Chapter 36

10 0 0
                                    



Marga's POV:

"Marga, pahinga muna, halos dalawang linggo ka ng nakatao dito. Ako na muna bahala kay Zander." pagpilit ni Isaac na magpahinga ako habang inaabot ang baso ng tubig sa akin.

It's true, two weeks na simula nung aksidente ni Zander at hanggang ngayon, hindi parin s'ya nagkakaroon ng malay. His heartbeat is not stable as well, kailangan pang i-check every 30 minutes dahil baka daw magkaroon ng komplikasyon.

"Hindi na Isaac, hinihintay kong magising si Zander eh. I want to be by his side oras na magising na s'ya." I said, Isaac just nodded as he handed me the food he prepared. Kinain ko ang bigay ni Isaac dahil simula kahapon pa ako hindi kumakain. Zander had an heart attack yesterday so I have to take care of him and monitor his heartbeat 24/7.

Ako na rin ang nagpupunas ng katawan n'ya at nagpapalit ng damit since ako lang naman ang tao dito sa hospital. Isaac only comes when it's his day off at free time sa gabi kaya tuwing dadating s'ya nakakapag-pahinga ako. Sila Mama naman ang tatao sa umaga habang natutulog ako. But lately I insisted na ako na ang tatao palagi sa umaga dahil I have a strong feeling that Zander will wake up any time soon.

"May mga nasabi ba sayo si Zander, bago kayo umuwi dito sa Manila?" Isaac asked. I looked up trying to remember pero wala akong maisip.

"Wala naman Isaac, bakit mo natanong?"

"Wala, haha. He seems to be very nervous about it kaya hindi siguro nabanggit sayo. Dont worry the moment he wakes up alam ko sasabihin rin n'ya sayo 'yun." He smiled. Napatingin naman ako sa nakahigang katawan ni Zander, may sikreto pa pala 'tong kumag na 'to.

"We talked about it before you guys went on vacation. Para bang he's reflecting sa mga pinagdaanan n'yo sa mga nakalipas na taon. And he's very sentimental about it..." he laughed as he drank the bottle of water he's holding. "Mahal na mahal ka ng kaibigan ko Marga, yung pagmamahal na sa tingin mo mayroon s'ya para sayo? Higit higit pa doon ang kaya n'ya ibigay. It's just sad na kailangan n'yong pagdaanan 'tong dalawa when you guys have been through a lot already." he started crying while covering his face. Pinigilan ko ang luha ko dahil siguradong hanggang mamaya ako iiyak kapag tungkol kay Zander ang pinag-uusapan.

"Oras na magising talaga si Zander tatamaan sakin 'yan." pagbasag ko sa kalungkutan habang pinipigilan ko ang mga mata ko na ibuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Isaac stood up and checked on Zander's heartbeat sa monitor, tinignan n'ya na rin ang dextrose ni Zander kung sapat pa ba 'to sa buong gabi.

"Ikaw Isaac, di ka pa ba uuwi? galing ka pa sa trabaho eh. Padating na rin naman si Marlon para magbantay." I said.

"Nag leave muna ako sa trabaho para bantayan din muna si Zander. Hindi ako sanay na di nakikita si Zander sa gabi na ginagambala ako bago matulog eh, baka mabaliw lang ako." ngumiti lang ito. Higit sa akin, mas matagal nakasama ni Isaac si Zander that's why I can see the sadness in his eyes. Isaac treats him as his own brother kaya ganoon nalang ang pag-aalala n'ya.

"As much as you care for him, ganoon din ako sa kanya. Kaya magpahinga ka na at hindi ka pwedeng losyang sa kasal n'yo!" hinampas ko ang balikat nito dahil puro kalokohan ang alam ni Isaac.

"Kahit losyang ako, maganda ako!"

"Kaya ka siguro nagustuhan ni Zander 'no? Parehas kayong hambog!" pang-iinis nito, kahit papaano naman napagaan nito ang atmosphere sa loob ng kwarto ni Zander. Parang isang buong bahay ang laki ng kwarto ni Zander dito sa hospital. At ang huling gumamit daw nito ay ang Mama ni Zander nung pinanganak s'ya.

"Eh ikaw, kaya ka siguro kaibigan ni Zander kasi parehas kayong pangit!" we both laughed pero hindi parin maiwasan na mabura ang saya sa mga mukha namin tuwing makikita si Zander na nakahiga sa hospital bed.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon