Chapter 14

22 2 0
                                    

Marga's POV

I woke up early in the morning, hindi rin naman kasi ako nakatulog ng maayos. Bakit kaya kapag maaga ako nakakatulog late akong nagigising at napapasarap ang pagtulog ko, pero kapag late ako natutulog maaga ako laging nagigising. Hindi ako nagsayang ng oras. Nag-ayos na ako ng kwarto ko dahil maya maya ay uuwi na sila Mama, napasarap ang pagbabakasyon ng donya.

Pagtapos kong mag ayos ng sarili ko, agad na akong lumarga at lumakad papunta sa building. Kung tutuusin sobrang aga ko pa dahil 7:00 AM nagsisimula ang trabahao namin, pero ang dilim pa ng langit.

Nagsimula na akong lumakad ng mabagal at dinama ko lang ang simoy ng hangin. Emote emote lang. Sa totoo lang, gusto ko kasing makita si Zander. Dahil hindi ko pa s'ya nakikita ng personal na pumasok sa trabaho.

Naalala ko tuloy, parang dati lang nagliligawan pa kami, ngayon boss ko na s'ya. Ano kaya ang itsura nya kapag naka pang-office attire? Ano kaya ang itsura nya kapag nagagalit sa mga employees? Ano kaya ang itsura nya kapag naste-stress sa trabaho? Hays, bakit ba ganto ang pumapasok sa isip ko.

Papunta nadaanan ko ang school na madalas naming puntahan ni Zander, dito kami madalas mag tuhog tuhog, dito rin ang first date namin. Actually hindi naman talaga 'yon date, assumera lang ako. Inaya lang n'ya ako kumain sa labas, he want something new daw kaya dinala ko sa fishballan. At, balak pa magbayad gamit ang credit card, siraulo talaga.

Napangiti nalang ako tuwing titignan ko yung mga bagay nakakapag-paalala sa akin kay Zander. Ewan, there was never a dull moment with him, every time I spent with was worth it. Masakit nga lang, kasi hindi ko naman akalain na bigla biglang mawawala. Iba kasi yung sakit kasi akala ko hindi na matatapos yung saya, hindi ko naihanda ang sarili ko sa tagpo na 'yon, puro kasi sarap yung naidulot ni Zander sa sakin eh. Oh, ibang sarap 'yang nasa isip mo. Wag kang bastos!

Sa totoo lang 'din, hindi naman katulad ni Zander ang gusto ko. Nung una, oo gwapo namangha ako kasi first time ko makakita ng koreano. Pero never kong naisip na magugustuhan ko si Zander. Ang dami nga na nagkaka-crush sa kanya noon at nagagalit sa akin dahil ako lagi ang binubuntutan ni Zander. Basta laging may hate comments, diba daig ko pa ang artista. There was one time may grupo ng mga lalaki na sinigawan akong pokpok, at nung time na 'yon, he confronted them, galit na galit si Zander dahil namumula ang tenga nya at nakikita kong nanggi-gigil sya dahil bumabakat ang mga ugat sa katawa nya. Sasapakin pa nga ni Zander eh, buti napigilan ko kahit hirap na hirap ako dahil sa laki ng katawan n'ya. And he literally said, "Simula ngayon, lagi mo na akong kasama. Ayokong mapapahamak ka. What if may gawin sayo yang mga yan at wala ako sa tabi mo? I can't lose you." he said habang umiigting ang facial muscles nya. Ewan, bigla akong kinilig sa tagpo na 'yon, um-oo nalang ako dahil wala akong masabi, para akong kinuryente.

Anyways, malapit na ako sa building at medyo lumiliwanag na ang langit. Sa mga oras na 'to bukas na ang building pero wala pang tao, guards palang ang nandoon. Dumaan muna ako sa isang karenderya at bumili ng almusal na pansit para sa aming dalawa ng guard dahil hindi rin ako nag-almusal.

Finally, nakarating na din ako sa building, agad kong inabot kay kuya ang pansit, tinanggihan nya ito nung una pero pinilit kong kainin nya dahil sayang. Sinong gaga ang pinalagay sa plastic ang pansit at hindi sa foodpack, kaya no choice kami ni kuya na kainin nalang ito mula sa plastic. Habang kumakain, inusisa ko si kuya tungkol kay Zander.

"Kuya, kumusta si Zand--, yung bagong CEO. Mabait ba?" pagtatanong ko.

"Oho ma'am, madalas nga ho iyon nakatambay dito sa labas kasama namin. Nakikipag-kwentuhan dahil hindi daw s'ya gaanong pamilyar dito sa lugar." tugon ni kuya. Para palang yung unang pagkikita rin namin, tinanong din ako ni Zander kung ano ang pangalan ko at dahil daw ako ang katabi nya, ako na ang lagi n'yang kakausapin. Ang bait ni Zander, hindi nya dinidistansya ang sarili nya sa mga tao kahit na sobrang successful na n'ya, bakit walang bahid ng kasamaan ang lalaking to.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon