Chapter 29

17 0 0
                                    

Marga's POV

I woke up wala si Zander sa tabi ko, but I can clearly hear his laugh na napakalakas. Nanggagaling ang ingay ng bibig ni Zander sa baba, nagluluto sila ni Marlon habang nanonood sa T.V. si Mama.

Nakakapag get a long na pala ang kapatid ko at si Zander, bakit mas mukha pa silang mag jowa kaysa sa amin. Mas sweet din si Zander sa kanya. Sila ata talaga ang mag-jowa eh?

Bumaba na ako ng hagdan at naupo sa tabi ni Mama ng hindi napapansin ni Zander dahil busy ito sa ginagawa n'ya. Si Marlon naman ay lumabas sandali para bumili ng mineral water. Umuulan ng napakalakas ngayon kahit na umagang umaga palang kaya suot suot ko ang hoodie ni Zander.

Nakatingin lang ako sa direksyon ni Zander na abalang nagluluto. He's getting better at cooking to be honest, dahil yun palang kinain namin sa bahay n'ya kasama si Isaac ay kasama s'ya sa pagluto. Hindi ko na pala kailangan matuto magluto dahil sanay na ang future asawa ko! Choz! I'm a strong independent woman kaya.

Natapos na sa pagluluto si Zander at inihahain nalang n'ya ito sa lamesa pero hindi parin n'ya napapansin na gising na ako. Dedicated na dedicated ka naman po sa ginagawa mo Ace Zander?

"Pst, good morning." sitsit ni Zander habang nakatingin sa akin. Tumayo ako sa sofa at pumunta na sa lamesa kung saan nandoon si Zander.

"Good morning din." nilagyan ko ng konting tampo ang tono ng boses ko para mapansin n'yang nagtatampo-tampuhan ako.

"Oh, bakit parang hindi naman good ang morning n'yang baby ko na yan. Care to share?" habang pinipisil nito ang pisngi ko at dinidikit ang ilong n'ya sa ilong ko.

"Wala, hindi mo kasi ako pinapansin kanina. Nevermind. Kain na tayo." pag aya ko kay Mama.

"Hindi kasi kita napansin, nagluluto ako kanina with Marlon. I'm sorry." na guilty naman ako sa ginawa ko. Bakit ba napaka soft at sensitive neto. Nabaliktad tuloy ako. Ako dapat magtatampo at susuyuin. Ako tuloy ngayon ang susuyo.

"Joke lang hehe. Sige na kain ka na." paglihis ko. Baka mapaiyak ko pa si Zander dito ng wala sa oras.

Dumating na rin si Marlon dala dala ang dalawang galon ng tubig. Hirap na hirap ang mokong kay tinulungan pa s'ya ni Zander na magbuhat. Nabuhat ni Zander ang dalawang gallon ng tubig ng walang ka hirap hirap. Humuhulma tuloy sa sleeves ng T-shirt n'ya ang muscles nya sa braso. Hele, pereng besheg ne eke.

Kalaki-laking tao ni Marlon hindi makabuhat. Kaunti lamang ang lamang ni Zander kay Marlon pag-dating sa height. May muscles naman din ang kapatid ko pero hindi ko alam baka hangin lang ang laman.

Umupo na kami sa lamesa habang si Marlon ay sa sofa kumain dahil nanonood s'ya ng cartoons. Kami ni Mama at Zander lang ang natira sa hapag.

"Kumusta nga pala Zander anak ang shoot n'yo kahapon? Na-kwento kasi sa akin ni Marga na s'ya ang model n'yo." pagtatanong ni Mama. Hindi naman nag-atubili si Zander at sinagot n'ya ang tanong ni Mama.

"Everything went fine po Tita. Marga did a great job." sagot nito.

"Tita? Zander naman parang ibang tao naman 'tong batang 'to." sabay hampas ni Mama sa balikat nito. "Mama nalang din ang itawag mo sa akin."

His eyes balled out sa narinig n'ya. "Talaga po? Pwedeng Mama na ang tawag ko sa inyo?" habang nanlalaki pa ang mata nito. Tumango si Mama at si Zander naman ay hindi na naitago ang kilig na nararamdaman n'ya kaya niyakap n'ya kaming dalawa ni Mama.

"Zander, kumain ka na nga!" bulyaw ko dahil muntik pa akong mabulunan sa kinakain ko dahil bigla akong niyakap ni Zander, sa laki ba naman ng braso n'ya ine-expect ba n'ya na makakahinga ako sa bigat n'ya. Mamaya mo nalang ako i-choke daddy. Char ang kalat!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon