Chapter 4

35 2 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakaiyak ko kagabi ngawatera ng taon ang peg ko. Tangina mo kasi Zander hayop ka salot ka sa buhay ko.

Tumingin ako sa orasan ko sa kwarto at nakita ko na halos mag-aalas dos na pala. Napuyat ako kagabi kaya medyo mahaba haba ang ang pagtulog ko at alas-kwatro pupunta na dito si Lance dahil inimbita ko sya para dito na mag hapunanan.

Bumaba ako sa sala para magtimpla ng kape, at sa lamesa nakita doon si Marlon na busy at nakaharap sa laptop nya.

"Si Mama?" pagtatanong ko habang nagtitimpla ako ng kape.

"Nasa labas. Pumunta sa palengke." matipid nitong sagot.

"Pupunta nga pala si Lance dito mamaya, umayos ka ha sasapakin kita." pag-iiba ko ng topic.

"Sinong Lance? At bakit ikaw pa ang nagiimbita ng lalaki sa bahay? Baliw ka na ba Margarita?" tugon nito habang binabaling ang matatalim nyang mata sa akin.

Tumayo ako at pumamewang sa harap nya. "Hoy Marlonito kaibigan ko lang si Lance no! Kapal nito!" sabunot ko ditk habang hawak hawak ang kamay ko at dumadaing sa sakit ng sabunot ko.

Umalis na ako sa sala at iniwan si Marlon doon mag-isa, tinext ko rin si Mama na mamili ng extra dahil may dadating nga na bisita.

Habang hinuhigop ang kape ko. Nagiisip ako ng pwedeng gawin. Maglinis kaya ako ng kwarto? Pero hindi ko naman sya papapasukin dito sa kwarto ko no!

Habang nag-iisip ako at ume-emote, napag desisyonan ko na nga na maglinis na ng aking bodega, este kwarto.

Oo, girl ako pero hindi ko alam kung bakit burara ako sa gamit. Kung ano ang kinaburara ko, iyon naman ang sininop ni Marlon sa mga gamit nya. Kapag papasok ka sa kwarto ni Marlon wala kang makikita na alikabok. Tunog lang ng aircon ang tanging bubulabog sayo. Yung mga gamit nya lahat maayos na nakasalansan, yung kama nya maayos ang pagkakatiklop ng mga kumot, yung mga damit nya lahat naka hanger sa loob ng aparador. Pero kapag kayo ang papasok sa kwarto ko, mabubwisit kayo. Ang mga make up ko nakakalat dahil nga sa nagmamadali ako lagi, yung damit na pinaghuhubaran minsan nakalagay lang sa kama. Minsan rin yung aparador ko nakabagsak lahat ng damit. Nakakainis!

Sinimulan ko munang ayusin ang kama ko dahil mas ginaganahan ako maglinis kapag kama ang inuuna ko. Sinalansan ko ang mga unan ko at tiniklop ang mga kumot, inayos ko rin ang bedsheet nito para pak na pak na!

Sinunod ko naman ang vanity table ko, lahat ng make up brushes ko nilagay ko na isang holder at yung mga mismong make up, nilagay ko sa drawer sa ilalim nito. Tinapon ko rin yung mga make up na hindi ko ginagamit dahil wala namang gagamit nito.

Sinunod ko naman yung apradaor ko, inilbas ko lahat ng mga damit ko para ayusin ulit hanggang sa ilalim may nakita akong box, memories ko to nung college ako, mga polaroids kasama ang mga kaibigan ko, mga gamit na bigay nila pati ang uniform ko noon na may pirma ng mga mahahalagang tao nung college pa ako.

Habang kinakalikot ko ang laman ng box, inaalala ko rin ang mga nakalakip na memories na kasama nito. Hanggang makita ko ang isang papel na nakatiklop at halatang may laman ito sa loob.

Tangina? bakit nandito parin ang polaroids namin ni Zander.


*********

Yung isa dito sa grad ball namin bago kami magtapos at yung isa dare lang na mag pose daw kami habang magkalapit ang mga mukha namin.

Akala ko tapos na ako kay Zander, hindi pa pala. Bakit nalang sa lahat ng gagawin kong kilos meron akong naaalala tungkol sa mokong na yun. Sa mga lugar na pupuntahan ko, sa mga bagay gagawin ko. Sa mga taong nakakasalamuha ko, laging may bakas ni Zander.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon