Chapter 21

18 1 0
                                    


Marga's POV

After the night. Huling araw na natulog ni Zander sa bahay dahil papasok na daw kami sa trabaho bukas. Ang Mama ko naman ay gustong gusto nasa bahay si Zander, ginagawa s'yang clown ni Mama.

Pero hindi ko na sa kwarto ko pinatulog si Zander, pinatulog ko s'ya sa kwarto ni Marlon, dahil baka matuluyan na ako pag doon ko s'ya pinatulog.

Buong gabi lang kami magka-text, panay din ang send ni Zander ng mga wacky selfies n'ya. Malamang ko ay inis na inis si Marlon sa likot ni Zander.

Maaga akong naghanda, maaga din ako gumising dahil sabi ni Zander ay dadanana n'ya ako. Ako namang si gaga, maagang nag-ayos at malamang ko sa mga oras na ito ay naliligo palang si Zander.

Maya maya, may bumusina na sa tapat ng bahay. Kumirapas ako ng takbo kahit pa naka high heels ako.

"Oh, dahan dahan lang." si Zander dahil muntik pa akong matalisod, buti nalang nasalo ako ng katawan n'ya.

"Ma, alis na kami." dagdag pa n'ya at sabay kaway kay Mama. Mama agad?

Nakangiti si Zander na pinagbuksan ako ng pintuan.
Gosh, parang bago palang kami na nagliligawan. Hindi mabura sa mukha ni Zander ang mga ngiti n'ya, buong byahe lang ako nakatingin sa mga mukha n'ya.

"Gwapong gwapo ka naman ata sa akin?" nakangising saad nito. Inirapan ko lang si Zander at tumingin tingin sa paligid.

"About nga pala sa kahapon, sorry. Nadala lang." dagdag nito.

"Wala 'yon, gusto mo ulitin pa natin eh." pagbibiro ko. Nawala ang atensyon ni Zander sa pagmamaneho sa mga sinabi ko. Hinampas ko naman ang braso n'ya at pinaalalahanan na baka mabangga kami.

"Talaga?" sagot nito na para bang paniwalang paniwala.

"Haha! Ang funny mo Zander. Funny-walain." sagot ko. Sumimangot naman ang mukha nito parang maliit na bata. Kinurot ko ang cheeks n'ya na muling nagpangiti sa kanya.

Sandali lang kami nag-drive papunta sa opisina at nakarating na agad kami. Tinatanggal ni Zander ang seatbelt ng bigla kong sinabi.

"Anong gagawin natin?" napatingala naman sa akin Zander, na parang nagtataka.

"What do you mean? kinahihiya mo ba ako?" malungkot na sagot nito. Eto namang si Zander napaka.

"Hindi, gago. Syempre baka magulat sila. Nung nakaraan lang nagiiyakan tayo tapos ngayon magkasama tayong papasok." sagot ko.

"Wag mo nga isipin ang sinasabi ng iba. Tsk." bumaba ito sa kotse at pinagbuksan din ako.

Pagkababa ko at inilahad agad ni Zander ang kamay n'ya. "Trust me." hinawakan ko naman ang kamay n'ya at sabay kaming pumasok sa main entrance ng building na hindi kadalasang ginagawa ni Zander dahil sa parking lot ay may elevator papunta sa opisina n'ya.

Habang magka-hawak kami ng kamay. Sabay kaming naglalakad sa napakalawak na lobby, pinagtitinginan kami ng mga tao at idinidiin ko lang ang mukha ko sa kilikili n'ya dahil nahihiya ako.

Nagulat ako ng ihatid pa ako mismo ni Zander sa opisina ko.

"See you later at 5:00 PM" sabay kindat. Namula ang buo kong mukha sa ginawa ni Zander, nakita rin ito pati ng mga kasama ko sa opisina. At sabay sabay silang nagsisigaw sa kilig.

At dala na rin ng kilig nakisigaw na rin ako sa mga gaga. Sherep daw gaga ata 'to eh kung patayin kaya kita.

Halos 3 minutes din kaming nahihiyaw ng mga ka-opisina ko nang biglang dumating si Irene.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon