Chapter 6

32 2 0
                                    

"Baks, balita ko babalik na raw dito si ano!"

"Baks!"

"Baks!" pagsigaw sa akin ni Irene, hindi ko napansin ang sinasabi nya dahil sobra ang pagod ko kagabi sa kakaiyak. Hindi nga maganda ang pakiramdam ko pero ayoko naman mag drama lang sa kwarto buong araw.

"Ah, oo." tugon ko kay Irene.

"Anong oo? Wala kang feedback? Babalik na si Zander?" pabalik na tanong ni Irene. Hindi ko muna sinagot ang tanong ni Irene, dahil sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita s'ya ulit dito sa Pilipinas. Teka, bakit ito agad ang naiisip ko, babalik lang sa Pilipinas hindi babalik sayo! assumera ng taon.

"Edi bumalik s'ya, wala namang pumipigil." sagot ko habang hinihigop ang kape na pampagising sa katotohanan.

"Balita ko sa Friday na daw, eh. Wednesday na ngayon. Pero ang hindi ko lang din alam kung ano ang pakay nya dito." sambit ni Irene, hindi ko sya sinagot pa dahil busy ako sa pag-emote at pag-mamaganda. Pero ano nga ba ang pakay dito ni Zander kung sakaling babalik na sya dito? Sana lang hindi ko na makita ang pagmumukha nya.

"Guys! kumain na kayo?" si Lance habang naglalakad papalapit sa amin.

"Hindi pa, Tara lunch na tayo." tugon ni Irene kay Lance. Napansin naman ni Lance na hindi ako nagsasalita.

"Marga, are you doing fine? bakit ang tahimik mo?" paglipat nito sa harap ko habang nakatitig sa mga mata ko.

"Okay lang ako, kayo nalang muna ni Irene ang lumabas wala akong gana kumain." nginitian ko si Lance pero mukhang hindi sya kumbinsido.

"If hindi mo gustong lumabas, magpapa-deliver nalang ako." ngumiti nalang ako ulit bilang tugon kay Lance na ngayon ay takang taka na sa mga ikinikilos ko. Kahit na matagal kong naging kaibigan si Lance, hindi nya alam na may ex akong dadating dito galing Korea, wala namang dahilan para banggitin pa dahil matagal naman ng wala kami ni Zander. At hindi naman sya nagtatanong! ano share ko lang?

"Hindi nga Marga ano ang problema? I'm really worried na." at ang pout pa. tinawanan namin sya ni Irene dahil parang bata si Lance kung magmakaawa.

"I'm sorry, pero masama lang talaga ang pakiramdam ko Lance. Promise babawi ako sa inyo, pero for now, uuwi nalang muna ako." pagpapaliwanag ko.

"Hahatid na kita. And please wag mo na ako tanggihan. I want to bring you home safe." pucha naman Lance, ganyang ganyan yung sinabi sa akin ni Zander.

"Bahala ka." tipid kong sagot. Naglakad na kami palabas ng building. Hindi na si sumama si Irene dahil marami daw syang trabaho, busy busyhan ang gaga. Nasa parking lot na kami at hindi na ako umiimik pa, maging si Lance ay hindi na rin nagsasalita. Buong byahe akong nakatitig lang sa bintana ng kotse, at mukhang tumutugon sakin si ang kalangitan dahil biglang umulan habang nag iinarte ako. Pa simple akong tinitignan ni Lance dahil nga sa mga inaakto ko. Pero ayoko na sabihin pa kay Lance dahil nga wala namang point para malaman pa n'ya. Hindi ko namalayan ang byahe at maya maya nasa bahay na ako. Naunang lumabas si Lance para kunin ang payong sa likod ng kotse at agad akong sinilungan. Hindi ko na pinagtagal pa sa bahay si Lance dahil marami rin siyang trabaho na kailangan tapusin.

Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim. Ano ba ang nangyayare sa akin, bakit parang affected parin ako. Agad kong inunblock si Zander sa phone ko at tinignan ang recent activities nya sa timeline nya. Nakita ko nga na babalik na sya dito ng Pilipinas na may caption pang, "Home soon!" huwag ka na babalik dito ungas ka. Dahil nga sa kaengengan ko, nag scroll down pa ako pababa. Wala naman akong nakitang kataka taka dahil wala ganong laman ang timeline nya, hindi parin sya nagbabago. Sa tagal kong nag ii-scroll nakita ko na ang lumang mga college pictures namin. Mga post ko to na nakatag lamang sa kanya na kaming dalawa lang ang nakakakita. Dahil ayaw daw nyang maagaw ako ng iba. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at bigla bigla nalang itong dumaloy sa mukha ko at pumatak sa screen ng cellphone ko. Ang sakit sakit, Hindi ako masaya na babalik ka Zander kasi sobrang sakit na, Hindi rin naman ako sigurado kung ako ang babalikan mo dito sa Pilipinas. Nakakainis ka talaga!!!

*****

"Hey" isang unknown number ang nag text sa akin.

"Sino ka? at saan mo nakuha ang number ko ha." tXtbcKk q, cHAr!

"Zander 'to, I got your number from Irene, let's meet later sa parking lot 3:00 PM sharp, punta ulit tayo sa pinuntahan natin last time. Ingat!" text nito. Agad naman akong kinilig sa nabasa ko, ang landi landi ko talaga.

Buong klase iniisip ko lang ang message ni Zander sa akin, lagi ko itong sinusulyapan at inaabangan ang text nito. Hindi na ako maka concentrate sa pag-aaral sayo. Nakatulala ako at agad kong naramdaman ang vibration ng phone ko mula sa mga hita ko. text ito ni Zander, "I'm here sa parking lot, Hihintayin kita." tinignan ko rin ang oras at 3:00 PM sharp na pero hindi parin tapos ang prof ko sa pag didiscuss, kinakabahan na ako baka akalain ni Zander na ayaw ko sumipot. Magre-reply na sana ako ng biglang nag text ang network ko na ubos na ang load ko, nag text ulit si Zander, "Are you still coming? Nandito lang ako sa parking lot." nag freak out na ako dahil naghihintay si Zander sa akin, hindi kk namalayan na 3:30 na pala at hanggang 4:00 PM pa ang klase ko na 'to, buti nalang at maaga nag dismiss ang prof kaya agad akong kumaripas mg takbo sa parking lot. Tumakbo ako papuntang parking lot, nakikita ko ang kotse ni Zander pero wala doon si Zander. Inikot ko na ang paligid at hinanap si Zander. Halos dalawang oras na akong naghihintay dito kay Zander at naga-aalala ako dahil baguhan lang s'ya dito sa campus at baka may mangyaring masama na doon.

"You're here na pala, I'm so---" Hindi ko pinatapos ang sinasabi nito at agad ko s'yang niyakap.

"Okay ka lang ba? Wala bang nangyari sayo?" kumalas ako ng yakap at agad chineck ang katawan nya.

"I'm fine, why? You're acting weird." sinamaan ako ng tingin nito. Bwisit amputa, ako na nga 'tong nagaalala sa kanya, tapos ganon pa. Bakit naman ang OA ko din.

"Wala na akong gana! Wag na tayo tumuloy!" at nag walk-out ako palabas ng parking lot. Bwisit na yon, binabagalan ko ang lakad ko umaasang aawatin nya ako pero hindi, hindi man lang s'ya gumalaw sa kinatatayuan nya na nagpadagdag pa ng inis ko.

Umuwi ako sa bahay ng bwisit dahil sa lalaking yon, Maya maya't may message akong na receive galing ulit kay Zander.

"I'm sorry about what happened a while ago, I didn't know you are worried about me. No one cared for me as much as you did, and I don't know what to do about it. Im super clueless. Tell me what can I do to make it up to you. Please?" dedma sayo at sa text message mo.

"Hey, I'm really sorry."

"I was worried about you, I left the parking lot to look after you, I went to your room to ask your classmates where did you go and they said you already left. I even texted Irene to ask if ever you are with her but she said she hasn't seen you this day."

"I got worried so i decided to find you. But it turns out you are already there. I'm sorry for making you wait and worry. :("

Hindi ko alam ang sasabihin ko pagkatapos n'yang mag spam ng messages sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa nalaman ko na nag alala sa akin si Zander at hinanap pa nya ako. Hindi ko alam ang mga nararamdaman ko, nalilito ako. Hinayaan ko muna ang text ni Zander at hindi ko muna ito nireplyan dahil magkaklase naman kami bukas at doon ko nalang ipapaalam sa kanya ang side ko. Bigla ulit nag ring ang phone ko at panibaging text galing kay Zander.

"Good night, I'm sorry."

Naawa na ako kay Zander, pero naalala ko na wala nga pala akong load. Bad trip diba. Punyeta!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon