kasi eh.

Biglang tumunog ang phone ko at ito ay message galing kay Irene.

"Baks, tara kain na tayo. Hintayin ka namin ni Lance sa cafeteria" isinara ko ang message at hindi ko na ito nireplyan. Agad nalang akong lumakad papuntang cafeteria kung saan naghihintay si Irene.

Naglakad ako papunta sa table nila at nakita ko nga doon si Lance na may ginagawa sa kanyang laptop at mukhang busy sya.

"Sorry I'm late, charing." pagbibiro ko. Agad naman akong nilingon ni Lance at binaling ang pansin sa akin. Sinara nya ang laptop nya at isinilid ito sa kayang bag.

"Busy ka ba Lance?" dagdag ko

"Not really Maggie, Are you alright now? Sabi sa akin ni Irene masama daw ang pakiramdam mo last day kaya di ka nakapasok? Do you need meds?" medyo OA ha.

"No Lance I'm fine, kumain nalang tayo. And by the way, salamat sa flowers kanina." napayuko at ngumiti nalamang sa kanya. Tinugunan naman ako ni Lance ng ngiti na napaka ganda.

"Kumain na tayo! Baka langgamin ako dito!" dagdag ni Irene. Selos ka ghorl?!

"Baks nakalimutan ko magdala pagkain, bibili lang ako saglit." Aakma na akong tatayo ng bigla akong kinontra ni Lance.

"Ako nalang ang bibili, ano ba ang gusto mo?"

"Sasama nalang ako para makapili ako."

"Sige." tugon nya at agad naman kaming naglakad papunta sa counter upang bumili ng pagkain

"Gusto ko ng menudo Lance" turo ko sa menudo at dinungaw ito.

"Mas gusto kita." tugon niya. "Joke lang, haha" dagdag niya. Harot harot talaga ni Lance, sapakin ko na kaya to.

"Miss dalawang order nga po ng menudo saka kanin. paki dagdagan narin po ng puto pati isang softdrinks.  Salamat." Naglakad na kami pabalik sa table namin habang nag iintay roon si Irene na kumakain na. Hindi man lang kami inantay.

"Baks mamaya ka na kumain, Hinayin mo kami ni Lance." sabi ko habang tinatapik ko ang kamay nya.

Hinatid na sa amin ang inorder namin na pagkain at agad naman kaming chinismis ni ate na naghatid.

"Mag-jowa po ba kayo maam sir? Hala bagay na bagay kayo, sigurado akong napakaganda ng mga magiging anak nyo!" dagdag nito habang tumatawa tawa pa.

"Haha, sana nga ate. Pero hindi eh" tugon ni Lance. Napatingin naman ako sa kanya habang nagtataka. Tumingin sya sa akin nang nakangiti pero kita mo sa mga mata nya na malungkot siya.

"Hala sayang naman po. Sige ho mauuna na ako." dagdag ni ate. Pagkatapo nyang ilapag ang mga pagkain namin ay agad na s'yang umalis. Paparazzi ka ghorl?!

"Bagay naman pala kayong dalawa eh, bakit kasi hindi mo pa sagutin!" pang-iinis ni Irene.

"Gaga ka! Kung gusto mo Irene ikaw ang sumagot kay Lance." tugon ko habang nakasimangot.

"Oo nga Lance, bakit nga hindi nalang ako ang ligawan mo? Charing!" pangiinis nya kay Lance.

Tinawanan lang ito ni Lance. Habang nakatingin ako sa kanya, napansin ko ang company I.D. nya, Lance Andreas Mabalacad pala ang buong pangalan nya.

"Ang haba naman pala ng pangalan mo Lance, Lance Andreas Mabalacad." Agad naman s'yang napatingin sa akin.

"Ah, oo. dapat kasi talaga Andreas lang talaga yan, pinadagdagan lang ng Lance ng mga kapatid ko para magmukhang bata pangalan ko." tugon nya habang nakangiti.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon